48.

1.7K 28 4
                                    

Nandito na ako sa harap ng bahay niya pero walang Val na sumalubong sakin. Gustong ko nang makapasok sobrang lamig dito sa labas. Kumatok na ako pero bahagyang bumukas ang pinto. Hindi ba nagla-lock ng pinto si Val? Pero gayunpaman pumasok na ako hila-hila ang mga gamit ko dahil giniginaw na ako sa sobrang lamig.

Pagpasok ko namangha ako sa kulay ng bahay niya black and white lang ang nakikita kong kulay malalaman mo talagang bahay ng lalaki ito. Maya maya pa nakarinig ako ng boses ng babae. May katulong ba si Val? Pero sabi niya wala.

Sinundan ko kung saan nagmumula ang boses at dito nga sa unahang kwarto, kakatok na sana ako pero biglang bumukas at bumungad sakin ang isang babaeng Americana na blonde ang buhok at sumunod naman si Val na topless pa at nakaboxer shorts lang.

"Oh you have a visitor baby. Who is she?"pa-slang na tanong ng babae.

Napatingin ako kay Val at naghihintay ng isasagot at sakin din siya nakatingin ng sagutin niya ang sagot ng babae.

"Don't mind her. She's my maid." Sagot niya.

Napayuko nalang ako at pinipigilang mapaluha. Bakit hindi nalang niya sabihin na kaibigan niya ako kung ayaw niyang masaktan ang kasama niya.

"Oh really? You don't have to do that baby. I will take care of all the things here when we get married." Sabi ng babae. Gusto ko ng umalis sa harap nila pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko dahil nasasaktan ako, nasasaktan ako hindi dahil may nararamdaman ako kay Val kundi dahil nasasaktan ako sa mga ginagawa niya. Alam kong hindi niya ginugusto ang mga ginagawa niya. Kilala ko si Val hindi siya ganito, alam kong may dahilan kaya yun ang aalamin ko.

"Uhm yeah." Sagot ni Val.

"Oh I have work so I have to go." Paalam ng babae at hinalikan si Val. Naglakad na ang babae patungo sa pinto.

"See you later Miranda." Paalam naman ni Val.

"Oh by the way you are?" Bumalik siya tanungin ang pangalan ko.

"Sophia." Maikling sagot ko.

"Sounds like Sophie the friend you always talk about." Bumaling siya kay Val pero walang imik si Val. "I'm Miranda. Nice meeting you Sophia." Nakipag shake hands siya at muling nagpaalam.

Babalik na sana siya sa kwarto pero pinigilan ko siya, kailangan ko siyang kausapin.

"Val tell me your reasons." Sabi ko.

"What are you talking about?" Bumuling siya sakin.

"Your reasons why you are doing this. Val hindi na kita kilala. Bakit ka ba nagkakaganyan. Alam mong handa naman akong makinig sayo." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Let me ask you this. What are we Sophia?" Tanong niya.

"I'm your wife!" Sabi ko. Oo mag-asawa na kami at hindi ko na 'to mababawi pa. Asawa ko na siya kaya kailangan siya na ang iniintindi ko at sana matutunan ko siyang mahalin.

Tinawanan niya lang ang naging sagot ko. "My wife?" Tanong ulit niya.

"Oo! Kaya kung anong problema mo, sabihin mo sakin."

Tumawa ulit siya. "Pwede ba wag kang magpanggap na asawa ko dahil alam ko naman na napilitan ka lang for the company. And please Sophia act like you're not here, huwag mong pakialaman ang mga ginagawa ko." Sabi niya at tinalikuran na ako at pumasok sa kwarto niya.

Napaupo nalang ako sa sofa. Hindi ko lubos maisip kong bakit anong problema niya. Nasasaktan ako kasi namimiss ko na yung Val na kaibigan ko at laging nandiyan para tulungan ako. Nasasaktan ako dahil feeling ko hindi ko na siya kilala. Nasasaktan ako kasi feeling ko ibang tao na siya at sobrang layo na niya.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at kinuha ang mga gamit ko at pumunta na sa guest room. Napaupo ulit ako sa kama. Tama bang pumunta ako dito? Ano bang dahilan ko? Tanong ng isang bahagi ng utak ko. Asawa mo na si Val. Oo nga asawa ko na siya.

Tumunog ang phone ko sila Mama tumatawag. Namiss ko tuloy sila.

"Hello?" Sagot ko.

"Hi anak how's your new home?" Tanong ni Mama.

Is this what you call home?

"Okay naman Ma. Welcome na welcome ako dito. It is so nice in here." Sagot ko pero kabaliktaran naman.

"Anak someone wants to talk to you-" sabi ni Mama pero hindi pa niya natatapos ang sasabihin may umagaw na.

"Mama!" Si Brent.

"How are you baby boy?"

"I'm fine Mama. I miss you." Sabi ni Brent. Napapaiyak na naman ako dahil sobrang miss ko na siya.

"I'm miss you too." Hindi ko na napigilan ang mapaluha.

"Mama are you crying again? Don't cry na grandma and I will visit you soon. I love you."

"Okay baby I love you too." Sagot ko. Narining kong pinasa na niya kay Mama ang phone.

"Kumusta naman si Val?" Tanong no Mama.

"Okay lang naman siya Ma." Sagot ko.

"Can I talk to him anak?"

"Uhm Ma he's not here..Uhm he went to work." Pagsisinungaling ko.

"Okay anak tell him my regards. I love you bye." Paalam ni Mama.

"I love you too Ma."

Bumuntong hininga ako pagkatapos kong patayin ang tawag. Hanggang kailan ako magsisinungaling kay Mama na hindi kami magkasundo ni Val? Kakayanin ko ba lahat ng 'to? Hanggang kailan kami magiging ganito? Kaya ko bang pakisamahan si Val? Ano bang problema niya? Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko. Kaya ko ba? Hanggang kailan? Ewan! Bahala na.

****
Saan na nga ba si Brandon? Watch out for the next update :)

A million thanks to you who are reading this.. Thank you thank you I really appreciate your efforts on scrolling. I love you guys!

Love ~ anneROCKSTAR

I'm All Yours BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon