MI Chapter 3

50 1 0
                                    

For the girl who's the simplest! Who never gets tired of hearing my unfinished stories and reading my recommended ones! We'll be forever Team JS by heart! I love you bebe Jona!

**missysillyme

--

Don’t get me wrong, hindi ko pinagpapalit si bestie ah. Pero hindi ko maiwasang magustuhan si Dean, hindi ko sya crush ah! Yun nga, kasi naman relate sya sa mga drama ko. Favorite nya din kasi si Ate CJ. At talagang may bagong book pa sya ni Ate CJ. Still, unbelievable for a guy!

Kumawala naman ako sa half-hug ko sa kanya at nag-peace sign. “Galing! Meron ka din!” namamangha kong sabi kay Dean.

“Obviously, bestie.” Pambabara ni Jill matapos sumubo nung dessert na binili nya.

“So, you’re into romance too?” Tanong ko kay Dean nung binalik nya na yung libro sa bag nya. Binalewala ko yung pagsusungit ni Jill.

“Hindi naman. Particular lang ako sa work ni Ate CJ.” Sabi nya na tinangu-tanguan ko. Bigla namang may humawak sa balikat ko at kay Dean.

“Bro, kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala!” Sabi nung lalaking may resemblance kay Dean. Mas defined yung facial features nya kay Dean. Perpekto  yung kurba ng panga nya.

“Ah, oo eh. Classmates ko nga pala. Si Jillian tska si Jaine.” Pakilala nya sa amin at tiningnan kami nung lalaki. Binaba nya na yung kamay sa balikat ko.

“James Chael Reid nga pala. Kapatid ni Dean.” Malawak na ngiti nya sa amin.

“Uh, hi.” Sabi ni Jill at ngumiti lang ako dun sa lalaki.

Teka sya yung,

“Ikaw yung sa hallway kanina?” tanong ko. Yung paharang harang na CAT member.

Tinitigan nya naman ako nun. “Ah, ikaw yung nagmamadali kanina? Oo nga, ikaw!” Natutuwa nya pang sabi. Hindi naman kami close pero parang aliw na aliw syang nagkita kami.

“Ah, oo. Sige ah, alis na kami.” Hinila ko naman nun si Jill. Fifteen minutes na lang ay klase na namin.

“Dito ka na ba muna, Dean?” Tanong ni bestie. Nilagay ko na agad yung baunan ko sa bag.

“Teka, aalis na agad kayo? Sama na kami.” Yung kapatid ni Dean yung sumagot.

“Chael, wala ka pa bang klase?” Si Dean na tumayo naman na.

“Meron. Sabay na ako sa inyo. Pareho tayo ng building eh.” Sagot nya. Third year din kaya sya? Bakit hindi kaya namin sya classmate?

Naglakad na kami palabas ng cafeteria nun. Sumabay sa akin si Chael. Si bestie at si Dean naman ay tahimik na naglalakad sa unahan namin.

“Ah, pasensya na kanina ah. Yung platoon leader kasi namin eh.” Pagkausap nya sa akin. Nandun na kami banda academic building at hindi ko maiwasang mapansin yung mga nakatingin sa amin. Particularly, girls.

My Illustrator ~ A JaDine FanficTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang