Chapter 44

164 10 0
                                        

Nagising ako ng dahil sa sakit ng aking buong katawan ngunit hindi dumilat dahil sa nararamdamang kapaguran.

Ang malakas na tunog ng aparato ang aking narinig ang bahagyang iginalaw ang aking kamay ng maramdaman na parang may naka ipit sa isa sa mga daliri ko.

Mabigat rin ang aking pag hinga ngunit ang bagay na nakalagay sa aking ilong at bibig ang nag papatulong para makahinga ako ng maluwag.

Pakiramdam ko ay may bagay na bumabara sa aking lalamunan ng muling nanumbalik sa aking isipan ang mga nang yari.

Kahit na gusto kong igalaw ang aking kamay at damhin ang aking tiyan ay hindi ko magawa ng dahil sa sakit ng katawan, tila ba binugbog ako ng napakaraming beses.

Kahit na nakapikit ang mga mata ay naramdaman ko ang pag iinit nito at kasunod ang luhang masaganang tumulo sa aking pisngi.

Mas lalong bumilis ang pag tibok ng aking puso habang iniisip ang kalagayan ng anghel na nasa sinapupunan ko.

Marahan akong napasinghap ng marinig ang pag bukas at pag sara ng pinto kasunod ng mahihinang yabag papalapit sa akin.

Ilang sandali lang ay marahan akong napapitlag ng may mga kamay na humawak sa aking kamay na may dextrose.

Magaan ang pag kakahawak niya dito na tila ba isa akong babasaging crystal na dapat pag kaingatan.

Sa mas lalong pag lapit niya sa akin ay nalaman ko kung sino siya kahit na ako'y nakapikit pa rin. Hindi ko napigilan ang mas lalong pag tulo ng masaganang luha mula sa aking mata na dumadaloy sa aking pisngi.

Naramdaman ko ang magaang halik niya sa aking noo kaya wala akong nagawa kung hindi ang dumilat at tingnan siya sa asul niyang mga mata.

Hindi ko mabasa ang mga emosyon na nakatago doon pero sa aking pag tingin sa kanya ay alam na niya kung ano ang ipinapahiwatig ko.

I hate him. I hate him so damn much. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o talagang may nakita akong luha na pumatak mula sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.

Kahit na may oxygen na nakalagay sa aking bibig at ilong ay hindi ko napigilan ang malakas na hikbi habang puno ng luha ang mga matang nakatingin sa kanya.

Muli niyang hinawakan ang aking kamay at hindi ko inaasahan na hahalikan niya ito pag katapos ay sumubsob sa aking leeg.

Narinig ko ang malakas niyang hikbi. Hindi ko gustong maniwala dahil nag kalamat na ang tiwala ko sa kanya.

"I-i'm sorry..." Mahinang saad niya habang nakasubsob pa rin ang kanyang mukha sa aking leeg. "I-i'm so s-sorry..."

Mas lalong lumakas ang mga hikbi niya at ramdam kong basa na ang hospital dress na suot ko sa bandang leeg kung saan siya nakasubsob ng dahil sa mga luha niya.

Umiling ako at itinaas ang kamay para itulak ang kanyang balikat upang lumayo siya sa akin pero hindi sapat ang lakas ko dahil mas lalo niya lang hinigpitan ang pag yakap niya sa akin.

Bumukas ang pinto ng kwarto na kinaroroonan ko kaya't napatingin ako doon ngunit si Ashton ay nakalagay pa rin ang mukha sa akin at walang balak na bitawan ako.

Tumingin ako sa doctor na ngayon ay nasa harap na namin. Kahit na papaano ay nakahinga ako ng maluwag ng bumitaw sa pag kakayakap ko si Ashton at yumuko habang naka hawak pa rin ang mga kamay sa akin.

"Due to the high impact, you bleed and had a miscarriage. I'm sorry for your lost."

