Pag kababa palang namin sa bangka ay napatakip na agad kami sa aming tenga dahil sa malakas na tili na nang gagaling sa tatlong babae.
"Ashton!!! Hindi ka nag sabi na pupunta ka!!!" Sigaw ng isang babae na may shoulder length hair na kulay itim at maliit.
Humihingal na huminto sila sa tapat namin ni Ashton dahil katabi ko siya. Biglang sumulpot ang mga agents at tumingin din sa tatlo.
"Eww. You're so tomboy." Sabi ng babaeng may maikling buhok na malakas na sumigaw kanina.
Napataas naman ang kilay ni Amber sakanya. "Eww. You're so pangit." Ganti naman ni Amber kaya mahinang napatawa ako dahilan para mapatingin sa akin ang tatlo.
Tumingin ako sa babaeng may blonde rin na buhok but, fake. Halata kasi sa anit nitong kulay itim. Kumukupas na ang kulay. Tan ang kulay ng balat niya mahaba ang fake blonde na buhok, magulo din ito na para bang hindi nag suklay ng ilang linggo.
Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tumingin din ako sa kanya pero mula ulo mukhang paa.
Napangisi ako makita siyang mag iwas ng tingin na halatang na-insecure sa akin.
Bigla siyang itinulak ng dalawa niyang kasama dahilan para mapasubsob siya kay Ashton. Si Ashton naman ay hinawakan siya sa balikat upang hindi siya matumba.
"Err. Ano ba naman kayo, nakakahiya kay Ashton." Pabebeng sa niya habang ini ipit ang ilang hibla ng fake blonde niyang buhok sa likod ng tenga.
"Ayieee." Sabay na saad ng dalawa at pinag tutusok si fake blonde sa buhok.
Marahan namang inilayo ni Ashton sakanya si fake blonde. Dahil doon ay ngumuso ito kaya nag mukha siyang pato.
"Hindi mo ba ako bibigyan ng kiss bebe Ashton?" Nakanguso pa ring sabi niya. Hindi ko alam pero biglang kumulo ang dugo ko at gusto kong sabunutan ang babaeng ito pero hindi ko gagawin kasi hindi naman ako war freak.
Umiling si Ashton at pumalatak. "Stop that, Akkhira."
"But i'm your girlfriend!"
Napataas ang kilay pero mas pinili kong huwag mag paapekto.
"We both know that we aren't together." Malamig na sabi ni Ashton.
Napatingin ako sa humawak sa balikat ko. Nakita ko si Alexander na nakangiti ng muli pero alam kong hindi iyon umaabot sa mata niya. "Lakad-lakad muna tayo." Sabi niya at inilahad ang kamay. Ngumiti ako at inilagay doon ang kamay ko.
Hindi kami napansin ng mga agents dahil busy sila sa panonood sa dalawa. Pinipilit kasi ni fake blonde hair na sila daw ni Ashton pero hindi naman pala.
"You jealous?" Nanlaki ang mga mata ko sa tinanong ni Alexander ng makalayo kami.
"Ha? Hindi ah! Bakit naman ako mag seselos don e-"
Napatigil ako sa pag tanggi dahil mahina siyang tumawa. Ng tumingin siya sa akin ay napaiwas ako. Nasasaktan ko na naman siya.
"You're in denial." Hindi iyon tanong kung hindi pahayag. Kilala niya ako kaya alam kong kahit na mag sinungaling ako sa kanya ay malalaman niya ang totoo.
Do i really like him? Siguro nga pero sisiguraduhin kong hanggang doon lang iyon. Darating ang araw na sasaktan niya din ako.
"Stop." Pag papatigil ko sa kung ano ang sasabihin niya pa sa akin. Bumuntong hininga siya. Nakakita kami ng malaking bato sa tabi ng isla kaya naupo kami doon.
BINABASA MO ANG
It Started With A Game
Romance"It's just a game, and you're my toy. Nothing more, nothing less." - She just wants to have a simple life, but everything turns upside down when the real game begins. When she was a child, she was already aware of all the responsibilities that rest...
