28.

4.7K 65 7
                                    

Tatlong araw nalang at kasal na namin ni Val. Kinakabahan ako.

Gusto ko pa sanang pumunta sa office pero pinigilan na ako ni Val, siya nalang daw ang pupunta para asikasuhin ang mga nandon.. may tiwala naman ako sa kanya at tsaka magaling naman siya pagdating sa business.. nakita ko noon nung pinamahala sa kanya ng mga magulang niya ang kompanya nila noong nasa states kami.

*ding dong*

Si Val na siguro. isip isip ko.

3pm palang pero umuwi na siya? Ang aga naman yata.

Pagbukas ko inaasahan ko ng si Val pero hindi.

"Sophia!!" Dinamba niya ako ng yakap. Namiss ko ang bruhang 'to grabe!

"Kitkat!!! Saan ka ba nagsusuot!? Namiss kita!!" sigaw ko. Namiss ko nga kasi talaga siya.

"Aray naman Sophia. Makasigaw ka parang bingi naman ako." Sumimangot pa siya. Niyakap ko ulit siya. May naramdaman ako sa bangdang tiyan niya bakit parang malaki. Nilayo ko siya. Ngayon ko lang napansin na ang laki ng damit niyang t-shirt at nakaleggings lang. Anyare dito?

"B-bakit malaki tiyan mo?" Tanong ko pa at turo turo ang tiyan niya.

"Uhmm. Sis Preggy me." Sagot niya at yumuko.

"A-ano?" Hindi ko kasi naintindihan eh.

"I'm 5mos. pregnant besh." Buntis daw...

"Ano?!!! Tell me! sinong dumisgrasya sayo?!" Sigaw na tanong ko sa kanya ehh kasi naman hindi ako makapaniwala..

"Tumigil ka nga sa kasisigaw." suway niya sakin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya paupo. Humalukipkip ako sa harap niya.

"Sinong ama?" Mahinahon na ako ngayon.

"S-si...." putol niya sa sasabihin.

"Si?" Hindi na nga kasi makapaghintay eh.

"Si Junjun ko." Sabi niya at yumuko.

"Ano? Si pinsan ang nakadali sayo?! Akalain mo nga naman yung pinsan kung yun! HAHAHA! ang galing besh!"sagot ko. Ang saya saya kasi sila pa din ang magkakatuluyan at hindi na malalayo ang besh ko sakin.

"Eh bakit ngayon kalang nagpakita sakin?" Tanong ko at umupo na ako sa tabi niya.

"Nagalit kasi sakin sina mommy at daddy noong nalaman nilang si Junjun ang boyfriend ko. Pilit nila kaming pinaghihiwalay at saka ayukong magpatali sa taong hindi ko mahal. Iniarrange marriage nila ako sa hindi ko gusto kaya nagpakalayo layo na kami ni Junjun pumunta ako sa Bulacan. Sorry kung ngayon lang ako besh ha. kasi baka makita nila ako at kuhanin nalang. Mahal na mahal ko si Junjun eh..pati nga si Brandon nagalit sakin ehh." Sagot niya na maluha luha. Niyakap ko siya.

"Mommy!!"

Napahiwalay sakin si Kitkat.

"S-sinong batang yan?!" Napatayo pa si Kitkat na turo turo ang anak ko.

"Hoy! huminahon ka nga!" saway ko sa kanya kasi naman nagtago na ang bata sa likod ko. Naupo na lang ulit siya.

"Siya na ba ang anak mo Sophia?" nabubulol na tanong niya.

"Oo.. Brent baby say hi to tita Kitkat." Sabi ko sa anak ko na nasa likod ko pa rin.

"I want Kitkat mommy!" Haha. kitkat na chocolate ang sinasabi niya.

"Oh my gosh!!" Sigaw ni Kitkat. Napatingin kami sa kanya na takang taka sa inasta niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Carbon copy ni Brandon nung bata!" sigaw ulit niya.

"Mommy who's Brandon?" nakatingin na tanong sakin ng anak ko.

"Baby play ka muna sa garden. Wag ka lalabas ha." sabi ko sa kanya at nagnod lang tsaka lumabas na.

"Sinabi mo na ba 'to kay Brandon?." Seryosong tanong ni Kitkat.

"Hindi pa." malungkot na sabi ko.

"B-bakit?" Naguguluhang tanong niya.

"Ayuko." Maikling sagot ko sa kanya.

"Huh?! Akala ko nagkausap kayo nun?"

"Nagkausap?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi ba kayo nagkita? Sinundan ka niya sa airport Sophia."

Hindi na ako nakapagreact. Bigla kasi akong nahilo at...tumakbo ako sa lalabo para sumuka pero wala naman akong naisusuka kundi mapait lang.

Di kaya...

***

Hulaan niyo po kung anung nangyari kay Sophia? Comment niyo po dali.

Sa mga magpapadedic..Comment niyo nalang din po.

love~ anneROCKSTAR

I'm All Yours BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon