Alas singko palang ng umaga ng marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko.
"Mama, maaga pa!" Sigaw ko at muling ipinikit ang mga mata para matulog pero hindi pa rin tumitigil ang katok.
"Clare! Are you alright? Clare!" Napabangon ako bigla ng marinig ang malamig na boses ni Ashton.
Lumapit ako sa pintuan pero hindi ko ito binuksan. Hindi ako naka wig, contact lenses, freckles, manang na damit at malaking salamin kaya hindi niya ako pwedeng makita. "Ashton..." Mababa ang boses na sabi ko.
Narinig ko ang malakas na pagbuga niya ng hangin. "Clare, i'm so sorry, nabalitaan ko yung nangyari. Sorry wala ako. Sorry i-"
Pinutol ko ang kung ano man ang sasabihin niya. "Ashton, okay lang ako. Paano ka nakapasok."
"Can you open this fucking door?" Iritang saad niya at hindi pinansin ang tanong ko.
"A-ano hindi k-ka pwedeng pumasok kasi ano,... n-nakahubad ako! Tama, sanay akong matulog ng nakahubad!" Pag dadahilan ko. Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman ko ang pag iinit nito. Sa lahat ba naman ng palusot, nakahubad pa ang sinabi ko?
"O-okay. I'm just going to wait in sala. Pinapasok ako ng mama mo." Sabi niya kaya tumango nalang ako kahit na hindi niya nakikita.
Nakarinig ako ng yabag papalayo kaya alam kong nasa sala na siya.
Pumunta agad ako ng banyo at ang una kong ginawa ay ang mag sipilyo. Napatitig ako sa sarili ko sa salamin. Wala ng bakas ng pangit na nerd na si Clare. It's all Crystalline now.
Ang dating magulo at buhaghag na itim kong buhok, kulay itim na mata, maraming freckles sa mukha, malaking salamin, manang na damit na pinagmumukha akong mataba ay wala na ngayon.
I'm wearing my black nighties. Ang tunay na kulay ng buhok ko ay blonde, mana lang kay Daddy at kuya, my eyes is color amber, my lips is natural red and cute pointed nose.
Lahat ng 'yon nagbago dahil sa pagpapanggap ko. Gusto ko lang naman maging normal na tao. Yung mag karoon ng kaibigan hindi dahil marami kang pera kung hindi dahil sa ugali mo.
Akala ko kapag naging ganito ako, maaasam ko 'yon lahat pero hindi pala, mas lumala pa.
Mabilis na naligo ako at sinuot ulit ang mga kailangan ko para maging si Clare Santos. Nahirapan akong gumalaw dahil sa cast ng kaliwang braso ko.
Nag pumilit si Mommy na pumunta kami sa hospital dahil sa nangyari saakin at hindi ko inaasahan na kailangan pa pala akong i-cement cast dahil hindi maganda ang pagkakabagsak ko.
That time, my parents is fuming mad, kuya Cryston too. Gusto pa nga nilang umuwi muna ako sa bahay pero umiling lang ako.
Pag katapos pumunta sa hospital ay inihatid ulit nila ako dito sa condo pagkatapos ay umalis na. Ngayon, galit saakin si Kuya. Nagtatampo daw siya dahil mas pinipili ko pang mamuhay ng ganito kahit na maayos naman na.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at dumiretso sa sala kung nasaan si Ashton. Nagtitipa siya sa cellphone niya pero agad na tumingin saakin ng mapansin ang presensya ko.
He stiff when he saw me but after that, he slowly walk and to my surprise, he hug me tight. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero kusang gumalaw ang kanang kamay ko at niyakap din siya.
"I'm sorry. I'm so sorry, I'm not there to protect you." He mutter that words in my ear so many times but it like music to me.
His voice is not cold when he whispers that but husky. It's sounds so great for me. Ilang minuto lang ay bumitaw na siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
YOU ARE READING
It Started With A Game
Romance"It's just a game, and you're my toy. Nothing more, nothing less." - She just wants to have a simple life, but everything turns upside down when the real game begins. When she was a child, she was already aware of all the responsibilities that rest...
