Chapter 49

1.7K 47 1
                                    

Kiara's POV

"Paano kita matutulungan kong diyan mismo." turo ko sa dibdib niya. "Hindi na ako ang Kiarang dating minahal mo." sabi ko at tumayo.

Lumabas naman ng kwarto si Ethan. Tumulo naman ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi naman ako ganito noon. Pero ginawa ko to para sa mga anak ko. Kinaya ko lahat, nilunok ko ang pride ko para lang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak ko. Pero hindi ko inasahang hahantong sa ganito.

Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak. Ang hirap malagay sa ganitong sitwasyon lalo na't wala kang makakapitan kundi ang sarili mo lang. Ang sakit lang dahil yung inakala mong lalaking magmamahal sayo, babaeng nabuntis lang ang tingin sayo.

Ginawa ko naman ang sinabi sa akin ni Liam na tulungan ko si Ethan dahil wala nang iba ang makakatulong sa kanya kundi ako lang. Pero paano ko siya tutulungan kung siya mismo hindi magawang tulungan ang kanyang sarili. Nakita ko namang nag vibrate ang phone ko. Nakita kong tumatawag si Sheena. Sinagot ko naman ito kaagad.

Huminga muna ako ng malalim bago ito sinagot.

"Sheena." bati ko sa kanya.

"Kiara nasaan ka?" tanong niya sa akin.

"Nasa bahay." tipid kong sagot.

"May problema ba Kiara?" nag aalalang tanong niya.

"Ahmm wala naman Sheena." sagot ko naman at pinunasan ang luha ko.

"Kaibigan mo ako Kiara hindi mo ako maloloko. Hintayin mo ako papunta na ako diyan." sagot naman niya at pinatay ang tawag.

Ibinaba ko naman ang cellphone ko. Yung taong minahal ko nang buo, yung taong ginawa kong mundo, siya din pala ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Tama pa bang lumaban ako. Tama bang pag tiyagaan ko pa siya. Humagulhol naman ako sa pag iyak. Ang sakit tang ina sobrang sakit.

Bumukas naman ang pinto nakita ko naman si Sheena na alalang alala sa akin. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Sheena ang sakit sobrang sakit." sabi ko at hinayaan ang sarili kong umiyak.

"Tahan na Kiara." sabi niya at hinaplos ang likod ko.

"Ang sakit sobrang sakit." i whispered.

Hinayaan lang ako ni Sheena na umiyak. Ilang minuto din ang lumipas at bumitaw siya sa pagkakayakap at hinarap ako.

"Tahan na makakasama yan sa baby." sabi niya at hinaplos ang luha na nasa mukha ko.

Tumango naman ako. Iniwan ko muna sa kwarto si Sheena at bumaba sa kusina. Pagkababa ko walang Ethan at Cassandra akong nakita. Kumuha naman ako ng tubig at pinakalma ang aking sarili. Tama si Sheena makakasama sa mga baby kung lagi na lang akong ganito. Nag vibrate naman ang cellphone ko nakita ko namana na tumatawag si Liam sinagot ko naman ito kaagad.

"Kiara!" bungad niya kaagad sa kabilang linya.

"Bakit Liam?" nagtatakang sagot ko.

"Kiara kailangan mo nang umalis sa bahay." sagot naman ni Liam.

"Ha bakit naman Liam?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Makinig ka na lang Kiara kailangan mo nang umalis sa bahay." sabi naman ni Liam.

"Naguguluhan ako Liam." sagot ko.

"Kiara! makinig ka gusto kang patayin ni Ethan kaya kailangan mo nang umalis sa bahay ngayon na!" tumaas naman ang boses ni Liam.

"Pa..pa.patayin?" nauutal na tanong ko.

"Oo Kiara! kaya umalis ka na ng bahay. Magkita na lang tayo itetext ko sayo ang address." sagot ni Liam.

My baby's Father is a Mafia Boss(Mafia Series #1)Where stories live. Discover now