MI Chapter 1

77 1 0
                                    

I told you guys, these words want out! (They're feeling excited. O.O)

*missysillyme

--

Maganda ang sikat ng araw at ang sarap ng pagkakaupo ko sa may sofa namin at may katapat na fan. It was a great day indeed pero yung puso ko hindi kasing ayos ng panahon ngayon. Ang sarap magbasa ng ganito, walang istorbo, hindi nagpapaka-gloomy yung panahon at walang pasok. Pero yung librong hawak ko ay kino-control yung emosyon ko ngayon. For the second time, nalulungkot na naman ako.

Medyo vinoice-out ko yung mga heartbreaking na part dun sa librong hawak ko at baka sakaling magbago ang nakasulat. It’s really sad to be given a tragic story. Nakakapanlumo at iba ang bigat sa pakiramdam. Binasa ko na lang ulit yun sa isip.

‘Bumigat yung pagkakasandal nya sa akin at naramdaman kong mayrong kakaibang nangyayari. The moment I knew he had this abrupt disease na hindi ko namalayang dumating ay araw-araw ng buhay ko akong natatakot. He was given months to live to a year at most. Isa’t kalahating buwan na din mula ng malaman namin iyon at tanda at ramdam ko pa kung gaano kasakit na malamang mawawala din sya. Our love story took three years to build, to almost come true and then what, eto, sinabi sa aming bilang na lang ang mga araw nya. I hate this life, this fucked-up life. Pero sa buhay na ito dito ko sya nakasama and I don’t think I can trade this for another life kung wala naman sya.’

I stopped reading at huminga muna ng malalim. Eto na yung parte na yun eh, malapit na. I don’t think I will be prepared enough na mabasa na naman yung mga susunod na mga mangyayari. Ini-scan ko ng mabilis yung mga natitirang pahina. I knew just like the pages, their love story needs to come to an end. Tinuloy ko na ulit, masyado na akong emosyonal nun.

‘Malalim na yung mga paghinga nya. We were sitting on a bench kung saan kami unang nagkakilala. Kung saan nya ako unang sinungitan at natapunan nung ice cream na hawak ko. Natamaan kasi ako accidentally nung bola dahil nagba-volleyball sila. Naalala ko pang ang sakit talaga ng braso ko nun at nagkapasa pa. Pero habang naalala ko yun ngayon, gusto ko na lang bumalik ulit sa simula. I want to experience everything over again with those hurt, pain and sacrifices na alam ko namang bearable pa. Not this one, hindi ito. Hindi yung wala na akong kahit ano pang mabubuong alaala kasama sya. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko nun, maybe because I know this time. Yung panahon na ayokong isiping mangyayari kahit kailan.

Pinilit nyang iangat yung ulo nya kahit halata mong hirap na sya para tingnan ako. Hinawakan nya yung pisngi ko at nagsalita. ‘Alam ko naging masungit ako sa ‘yo. Hindi kita pinapansin at palagi na lang kitang nasasaktan. Sinusubukan ko kasi lahat ng pwedeng gawin para hindi ka na lang magustuhan. Oo, dati pa lang nagustuhan na kita. Ikaw yung gusto kong tanungin kung pwede ka bang maging girlfriend. Ikaw yung gusto kong ligawan at isama sa Ball. Gusto kong ikaw ang kinukuhanan ko ng mga larawan at vinivideo. Gusto kong ikaw yung makasama ko sa wedding booth, o kahit pa sa jail booth. Pero ayokong magpaka-selfish. Gusto kong maging malaya kang makapamili ng taong mamahalin ka at mananatili sa iyo ng matagal. Hindi ako, hindi yung taong anytime pwede na lang mawala sa ‘yo. I had this disease bata pa lang ako, nawala iyon pero halos malaki ang chance sabi ng doctor na bumalik. At ito nandito na ulit sya, siguro hanggang dito na lang talaga yung mga alaalang pwede na ting buuhin.’

Nagtuloy tuloy na yung luha ko. Nakita ko kung paano yung pagpipigil nya ng luha nya. Hanggang sa huli gusto nyang ipakitang matapang sya. Na hindi mo sya kailangang kaawaan. ‘Pero ‘di ba gagaling ka na nga? Magpapaopera ka na. Sa susunod na linggo na kaya yun.’ Pilit kong paglalagay ng sigla sa boses ko. Tinutusok yung puso ko kasi hindi ko kayang tanggapin.

My Illustrator ~ A JaDine FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon