Thread~02

12 0 0
                                    


• GAVE IN •

Melanie,

Ilang linggo na kong nandito sa bahay ni Kyle, pero kahit magkasam kami sa iisang lugar, hindi namin pinapansin ang isa't isa. We're not minding each others presence.

Kaka uwi lang namin ngayon galing school, as usual sa kwarto nya lagi ang deretso nya. Kaming dalawa lang laging nandito sa bahay. Lagi daw kasing nasa ibang bansa ang parents nya and ayaw naman daw nya ng may kasambahay.

Nasa kusina ako ngayon para uminom ng tubig. Nagulat naman ako ng nakita ko sya at kumuha ng juice sa ref. Bago sya makaalis ng kusina ay tinawag ko sya.

"Kyle sandali" sabi ko. Tumigil naman sya.

"Gusto ko lang sabihin na, may nahanap na kong apartment. B..baka next week, umalis na ko dito" sabi ko.

"Bat mo pa sinasabi sakin? Hindi mo naman kailangang mag paalam" malamig nyang sabi.

"K..kyle alam kong kahit sinabi mo saking hindi ka galit sakin, hindi parin ako naniniwala. A..alam kong galit ka sakin sa hindi ko pagpapaalam sayo" ani ko. Lumingon na sya sakin at seryoso ang mukha nya.

"Hindi ako galit Mel, nagtatampo ako. I know its sounds childish but, I f*cking miss you Mel! It kills me na magkasama nga tayo sa iisang bahay, hindi naman tayo nagpapansinan! Tapos ngayon, iiwan mo nanaman ako!?" Galit nyang sabi

"Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan dito? Nasasaktan din ako Kyle! Ayoko sanang umalis dito pero, nahihiya ako sayo, sa parents mo. S..sorry ku-" pinutol nya ang sasabihin ko.

"P*tanginang sorry yan Mel!? Nakakarindi na! Hindi sorry ang hinihingi ko mel! Ikaw! Hinihingi ko na sana wag mo na kong iwan ulit! Na sana bumalik na tayo sa dati! G..gusto ko, hindi sorry yung marinig ko sayo, I want you to say that you love me! That you will never leave me anymore! Pero, imposible naman yun diba!? You will never love a guy like me right?"

Naluha nalang ako sa lahat ng sinabi nya.

"K..kyle hindi sa ganon," sabi ko.

"Then ano Mel!? Natatakot ka ba? Natatakot ka na iwan kita? O dahil hindi mo talaga ako mahal?"

"K..kyle mahal kita! P..pero alam mo naman ang sitwasyon ko diba!? I'm locked up in a freaking arrange marriage! Im marrying a guy that i don't even know. Kaya mo bang mahalin ang isang katulad ko na magpapakasal sa iba?"

"Mel, pag gusto may paraan, pag ayaw, may dahilan. Ngayon kung talagang mahal mo ko, lumaban ka. Wag kang matakot sakanila. That arrange marriage is just a piece of paper na kayang kaya mong sirain! Stop being to weak Mel. Dahil baka isang pirasong papel ang makasira sa buhay mo"

Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya.

"Kung gusto mong umalis, hindi kita pipigilan. Pero pag umalis ka, kalimutan mo na ko" agad na syang umalis at iniwan ako dun na punong puno ng luha.

***

Nasa library ako ngayon, binabasa ko ulit yung story book na binabasa namin noon ni Kyle.

Nang nasa huling pahina na ko ay may nakita akong isang papel. Kinuha ko ito at nakita kong isa itong sulat, sulat na ginawa ni Kyle. Kilala ko ang sulat kamay nya kaya hindi ako pwedeng magkamali na sya ang sumulat nito.

Dear Melie,
(Ito ang tawag nya sakin noon)

Kung sakaling mabasa mo to, malamang nakabalik ka na dito galing sa kung saan ka man nagpunta. I just want you to know how I really feel about you. Alam kung hindi mo pa ko masyadong naaalala because of your amnesia, pero I hope one day you will remember all our memories since we were kids. Simula bata pa lang tayo, sa totoo lang, I have a crush on you already. Pero syempre hindi ko yun pinapahalata sayo. Pero simula ng umalis ka at nag ka amnesia ka, parang nawala yung Melie na nakilala ko non. Babalik pa kaya sya? Pero kahit hindi mo ko maalala, I still fell for you. Kahit umalis ka, ikaw parin ang minahal ko. I miss you everyday, and Im always praying na one day, you will come back. Para masabi ko sayo na mahal kita. Please, bumalik ka na melie ko, I love you.

Thread of Love (SERIES 5) [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant