MI Chapter 5

30 0 0
                                    

Dean or Chael? Chael or Dean?

**missysillyme

--

Medyo makapal yung bagong libro ni Ate CJ, it’s like a Twilight book. I’m almost halfway through it. At kahit anong pigil ko, just like Nadine in the book, I’m slowly falling inlove with James. Well, hindi pa naman kasi sila inlove sa libro, umamin pa lang sila na gusto nila ang isa’t-isa. At hindi katulad ng tipikal na mga kwento, hindi naman agad sila nag-level up, they are still spending enough time to fully know each other. It’s like they have an understanding.

“Haaay,” I sighed deeply. Naaalala ko pa yung ibang mga libro ni Ate CJ at ang mga characters na minahal ko. There was Zeke and Ystel, Hanz and Ianne, Jas and Ariel and of course, Shane and Rence. And the latter really gave me so much to remember about Ate CJ. Now, her new story gives me a new feeling, it fet like I’m playing the role of Nadine . Kapangalan ko kasi. Kaya eto ako ngayon, medyo hibang kay James. I have to sigh once more.

Hiniling ko na sana hindi pa agad matapos yung kwentong binabasa ko, kahit gaano ko kagusto mang malamang yung ending. I just want them instilled in me. “Ay, anak namin ni James!” Nabulabog yung pagmumuni muni ko dahil sa panggugulat ni Jillian. Natutop ko tuloy yung bibig ko.

“Ay, grabe ka, bestie. Nabuntis ka na pala ni James dyan sa isip mo. Lakas ng tama mo talaga.” Nang-aasar na sabi ni bestie.

“Ano ba kasi yun?!?” Nabibwisit na tanong ko.

Itinuon nya yung mukha ko sa harapan namin. Nakalapit na pala nun sa amin si Ma’am Velasco.

“Kamusta naman ang mga decorative bottles and pots nyo, Jaine?” Tanong ni Ma’am Velasco. Abala si Jill at Dean sa paglalagay ng designs sa bottles, nanlumo tuloy ako dahil nakatunganga lang ako nun.

“Ah, Ma’am, ayos naman po.” Binilang ko sa paningin yung mga natapos namin at nagpakaabala kuno sa isang pot. “May lima na po kaming pots at apat na bottles po.”

Tumango tango si Ma’am Velasco at nangiti. “Very good, saglit na lang yan.” Tig- isang bottles ang tinatapos ni Dean at Jill at ako na ang tatapos sa isang pot.

“I like this design, sino ang tumapos nito?” May inangat naman si Ma’am na isang bottle na si Dean ang gumawa. Yung design nya ay mga bata na mukhang namamasko, mayroong may hawak ng tambourine at ang iba ay kumakanta. May mga notang nakapalibot duon at mga salitang ‘Give Love on Christams Day’ .

 

“Si Dean Ma’am!” Sagot naman agad ni Jill sa Mama nya. Napansin na namin ni Jill una pa lang na artistic si Dean. He gives ideas na hindi pa namin nagawa dati. Nakakabilib nga eh.

“That’s impressive, Dean. Can I assign your group to make Christmas greeting cards? I hope Jill and Jaine can help you because I want it to be as creative as possible. Iniisip kong lagyan nyo iyon ng LED light at kapag binubuksan ay magpe-play ang isang Christmas song. Can you do it, Dean, Jaine and Jill?” Napakurap kurap naman ako sa tanong ni Ma’am. Paano naman namin gagawin yun?

My Illustrator ~ A JaDine FanficWhere stories live. Discover now