Tila umecho ito sa aking pandinig at parang sirang plaka na paulit-ulit na nag sasalita sa aking utak.

"N-no..." Ani ko at marahang umiling. Pinalis ko ang mga kamay ni Ashton na nakalagay sa akin at kahit na masakit ang buong katawan ay pwersahang umupo mula sa kama.

"Bawiin mo 'yong sinabi mo! I still have my baby!" Sigaw ko at tinanggal ang oxygen na nakakabit sa akin pati na rin ang dextrose.

Ayoko na dito. I want to go home with my baby. We want to go home.

Muling nag salita ang doctor ngunit sarado ang aking isip para pakinggan ang mga bagay na sinasabi niya.

Hanggang sa makaalis siya ay sinusubukan kong makawala sa matinding yakap ni Ashton sa akin.

"Let go of me!" I shouted and hit him so many times but he stay still. Mas lalo niya lang hinigpitan ang yakap sa akin ng mag simula akong saktan siya.

Nanlalabo na ang aking paningin ng dahil sa maraming luha na naiipon sa aking mga mata.

"Umalis ka na! This is your fault!" Pakiramdam ko ay tinutusok ng napakaraming karayom ang aking puso ng dahil sa nalaman.

Malakas akong sumigaw sa pag aakalang mababawasan nito ang sakit na nararamdaman pero nag kamali ako. Kahit anong sigaw at pag wawala ang gawin ko ay hindi manlang nito nabawasan ang sakit.

"I-i'm sorry. Please, trust m-me." Pakiramdam ko ay nilamon ako ng galit ng marinig ang kanyang ibinulong sa aking tenga habang mahigpit akong yakap.

"Putangina, Ashton! Sa tingin mo ba ay mapag kakatiwalaan pa kita!" I shouted that my voice roared inside the room we are in.

Bahagya siyang lumayo sa akin kaya't nag karoon ako ng pag kakataon upang dumapo ang aking palad sa kanyang mag kabilang pisngi.

Kahit na ilang ulit ko siyang saktan ay hindi pa rin naalis ang sakit na nararamdaman ko. The thought that I lose my baby is breaking my heart apart.

Pakiramdam ko ay binibiyak ito ng paulit-ulit na umabot na sa puntong hindi ko na kayang tanggapin ang lahat ng sakit.

"Umalis ka!" Muli kong sigaw at inihagis sa kanya ang kung ano mang bagay na mahawakan ko. Alam kong nasasaktan na siya sa ginagawa ko ngunit tinanggap niya ang lahat ng sakit at patuloy akong niyakap.

"Putangina, Ashton! Hindi mo ba ako naiintindihan? Leave me alone!" I shouted again but he just hug me even tighter.

"T-trust me, please..." Mahina ang boses na sabi niya dahilan ng ilang beses na pag iling ko. How can i trust him? He caused so much on me.

Wala akong nagawa kung hindi isigaw ang sakit na nararamdaman at saktan siya sa pag aakalang iiwan niya akong mag isa ngunit niyakap niya lang ako.

Ilang minuto ay dumating ang mga nurse at may itinurok na kung ano sa akin dahilan para dalawin ako ng antok.

Hanggang sa muling pumikit ang aking mga mata ay naririnig kong sinasabi ng lalaking may asul na mga mata na pag katiwalaan ko siya.

Patuloy na umaagos ang mga luha sa aking mga mata kahit na nakapikit na ako. Bago ako tuluyang dalawin ng antok at makatulog ay nagawa ko pang haplosin ang aking tiyan.

Muli kong naramdaman ang tila ba kutsilyong unti-unting tumatarak sa aking dibdib sa kaalamang wala na ang anghel na minsan ng nasa sinapupunan ko.

Tuluyan akong nag palamon sa antok habang hinihimas ang tiyan ko kahit na alam kong wala na talaga ang anghel na nandito. I cried in pain and wishing that when I wake up, I wish all the pain was gone.

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon