"Hello, Ate!" I squeezed her cheeks. Nagulat pa rin siya roon sa ginawa ko at medyo napatili pa nga. Her mouth parted when she saw me putting my newly ordered food on her table.

"V-Viel!" gulat nga.

"Pasabay," sabi ko bago ko siya nginisian. "May pwesto pa naman, 'di ba? Marami ka bang kasama?"

I also decided that I wanted to know who her friends are. Dati kasi, wala akong pakialam sa mga kaibigan niya nung Grade School palang kami kasi nakita kong hindi naman magaganda ang ugali ng mga iyon.

Hindi ko napansin na nadala ko iyon hanggang college. Ni hindi ko man lang kinilala kung sino yung mga nakakasalamuha niya dito. Samantalang ako, alam niya at kilala niya ang lahat ng mga kaibigan ko.

"Viel, why are you here?" pabulong niyang sinabi bago siya tumingin sa paligid at medyo yumuko.

"I want to eat with you. Bawal ba?"

She blinked her eyes a couple of times. "Hindi naman bawal. Kaso first time mo kasing ginawa ito. Hindi sila sanay na kasama kita dito sa cafeteria namin. Sa college of business kasi tayo madalas."

"Kinahihiya mo ba ako?" pabiro kong tanong sa kanya.

"No... but... you know, I'll probably be the center of chismis later on our classes."

I smirked. "Kasi ang gwapo ng kasama mo?"

Umirap lang siya sa akin. Humalakhak ako dahil doon.

Nilapit ko ang sarili ko ng konti sa kanya para bumulong. "Yung kanina palang sinabi ko, seryoso ako do'n. 'Wag na muna tayo mag-wild nights. Pa-sweet muna. K-drama feels muna."

"W-What?" nanlaki ang mga mata niya. "I said I wasn't suggesting it!"

"Kaya nga, ako nga nagsu-suggest ngayon na 'wag na munang ganoon. I want to show you that I can be an ideal too. Sweet type. Gentleman type. I can do that for you, Rainy."

Mataman niya akong tinignan. "Viel... you don't have to try too hard."

"It's my choice. I want us to have a different air in between us. Something that you might want to experience. I want it all coming from me and not from any man."

"I can stay away from temptation for probably a month," sabi ko pa.

Nakatingin lang siya sa akin. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Nang na-realize ko yung binitawan kong salita, parang 'di na rin tuloy ako makapaniwala sa sarili kong sinabi.

"Joke lang," pagbawi ko. "Sige, kahit mga three weeks max to two weeks mininum. Para realistic."

Natawa siya roon bago niya hinalo yung spaghetti na binili niya.

"Nasaan na ba yung mga kasama mo? Bakit ang tagal nila? Gutom na ako," sabi ko. Medyo may iilang minuto na rin kasi ang nakakalipas.

Napatingin siya ng matagal sa akin bago nagsalita. "Wala akong kasama."

"Absent?" tanong ko. "Sayang naman, balak ko pa naman i-introduce ang sarili ko ngayon sa mga kaibigan mo."

Nagsimula nalang akong sumubo ng pagkain ko. Gutom na rin kasi talaga ako dahil na rin siguro sa pagtatatakbo ko kanina pa.

"Wala akong kaibigan dito," sabi niya.

Napatigil ako sa gitna ng pagsusubo sa narinig.

"Ikaw lang... ang kaibigan ko sa buong Eastville," dagdag pa niya bago siya umiwas ng tingin.

Napakunot ang noo ko ro'n. "What? What do you mean? Ang dami mong mga kasama—"

"Are you talking about Vernice's review team? That's just because I signed up for it. I really liked nursing a lot and I know how I'm quite a bit slow when it comes to acads that's why I joined them. But they're not my friends. We... never hanged out."

Maniac 4 Sale (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant