"I'm s-sorry" agad akong nagmulat ng mga mata at walang pag-alinlangan siyang sinampal. Para naman siyang natuod habang walang ekspresyong nakatingin sakin.

"W-wala na bang natirang respeto jan sa sarili mo?" para akong nagliliyab sa galit habang umiiyak.

Umalis siya sa ibabaw ko at wala sa sariling tumayo. Agad akong tumayo at hinarap siya.

"Tandaan mo ito, siguro ay hinding-hindi na kita mapapatawad pa" malamig kong sabi at pinahiran ang mga luha. Tumalikod ako at di pa ako naka-apat ng hakbang ay may mga braso ng pumulupot sa akin.

Napapikit ako dahil sa pagtitimping hindi siya masigawan. Pilit kong tanggalin ang mga braso niya pero ayaw parin niya akong bitawan.

"Bitawan mo ako Chaos" malamig kong sabi at ramdam kong napatigil siya sandali dahil sa pagtawag ko sa kanyang pangalan.

"I'm sorry Threes, please forgive me. I can't live without you, please forgive me. I'm begging you" mahinang sabi niya sakin. Gusto ko namang matawa dahil sa pinagsasabi niya.

Kung ayaw niya akong magalit, bakit niya ako ginagalit?

Pilit ko paring tanggalin ang mga braso niya at nagpumilit na makalakad para malayo sa kanya pero di parin siya nagpatalo.

"Bitawan mo ako, kung ayaw mong magdilim ang paningin ko sayo" babala ko sa kanya. Umiiling-iling lang siya at alam ko iyun dahil nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko.

"No, I don't. Please Threes forgive me, I only did that because I really missed you. I didn't intend to hurt you, I was just afraid I might losing you" nagsusumamo niyang sabi. Mauulit na naman ba ang kahapon? Kung mahal niya ako bakit niya ito ginagawa sakin? Ganito ba siya magmamahal? Walang paki-alam sa naramdaman ng minamahal niya, bakit pakiramdam ko ay naging makasarili lamang siya.

"Umuwi na tayo" walang emosyon kong sabi at malakas kong kinalas ang braso niya at nagtagumpay naman ako. Wala na akong sinayang na oras ay agad akong lumayo sa kanya at agad lumabas ng pinagtulugan namin.

Lumanghap ako ng sariwang hangin at nagsimulang naglakad.

"Threes! Please!" sigaw niyang sabi at alam kong nakasunod lang siya sakin.

Di lang ako nagsalita ay binilisan ko ang paglalakad. Nahigit ang hininga ko nang bigla siyang lumitaw sa harap ko at agad niya akong niyakap. Nagpumiglas naman ako at pilit lumayo sa kanya. Di siya nagpatinag at mas hinigpitan niya ang pagkayakap sakin.

"No, please forgive me. Im begging you mylove" mahinang sabi niya. Nagpakawala ako ng mabibigat ng hininga bago siya hinarap.

Para namang sumikip ang dibdib ko dahil sa nakikita kong mga luha sa mga mata niya. Bakit siya umiyak?

"B-bakit ka umiyak?" mahinang tanong ko.

"Because I love you" emosyonal niyang sabi.

"Please babe, forgive me" dugtong niya at hinawakan ang mga pisngi ko.

Tiningnan ko lang siya sa mata at nakikita kong totoo siya sa sinabi niya.

"I'm sorry if I'm being harsh on you. I promise I will learn how to be a good man, just please give me a chance" taos-puso niyang sabi. Para namang lumambot ang puso ko.

Di naman siguro masama kung pagbibigyan ko muna siya ngayon dahil kung hindi ay di kami nito makakauwi.

"Siguro ay umuwi lang muna tayo, papalampasin ko ang nagawa mo kanina pero ang tuluyan kang tanggapin ay pag-isipan ko muna" sabi ko sa kanya. Para naman siyang nabunutan ng tinik at ngumiti siya sakin.

"Thank you so much Babe, I'll wait for your decision, just let me stay by your side" sabi niya at base sa tono ng boses niya ay masaya siya.

Dinikit niya ang noo niya sa noo ko at tango lang din ang naging tugon ko sa sinabi niya.

"Let's go" sabi niya at sumang-ayon naman ako kaya nagsimula na kaming naglakad.

Tahimik lang kami sa paglalakad at walang ni isang nagsalita. Tanging mga huni lang ng mga ibon ang nagbibigay ingay sa paligid. Ngayon ko lang napagtantong kahit masukal ang gubat na ito ay may kagandahan paring namumutawi.

Napatigil ako nang may biglang lumitaw sa harapan ko na puting rosas. Agad kong tiningnan ang sinong nag-abot at nakasalubong ko naman ang mukha ni Four.

"For peace offering" taos-puso niyang sabi. Napakagat ako ng iibang labi para mapigilan ang ngumiti. Tinanggap ko ang rosas at inamoy, ang bango nito.

"Salamat" sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya sakin.

"No, I should be the one thanking you. Thank you for giving me a chance to speak" usal niya at tumingin sakin ng deretso kaya medyo nakaramdam naman ako ng pakailang. Tumawa naman siya ng mahina at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Gusto ko namang sipain ang sarili dahil sa katangahan, sumunod nalang din ako habang hawak ko ang binigay niya.

Nakasunod lang ako sa kanya dahil di ko naman alam kung saan ang daan pauwi. Bawat dinadaan ko ay inalis niya ang mga halamang nakaharang kaya uminit naman ang pisngi ko.

Pag may kunting talampas ay inalalayan niya akong lumakad. Umabot kami ng isang oras sa paglalakad at laking pasalamat ko'y nakabalik din kami ng akademya.

Agad kaming nagtungo sa dormitoryo namin at pagbukas pa lang namin ng pinto ay bumungad samin ang mga kaibigan namin.

"Gosh! Alalang-alala kami sa inyo" sabi ni Scarllet at agad naman nila akong niyakap. Ang mga lalaki naman ay niyakap din si Four sa paraang panglalaki ngunit hindi naman niya  niyakap pabalik ang mga ito at siguro'y hindi niya iyun nakasanayan.

"Saan kayo nanggaling?" sumisinghot tanong ni Aubrey habang nakayakap parin sakin.

"May pinuntahan lang kami" palusot ko. Tumango-tango naman sila pero halata parin sa mga mukha nila ang hindi kombensido.

@Missloorh

Ang drama nila bwhahahaha

Hope you enjoy!

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now