"Tara na, Jah. Pa-corny ka nang pa-corny," naiiling na sabi ni Josh. Hinila niya na si Justin palabas ng bahay.


"Gray ha," paalala ko. "At saka pala black na paint."


Tumango lang si Sejun. Hindi pa sila nakakalayo ay tinawag ko sila.


"Sandali!" Sigaw ko at mabilis na naglakad para maabutan ko sila. Lumapit ako kay Sejun at nag-abot ng pera.


"Pasabay pala, light pink at sky blue na paint," nahihiya kong sabi.


"Para saan?" Tanong ni Sejun.


"My room." Pumayag naman si Tita na pinturahan ko 'yon, e.


Nagpaalam na ulit sila kaya bumalik na ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko para alisin 'yong ibang nakalagay sa pader. Idinikit ko kasi doon 'yong tarpaulins na binili ko para sana sa concert ng SB19. Inalis ko muna 'yon at inilagay sa isang tabi. Napaka-lame naman kasi ng kulay ng kwarto na 'to kaya naisipan kong pinturahan ng bago.


Kakalabas ko lang ng kwarto ay naririnig ko na ang ingay nilang lima. Mukhang kakabalik lang.


"Ayan na pala si Athina, e. Tara na sa garage," pag-aaya ni Sejun. Hawak niya 'yong dalawang gray na paint. Nauna na siyang naglakad palabas, sinundan siya no'ng tatlo.


"Saan ko pala 'to ilalagay?" Napalingon naman ako kay Stell. Itinaas niya 'yong tig-isang lata ng pintura na light pink at sky blue.


"Ah, akin na." Lumapit ako sa kaniya. "Doon ko na iiwan sa kwarto ko."


I gestured him to put the paints down but he insisted to bring it in my room.


"Salamat. Tara na sa garage," aya ko.


Pagdating namin doon ay nagsisimula na silang magpintura. Kumuha ako ng maliit na brush at doon nagpintura sa side. Iyon ang kinuha ko para mapinturahan din 'yong ibang parts na hindi kayang malagyan kapag malaking brush ang gamit.


"Okay lang ba na iwan ko na kayo dito?" Patapos naman na, e. Kakaunti na lang ang walang pintura. Balak ko sanang magsimula na sa kwarto ko.


"Ouch," Justin held his chest dramatically. "Don't leave us, please."


Nabatukan siya ni Ken dahil sa kadramahan niya. Natawa lang ako, ang kukulit!


"Magpipintura ka na sa kwarto mo?" Tanong ni Josh na patuloy pa rin sa pagpipintura. Nakaapak siya sa upuan, dahil hindi niya daw abot.


"Oo, sana," sagot ko.


"Tapusin muna natin dito. Tutulungan ka na namin doon," sabi naman ni Sejun.


Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang pagpipintura. Wala akong balak makipagtalo dahil hindi naman ako mananalo sa kaniya.


Pagkatapos sa garage ay dumiretso kami sa kwarto ko. 'Yong mga damit namin parang basahan! Ang dudumi dahil sa pintura.


"Magpalit muna kaya kayo ng damit," suggest ko. Kahit ako, gusto ko na muna magpalit. Kakahiya na ang itsura ko ngayon talaga, tapos sabog na sabog na ang hair ko. Baka madisappoint ang mister Ajero ko! Chos!


"Okay na 'to. Para hindi dagdag labahin, hahaha!" Sagot ni Stell na sinang-ayunan naman noong apat.


I sighed before nodding my head. Hindi rin tuloy ako nakapagpalit.


Ang dugyot ko na! Nakakahiya kay Stell.


Sinabi ko sa kanila kung anong magiging itsura noong kwarto ko. Ipinakita ko pa sa kanila 'yong video na nakita ko. Light pink muna ang ilalagay tapos papatungan ng sky blue 'yong bawat side. Tapos 'yong ilalim na part ay ipinakiusap ko kay Justin na lagyan ng parang alon-alon. Para mukhang dagat, ganon!


Inilabas namin 'yong ilang gamit para hindi mahirapan sa pagpipintura. 'Yong kama ay inilagay lang namin sa gitmang part bago sinimulan ang pagpipintura.


"Tapos na rin sa wakas!" Pinunasan ni Justin 'yong mukha niya gamit ang kamay niya. Nagkaroon tuloy ng pintura 'yon.


"Hahaha! Mukha kang avatar, 'yong kulay blue," pang-aasar ni Ken.


Agad namang pumunta sa banyo si Justin para tingnan ang itsura niya. Sa noo lang naman siya nalagyan ng pintura, madali lang sigurong alisin 'yon.


"Salamat sa inyo." Nakangiti kong sabi. Ang ganda na ng kwarto ko!


Naibalik na din namin 'yong ilang gamit na inilabas kanina. Bukas ko na lang ikakabit 'yong mga inalis kong nakadikit sa pader.


"Umorder na lang ako ng pagkain. Saglit lang naman siguro at padating na din 'yon," Sejun said as he check his watch.


Halos gabi na din nang matapos kami sa pagpipintura. Siguro ay tinamad na 'yon magluto. Pagkarating ng pagkain ay kumain na kami kaagad. Pagkatapos noon ay saglit kaming nag-stay sa living room. Nauna akong umakyat sa kwarto ko. Nakaramdam ako kaagad ng antok, siguro ay dahil na din 'yon sa pagod.

__________

Hello, readers!!!


Sorry ngayon lang ako nakabalik. Sobrang naging busy ang student life ng ate niyo HAHAHAHA

Maraming salamat sa lahat ng nagbabasa ng story ko, sa mga patuloy na nag-aabang at naghihintay ng update ko! Sobrang sarap po sa pakiramdam na may nakaka-appreciate sa story ko. 


Enjoy reading! 💙

Living With SB19Where stories live. Discover now