Chapter 16: Love Triangle

Começar do início
                                    

"Hindi ka ata uminom ng tubig kagabi. Wait bibili ako kape."

Pagkaalis niya bigla akong tinapik ni Louie kaya yung salad na kakainin ko palang di ko nasubo.

"Kayo ha..."

"Anong kami?" sagot ko

"Nothing.. Akala ko talaga si Caloy at ikaw." tapos bigla syang nasamid. Kaya naman tinapik tapik siya ni Miguel.

"Wag kang feeling dyan. Nasama lang ang pangalan mo. Love triangle kami. Makiki love square ka pa!"

Natawa na lang ako. Di ko kasi sila maintindihan. Pansin ko sa mga taong dumadaan sa gilid namin napapatingin lalo na sa mga kasama ko. Si Miguel ang napaka giliw at nakikita kong ngumingiti sa mga iyon.

"May shoot ka pa ba Caloy?" tanong ni Patrick

"Gabi pa."

"Adventure time tayo!!"

"WHAT?! Di ba cartoons iyon?" tanong ni Miguel.

Bumalik na si Isaiah at kinain niya yung cake ko. Tahimik lang silang kumain ngayon kaya mabilis kong natapos ang pagkain ko dahil wala namang kumakausap sa akin.

Nung matapos na kaming lahat. May biglang nag salita.

"Hi guys!"

"Morning Kaylee"

"Morning..." bati nila sa kanya.

"Can I sit here?" wala pang sumasagot umupo na siya sa gitna sa pagitan ni Caloy at Isaiah. Gusto ko ng bumalik sa kwarto ko para asikasuhin si Krissy. Pero bago pa ako makaalis may nakapansin na sa akin.

"Oh you're here! Yikes, di ka pala nakakaintindi ng English. Bakit mo sila kasama? One of the boys? Barkada ka na din nila? "

Sa totoo lang kahapon pa ako naiinis kay Kaylee di ko na lang pinansin kahapon pero ngayon inuulit na naman niya yung ginawa niya sa akin. Dahil naiinis na talaga ako sa kanya at gusto ko ng umalis.

"No, It happened na niyaya nila ako and do not worry to speak in English to me. Maiintindihan ko iyon. Sige alis na ako."

Napatingin si Caloy sa akin tapos nangiti si Miguel nung masulyapan ko siya bago ako umalis. Nagmamadali akong bumalik sa kwarto para ikwento kay Krissy ito. Gusto ko lang ng may pagsasabihan. Kahit one of the girlfriends niya si Kaylee. I cannot stand her!

Bago ako makarating sa kwarto namin may nadaanan akong fresh flower na nakalagay sa malaking vase. Kumuha ako ng tatlo nito at nagtungo sa kwarto namin.

Pagkapasok ko sa kwarto sinipsip ko agad ito. Hindi ko namalayan na nagbibihis pala si Krissy. Nagulat lang siya pero di naman na bother at pinagpatuloy ang pagbibihis.

"Fyglia, kayo ni Isaiah ha... May something.."

"Krissy, may ikwekwento ako."

"Ano yun?"

"Tungkol dyan kay Kaylee..." at kinuwento ko yung nangyari kahapon at ngayon. Medyo shock siya sa mga sinabi ko. Kaibigan nga niya ata iyon.

"Alam kong maldita at spoiled brat yan pero grabe siya! Di mo pa ba napapakalat sa lahat na magkapatid tayo?" umiling ako. "-you should be sis.." tapos kumindat siya sa akin.

"May shoot ka ba?"

"Na-uh mamayang gabi pa. May nakilala ako kagabi na hot guy ang he's asking me to go on a date with him today. If ever ok lang ba nasumama ako sa kanya?"

"Oo naman! Enjoy ka!" bigla kong sinabi.

"Paano ka? Ay, nandyan nga pala si Isaiah..."

"Wala ngang something at walang kami ni Isaiah..."

Fyglia's EnchantmentOnde as histórias ganham vida. Descobre agora