Chapter 30

138 12 0
                                        

TRIGGER WARNING: VIOLENCE

Ang malakas at sigaw ko ang umecho sa lugar na kinalalagyan namin dahil sa sakit gawa ng marami at puno ng lakas na hampas ng latigo sa aking hita.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata ng may bumuhos sa aking malamig at malansang amoy na tubig kasabay ng malalakas na tawanan ng mga babae.

Gusto ko mang makita kung sino sila ay wala akong magawa dahil sa telang nakatakip sa aking mga mata. Kahit anong pilit kong kumawala sa upuan na kinalalagyan ko ay hindi ko magawa dahil sa kadenang nakapalibot sa buong katawan ko.

Masakit at mahapdi ang buong katawan ko dahil sa ilang latay ng latigo na inihahampas nila sa akin. Kahit anong sigaw at pag mamakaawa ko ay agaw nila akong tigilan at malakas na tawanan lang ang ginagawa nila.

"L-let me g-go..." Kahit na nangangatal ang boses ko ay nagawa ko pa ding sabihin sa kagustuhang makaalis sa impiyernong kinalalagyan ko.

Muli silang tumawa ng malakas at binuhusan ako ng malansang likido. Tiniis ko ang amoy pati na rin ang sakit, i won't die here. Hindi pwede, maraming responsibilidad ang nag hahantay saakin.

"Let you go, oh our dear princess want us to let her go." Mapang asar na sabi ng nakakairitang boses ng pamilyar na babae.

Napabaling ang mukha ko dahil sa malakas na sampal. "Sa tingin mo ba papakawalan ka namin, what a dumb."

"You don't deserve your position in CSO, bitch. Ako dapat 'yon, pero inagaw mo!" Muli akong napaigik sa sakit na dala ng latigo.

Nalilito ako dahil sa sinasabi nila. Siguro ay isa sila sa mga organisasyong nag gusto akong patumbahin para makuha ang posisyon ko.

Mahina akong nag dasal na sana ay hindi sila mag tagumpay sa balak nila. Kung sakali mang mapunta sa kanila ang buong organisasyon ay lulubog lang din ito dahil sa gagawing pamamahala nila.

"S-sino kayo?" Walang lakas na tanong ko.

Narinig ko ang palatak ng isa at tunog ng takong na papalapit sa akin kaya't hinanda ko na ang sarili ko sa kung anong gagawin nila.

"My, my, my. Hindi niya nga pala tayo naaalala."

Bumaling ang mukha ko dahil sa malamig bagay na itinapat niya sa akin. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaalaman na pinapadausdos niya sa mukha ko ang bala at anumang oras ay pwede itong pumutok.

Habang nakapikit pa rin ay naramdaman ko ang baril na dahan-dahang itinaas ang basang panyo na nakapiring sa aking mga mata dahilan para hindi ko sila makita.

Kaunti na lang ay nakikita ko na ang tatlong pares ng mga pulang takong sa aking harapan ngunit hindi ko pa man nakikita ang kabuuan nila ay agad siyang tumigil.

"Hindi ba tayo mapapahamak kapag nakita niya tayo?" Rinig ko ang pag aalala sa boses ng isa pero tawa lang ang sinagot ng mga kasama niya.

Dumausos muli ang baril niya sa aking mukha na pilit kong iniiwasan pero mariin niyang hinawakan ang baba ko at halos bumaon na ang mga kuko niya sa aking pisngi dahilan para mapangiwi ako.

"Hindi tayo mapapahamak dahil mamamatay na ang babaeng 'yan sa kamay natin."

"At pag katapos noon ay mapupunta na sa atin ang organisasyon na pinakamamahal niya."

Dahil sa narinig kong usapan at galak sa boses nila ay naramdaman ko ang biglang pag iinit ng ulo. Iniyukom ko ang ang mga kamao.

"I am not going to die here! They are going to save me!" Sigaw ko at pumalag sa upuang kinalalagyan pero wala akong nagawa kung hindi ang masaktan dahil na rin sa sugat na nanggaling sa latigo nila.

It Started With A GameWhere stories live. Discover now