MI Chapter 2

57 1 2
                                    

For the girl who's the friendliest! I love you and I know we'll be bonded for a long time, thru fan girling!

**missysillyme

--

Alam ko namang kabaliwan isiping para sa akin itong kwento ni Ate CJ dahil ang dami namang Nadine sa mundo pero si bestie mas malaki pala ang saltik sa akin. Isipin ba namang James din ang magiging pangalan ng ‘The One’ ko eh. That will be a big and impossible coincidence kung sakali.

“Bestie, seryoso, gawin daw bang libro ang buhay ko? Oo, adik ako magbasa pero not to the point na iisipin kong libro ang makakapagsabi ng taong para sa akin.” Kontra ko sa sinabi nya.

“Just saying bestie. Malay natin.” Kibit balikat nyang sagot.

“Naku, imposible. Sssh.” Sabay saway ko na sa usapan namin dahil dumating na yung Mama ni Jill. Ayoko namang marinig yung mga usapan namin. Behave kasi kami sa harap ng aming mga nanay.

May dalang pancakes si Ms. Velasco at nilapag nya iyon sa mesa sa harap namin. “Magmiryenda ka muna Jaine.” Sabi nya.

“Salamat po Ma’am.” Ngumiti sya sa akin at nagpaalam sa aming may bibilhin daw saglit.

Kumuha ako ng pancake at nginuya iyon. “Bestie kamusta yung decorative bottles at pots mo?” Tukoy ko sa project naming iyon sa subject na hawak ng Mama nya. Medyo matrabaho yun gawin dahil sa detalye ng design.

“Hindi pa nga ako nakakatapos ng isang bottle, sa pots dalawa na. Ayaw akong tulungan ni Mama eh.” Nakabusangot ang mukhang sabi nya.

“Sa Wednesday na iyon at dapat makatapos tayo ng tigdalawang klase ah. Malapit ng mapuno ang chest box natin bestie.” Pagpapaalala ko sa kanya. Lahat kasi ng ginawa naming handicrafts mula first grading hanggang ngayon ay ibebenta namin sa Redream Village at idodonate namin ang kikitain sa Foundation na sinusuportahan ng school. Lahat ng handicrafts na iyon ay nakalagay sa isang chestbox. Ganoon sa amin kapag magpapasko, paraan ng school namin para makatulong.

Nag-apir naman kami nun. “We’re so great! Sana maubos natin lahat sa event.” Nakakatuwa din kasi dahil magaganda ang mga gawa namin ni Jill. Palagi kaming top sa designs.

“Teka, teka Bestie...” Tawag nya sa akin nung sumubo ulit ako ng pagkain.

Tinaasan ko sya ng kilay para sabihin nya iyon.

“Narinig mo na ba yung isang event pa natin before Christmas? Actually, nasagap ko lang kay Mama.”

“Ano naman ‘yan?” Usisa ko kay Bestie.

“Magkakaroon daw tayo ng Christmas Ball. Buong school, from first year to fourth year sabay sabay.” Sabi sa akin ni Jill ng pataas taas pa ang kilay. Okay, mahilig yan sa ganyan, from Acquaintance Party to Prom ay excited yan. Kaya okay sa kanya yang Christmas Ball na pauso ng school ngayon.

Napangiwi ako. “Ayokong sumama. Mabo-bore lang ako.”

My Illustrator ~ A JaDine FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon