Chapter ♥ 4

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ko masasagot ang tanong na iyan Four" mahinang sabi at agad nag-iwas ng tingin.

"Why? Please babe look at me, tell me why?" malambot niyang sabi at pinilit ipinaharap ang mukha ko sakanya gamit ang isa niyang kamay pero nagmamatigas ako. Ayaw ko siyang tingnan baka malaman niya ang totoo.

"Siguro ay kalimutan nalang natin ang lahat at maging magkaibigan nalang tayo. Oo, tama! maging magkaibigan nalang tayo" wala sa sarili kong sabi. Para naman akong sinaksak ng kutsilyo sa sinabi ko. May parte sa isipan ko na bawiin ang mga nabitawan ko pero mas nangibabaw sakin ang parte ng pag-iisip ko ang hayaan nalang. 

"No, I don't. Just please answer my question, please I'm begging you" agad akong napatingin sa kanya dahil sa gulat. Di ko inaasahan na ang prinsipeng ito ay nagmamakaawa.

"Wag kang magmamakaawa Four dahil hindi iyun bagay sayo" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng mapakla.

"Because I'm a prince? hindi kona pwedeng gawin ang magmamakaawa para sa babaeng mahal ko?" madamdamin niyang sabi. Para namang tumalon ang puso dahil sa saya pero hindi ko lang iyun ipinahalata. May naramdaman akong may mga paru-parong nagliparan sa tiyan ko. Ano ba itong naramdaman ko?

"Please answer me babe" malambot niyang saad.

"Kung sasabihin kong mahal din kita wala din namang pag-asa ang mga naramdaman natin dahil hindi tayo para sa isa't isa" mahina kong sabi.

"So, you love me? Am I right?" parang natutuwa niyang sabi at tumango nalang ako dahil totoo namang mahal ko siya.

"Yes!" natutuwa niyang sigaw. Para siyang nanalo sa palaro dahil sa reaksyon niya. Ang saya-saya niya.

"Babe let's do this together" nangunot ang noo dahil sa sinabi niya. Anong gagawin namin?

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

"Let's try it again, let's start all over again and I promise you that you won't feel regret" natitiyak niyang sabi sakin. Ano? Gusto niyang sumubok kami muli? Sa una-una palang talo na kami.

"Pag-isipan ko muna iyan Four, ang mabuti pa ay umuwi na tayo dahil mag gagabi na" pag-iibang usapan ko dahil sa tingin ko ay hindi ito matatapos.

Tumango nalang siya kaya nagsimula na kaming maglakad pabalik.

Tahimik lang kaming naglakad at laking gulat ko nang kumulog ang kalangitan. Sabay kaming tumingala at nakita naming may mga maiitim na ulap na parang wala sa oras ay babagsak ang ulan.

"Let's go" sabi niya at binilisan namin ang paglalakad dito sa loob ng gubat na ito. Makakauwi pa kaya kami?

"Mag teleport nalang tayo Four" suhestiyon ko at binalingan naman niya ako ng tingin.

"We can't, I forgot and I know that you did too" nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Hindi niya alam kung paano babalik? Kung minamalas ka nga naman dahil ako din ay di ko alam ang daan pabalik.

Hindi kasi pwede mag teleport kung hindi naman pala alam ang mga nadadaanan mo dahil maaari ka nitong dalhin sa ibang lugar. Napakagat ako ng iibang labi nang pumatak na ang ulan.

"Pambihira" komento ko. Nananadya ba ang ulan na ito?

"We need to find some place where we can stay" saad niya kaya agad kaming naghanap ng pwede naming masisilungan.

"There!" agad akong napatingin sa tinuro niya at nakita ko ang isang malaking puno na may parang kuweba sa ilalim nito.

Dali-dali kaming nagtungo doon dahil lumakas na ang ulan at basa nadin kami.

Pumasok kami sa ilalim at bumungad samin ang madilim na ispasiyo. Naglabas ng apoy si Four sa kamay niya kaya malaya naming nakikita ang kinaroroonan namin. Maliit lang ang yungib na ito at nakikita ko ang mga gamot ng kahoy sa bawat sulok. Di naman dito delikado dahil wala namang ibang butas dito.

"We will stay here until the sun will rise" sabi niya at tumango lang ako dahil wala naman akong mapagpipilian. Gumawa siya ng bolang apoy at pinalitaw lang iyun sa ere. Siguro ay eksperto na siya sa kapangyarihan niya dahil sa nagawa niya ngayon.

Nilibot ko ang paningin at nang nakahanap ako ng pwedeng pag upuan ay agad din akong umupo, pati nadin siya ay nakaupo narin sa kabilang bahagi. Hindi naman kami malayo sa isa't isa dahil gaya ng sinabi ko ay hindi naman malaki ang yungib na ito. Walang tigil ang pagbuhos ng ulan kaya mas naging lumamig ang paligid.

Kaylangan naming palitan ang mga damit namin dahil sigurado akong lalamigin kami nito mamaya. Inisip ko ang pwede naming suutin at lumitaw naman iyun sa kamay ko. Tiningnan ko si Four at nakita ko ang pangungunot ng noo niya.

"I'm curious, how can you able to do that? Unless you have two powers" nabatabo ako dahil sa tanong niya. Anong gagawin ko? Baka ano na naman isipin nito.

"Ahmp, b-bawat isa samin ay may kakayahan talaga kaming magpalabas ng kung anong bagay" palusot ko. Pero ang totoo ay ako lang talaga ang may kaya nitong gumawa. Maski ako ay nagtataka rin.

"But Sophie_"

"What about Sophie?" agad kong tanong sa kanya. Nakaramdam nadin ako ng kaba.

"Why she can't do that?" kunot noong tanong niya sakin at napalunok naman ako ng sarili kong laway.

"Only Earth user can do that kind of ability" napaubo ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Anong iniisip niya? Akala ko noon ay wala lang ito sa kanya pero nagkamali ako.

"Kung ano mang iniisip mo ngayon ay nagkakamali ka Four, kalimutan mo na lamang iyun dahil malilito kalang" walang emosyon kong sabi para itago ang kaba kong naramdaman ngayon. Binato ko sa kanya ang damit niya at agad akong tumayo.

"Magbibihis ako kaya tumalikod ka, kung ayaw mong magbihis bahala ka" taas kilay kong sabi sa kanya. Napa-irap nalang ako nang tumaas ang sulok ng labi niya.

Tumalikod naman siya kaya wala na akong sinayang pa na oras ay hinubad ko na ang damit ko at sinuot ang bestidang puti habang tumingin lang sa kanya. Madali lang akong natapos kaya tumalikod narin ako.

"Magbihis kana" mahinang sabi ko. Tahimik lang ang paligid at may narinig naman akong apak ng mga paa.

Napaigtad ako nang may daliring dumulas sa braso ko. Nilingon ko ito at nakasalubong ko ang mga matang puno ng pagnanasa.

"You look stunned" paos niyang sabi at napalunok naman ako. Pigil hininga akong tiningnan siya.

"U-umayos ka Four, m-magbihis kana" nauutal kong sabi at agad akong lumayo sa kanya. Ngumisi lang siya at napakurap ako nang hinubad niya ang damit niya sa harapan ko kaya agad akong tumalikod. Ako tong nahiya sa ginagawa niya.

Narinig ko naman ang mahina niyang tawa kaya nakaramdam naman ako ng pagkainis.

@Missloorh

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon