"As my dad said we will have a field and experiment missions." Huminto ako sa pag sasalita at isa isa silang tiningnan. Nandito kami ngayon sa conference room dahil kakatapos lang namin sa so called 'training'.
"The field mission is a illegal prostitution/bar raid, observing the 'Mikalaya School', and lastly, we are going to Bulacan to protect someone." Umayos ako ng upo at hinintay ang comment nila.
Tumingin ako kay Thaediece ng bigla siyang tumikhim. "Yes, Agent Phenomenon?"
"Gagawin ba natin ang mga field mission na 'to ng partner by partner o sama-sama?"
"Naisip ko na mas maganda kung sama sama tayo but, what do you think agents?"
Malawak ang ngiting tumango sila. "Oo nga. Para may thrill, samahan natin ng kalokohan!" Ani Crant kaya binatukan siya ni Ashton.
"We need to take the mission seriously, Asshole." Walang emosyong sabi niya.
Ngumuso si Crant at nag lakad palapit saakin. Bigla niya akong niyakap habang naka pout at parang batang itinuro si Ashton. "Babe, oh! Tinawag niya akong asshole! Masama siya!"
Mahinang napatawa nalang ako sa inasal niya at hindi napigilan na kurutin ang dalawang pisngi niya. "You're so cute." I said while still pinching his cute cheeks.
Natanggal ang pagkakapisil ko sa pisngi niya ng bigla siyang hinatak ni Ashton palayo saakin at siya ang yumakap sa bewang ko.
Napayuko ako ng maramdaman ko ang pag akyat ng dugo sa pisngi ko. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin saakin ang 'armalite' niya kaya hindi ko maiwasang mag init ang pisngi sa tuwing malapit siya.
Tumikhim ako at tumingin sakanya pero agad na nag iwas ng halos maduling ang mga mata ko dahil sa sobrang lapit ng aming mukha.
Itinuon ko nalang ang paningin ko sa folder na hawak. "Katulad ng sabi mo, Agent V, we should take this mission seriously so take your hands off me."
Dahil sa malapit siya saakin, narinig ko pa ang pag-'tsk' niya bago ako pakawalan. Nasa tabi ko parin siya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts niya. Now, he looks like a model that every girl want.
"But right now, we should start the experiment mission."
"I'm so excited! Partner by partner nalang, experiment mission lang naman." Ani Leigh at nag apir pa sila ng kakambal niya.
I smile at them and nod. "Yes, partner by partner. Agents, what do you want to experiment?"
Bawat isa sa kanila ay may malalaking ngiti sa labi, pwera nalang kay Ashton at Thaediece. Well, kailangan ko na talagang masanay sa dalawang cold na 'yan.
~
Crystal Stone Organization is more like arena. Nakatayo ito sa magubat na bahagi ng Cebu kaya hindi ito makikita ng ibang tao.
Sa unahan nito ay may malaking gold na gate at automatic na magbubukas iyon kung kotse ng isang Agent ang papasok. Bawat isang Agent ay may nakakabit na tracker detector sa sasakyan o kahit sa sarili, for safety purposes.
Kung wala namang tracker detector ang sasakyan ay may automatic scanner naman kaya makikilala pa rin kung sino ang papasok, kung isa itong intruder ay tutunog ng malakas ang computer analyser na si Athena kaya maaalerto ang mga Agents.
Pagkapasok sa malaking gate ay bubungad ang paradahan ng mga sasakyan. Sa pinaka gitna noon ay ang analyser sa pagpasok ng bawat isang Agent.
Training Ground, Experiment Department, Agent Dormitory, Dressing room, Black Room, Hospital, Conference Hall, Weapons, Restaurant, and Computer Area that's all departments CSO has.
VOCÊ ESTÁ LENDO
It Started With A Game
Romance"It's just a game, and you're my toy. Nothing more, nothing less." - She just wants to have a simple life, but everything turns upside down when the real game begins. When she was a child, she was already aware of all the responsibilities that rest...
