MI Chapter 4

44 0 0
                                    

I received a good news! And I want to share my happiness with you guys by sharing a chapter of this story!

PS

Keep calm and fall in love.

**missysillyme

--

Sa wakas ay pumasok na ang adviser naming si Mr. Dimatulac. Dati, akala ko si Sir na yung tutupad sa pagkakaroon ko ng love life. Akala ko sya na yung one true love ko kasi ngiti pa lang nya ay kumakaway na yung dimples nya sa akin. Gwapo kasi talaga sya, ubod ng talino, matangkad at athletic type ang pangangatawan. Kung hindi ako nagkakamali ay 24 pa lang sya. Kaso gumuho ang mga pangarap ko kasabay ng pagkagising ko sa magandang panaginip ko nung nagpakasal sya nitong summer.  Seven months na din ang nakakalipas at natanggap ko na din ang katotohanan. Hindi na ako nagpakakontrabida pa dahil deserving at mabait naman ang napangasawa nya at hindi ko din naman ugali ang magpakadesperada.

English teacher namin si Sir at sa kasamaang palad kapag klase nya ay required magsalita ng Ingles. Marunong naman ako kaso dahil hindi din naman ako madalas magsalita nun ay hindi pa ako ganun kakumportable. May ideas din naman ako dahil mahilig akong magbasa.

“Hi I’m Dean again. I expect that this class will enhance my English communication skills. And I will be able to share ideas about stories, poems and all other kinds of writings.” Ngumiti sya pagkatapos magpakilala. Wala si Sir D nung nakaraan kaya nagpakilala na naman si Dean. Infairness din dito kay Dean ah, ang cute lang ng accent nya at fluent sya magsalita ng English.

Nagumpisa na ang class proper ni Sir at idiomatic expressions ang topic namin. Nabanggit ni Sir yung ‘bag of air’ na example, nagkatinginan kami ni Jill at sabay nagsabing,

“Si Quinn!” Paano naman kasi, ang hidden meaning pala nun ay mayabang, punong puno ba ng hangin sa katawan. Eto kasing si Quinn, GGSS o Gwapong Gwapo Sa Sarili ang peg. Masyadong bilib sa sarili palibhasa Lawn Tennis player at pambato namin sa Regional Meet.

Imbes na samaan kami ng tingin ni Quinn ay hinagod ba naman yung kamay nya sa buhok nya. Nagpapacute pa talaga sya kaya inirapan sya ni Jill.

Isinalba naman ni Dean ang klase sa pakikipag-usap kay Sir D. Hay naku, yung iba kasi baluktot talaga ang mga Ingles. Sinagot pa ni Dean yung ilang idiomatic expressions gaya nung head over heels. Well, alam ko yun dahil si James sa kwentong binabasa ko ay head over heels inlove kay Nadine. Ehem, ako yun! Libre mangarap ‘di ba? Kinikilig tuloy ako.

Bigla namang nagsalita si Sir D tungkol sa Christmas Ball. “We will have a band jamming on that day. Anyone who wants to join should list their names on our bulletin board. And also, escorts and muses of each class will be automatically partners because we’ll have our Mr and Ms. Chariteen too. Any questions?” Dahil nga Act of Charity Vocational School kami eh ang tawag sa mga nag-aaral sa amin ay Chariteen. Basta, yun! Teka, pageant? This can’t be!

Napapito naman si Quinn at automatic na tumingin sa akin, kinindatan pa ako with matching turo pa ng dalawang kamay.

“Eh Sir, si Jill na lang po ang isali nyo dahil pang pageant ang beauty nya. Ako po pang libro lang eh.” Suhestyon ko naman kay Sir D. Sigurado ba silang isasali nila ako dun? Naku, kukwentuhan ko sila nun pag nagkataon.

My Illustrator ~ A JaDine FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon