"Did you honestly think I cheated on you?"

"Yes," I answered honestly. "Sa nangyari noon, tingin mo ba ay hindi ko iisipin 'yon?"

Magsasalita na sana siya nang putulin ko ang sasabihin niya.

"Manood na lang tayo."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya ngunit hindi siya nagsalita. Ipinagpasalamat ko na lang din ang pananahimik niya dahil baka may masabi pa akong hindi maganda. I appreciated his efforts to mend fences between us, but I had to stand firm. I couldn't let myself fall.

The night was peaceful and quiet. Walang nagsasalita sa amin at nakatutok lang ang atensyon naming dalawa sa pinanonood. Sometimes, we would laugh... and it was nostalgic. Naubos na ang iniinom namin pero hindi na kami ulit bumili. I wasn't sure what was bothering him because he kept staring at me, but after that, he would sigh and look away.

My day ended with a simple "Thank you, Duke."

Kinabukasan ay gano'n pa rin. Nauna pang pumasok si Roswell sa akin na nakita pala ang nangyari kahapon kaya nang-aasar.

"Ang gwapo lalo ngayon ni Duke, ah?"

I rolled my eyes. "Tigilan mo ako. 'Di pa kita napapatawad sa pagkakalat mo kuno ng nudes ko."

She laughed. "Immature pa ako no'n!"

"As if."

Muli siyang tumawa. Inayos ko ang mga cake sa counter maging ang cookies dahil wala akong magawa. Maya-maya pa magbubukas ang shop.

Sumali si Roswell sa pag-aayos ng pastries bago naiiling na tumingin sa akin.

"Girlfriend niya iyong kasama kahapon?"

"Kaibigan daw." I shrugged.

"Kaibigan pero nag-da-date? Delikado iyan, ha? Parang kayo lang noon."

Binato ko siya ng basahan. "Gago."

Alas-otso hanggang alas sais ang regular na bukas ng shop namin. May mangilan-ngilan nang umorder pero wala namang nag-stay sa shop; talagang bumili lang.

Bumukhas ang pinto ng shop at napabaling doon si Roswell.

"Speaking."

She grinned at me. Nag-angat ako ng tingin at nakitang naglalakad patungo sa counter si Duke. He was wearing a navy blue short-sleeve polo and black slacks. Maayos ang itsura at halatang bagong paligo.

I cleared my throat as his manly scent reached my nose.

"Good morning," I greeted him with a slight smile.

Tumitig siya sa akin bago ibinaba ang tingin sa pastries. "Good morning, Sol."

Dahil nasabi niya naman kagabi ang order niya, hindi ko na siya itinanong. Kumuha na ako ng cheesecake at iniabot iyon sa kanya. Mabilis niya naman ding binayaran iyon.

"Uh... may order ka pa ba?" tanong ko dahil hindi pa rin siya umaalis sa tapat ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Roswell, marahil ay nakikinig sa amin. Hindi ko siya masamaan ng tingin dahil na kay Duke ang atensyon ko.

"Can I have your number?"

My heart skipped a beat in surprise. Roswell pretended to cough, but I was too nervous to say anything!

Lumikot ang mata ni Duke nang mapansin ang reaksyon ko. "Para kapag oorder kami... sa trabaho, uhh, kung ayos lang naman, Sol."

I let out a heavy sigh. "Ito ang business card namin. You can contact us here."

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon