MI Chapter 6

13 0 0
                                    

Went all the trouble in uploading this. Finally!

**missysillyme

--

Last minute ay nagbago ang venue nung Garage Sale namin. We were informed before lunch time ni Ma'am Velasco. Nagkataon pa na sa Serenity Village ang venue, kung saan nakatira sila Dean. Five sections muna ang pupunta sa ngayon at yung ibang lima pa ay sa Monday naman. It usually starts ng mag 3pm hanggang gabi na iyon. Ibebenta namin iyong mga handicrafts at iba pang mga personal stuff namin para maging malaki ang kikitain. By that, magiging malaki din ang donations namin.

"Oh nasaan na yung lamesa natin, Jill?" Tinanong ko naman si bestie nung malalatagan namin ng mga ibebenta namin. Natanaw ko na lang si Dean nun na buhat buhat na iyon.

"Ayan na. Buhat na ni sweety mo, este ni Dean." Binalewala ko naman yung pang-aasar nya sa akin. Hindi na ito tumigil si bestie eh. Hanggang sa umuwi kami mula kela Dean nung isang araw eh nang-aasar pa.

"Okay na ba ito dito?" Tanong ni Dean sa pagkakalagay nung mesa. Tinanguan ko naman sya at inumpisahan naman na namin ni Jill yung pagskirting nun.

Tuloy tuloy lang kami ng pag-aayos dun. Si Dean yung tiga-buhat namin at tiga sabit ng kung anu-ano. Nakita ko naman yung pagkaganda-gandang tarpaulin namin na may nakasulat na 'Share a smile this Christmas'. Ramdam na namin yung spirit ng pasko nun. Ang lamig na din talaga nung panahon.

"Ang dami naman yatang binubuhat ni Dean, bestie?" Bigla namang nagsalita si Jill sa akin habang tinatanaw si Dean nun.

"Oo nga no?" Out of the blue eh nakita ko namang nagflex yung braso ni Dean. Ano namang meron dun, Jaine, ah?

Shinake ko naman yung ulo ko nun at napatigil sa pagkakatitig ni Jill.

"Yung dala nya ang tingnan mo wag yung biceps nya. Ikaw talaga, bestie." Hindi ko na lang sya sinagot kahit namula yung mukha ko nun. Parang masyado naman ng mainit ang mata ni bestie sa amin ni Dean. Malisyosa talaga itong babaeng 'to eh. Nung lumapit si Dean ay tsaka namin naintindihan na madami pala syang dinalang sariling gamit para ibenta. Ang generous naman ni reading buddy.

"May iba pa ba akong maitutulong?" Agarang tanong ni Dean na nagpakurap sa akin. Inabot ko na lang yung bimpo na nakuha ko. Madami ba kaming pinabuhat sa kanya at pinagpapawisan sya ng ganon? Nakakadistract na ah!

"Ah, may maitutulong ka ba para hindi natutulala ang isang tao, ha, Dean?" May paakbay-akbay pa sakin si bestie nung tinanong nya ng ganon si Dean. Ang sarap nga bigwasan eh. Napaka-obesrvant naman nitong si Jillian. Teka, hindi kaya ako natutulala kay Dean!

Hindi nga ba? Ay pesteng utak.

"Anong natutulala?" Takang tanong ni Dean nuon kay bestie. Eto kasing bestfriend ko, na nagtataka na ako kung kaibigan ko talaga, kung anu anong sinasalaksak kay Dean.

"Kung anu anong---" Singit ko sana,

"Si Jaine kasi kanina pa natutulala eh. I wonder why?" Binebenta na talaga ako nitong si Jillian eh. Patay ka sa akin kay Chael! Or worse kay Quinn!

Lumapit na sa akin si Dean nun at dinampi yung kamay nya sa noo ko, impulse na ewan ko saan nanggaling, nanlaki kamo yung mata ko. "Anong nararamdaman mo, Jaine? You, okay?" Boses ni Dean iyon. Naestatwa na nga ako eh.

"Anong nararamdaman mo, bestie? Feeling better?" Madamdaming tanong ni Jill, yung tipong alalang-alala eh.

Kinuha naman ako ni Dean sa magaling kong bestfriend at inalalayan para umupo. Dug dug yung emote ng heart ko eh.

Ay, kay arteng puso!

Tinaboy taboy ko na nun si Dean at baka hindi na umayos yung heartbeats ko. Takte, may sakit na yata ako!

My Illustrator ~ A JaDine FanficWhere stories live. Discover now