49.

4.9K 78 34
                                    

Hapon na at nagpreprepare na ako ng dinner ng biglang bumukas ang pinto.

"Oh shit baby you're so drunk." Sabi ni Miranda na akay akay si Val. Maaga palang lasing na 'to?

"What happened?" Tanong ko at lumapit ako sa kanila para tulungan si Miranda. Pinahiga muna namin siya sa sofa.

"I don't know we were in bar and he drink and drink and drink and he always calling your name, Sophia here and Sophia there. Seriously Sophia what are you? Because I doubt that you're just a maid. Can you tell me the truth?"

Biglang kumabog ang dibdib ko. Sasabihin ko ba?

"What?" Tanong ulit ni Miranda na naghihintay sa magiging sagot ko.

"Honestly, I'm his wife." Sagot ko. Nagulat din ako sa naging sagot ko pero eto na nasabi ko na.

"You're joking right?" Tanong niya na parang maiiyak na dahil namumula na ang pisngi niya.

"No I'm not. Here's my proof." Pinakita ko ang singsing na nasa kamay ko at ang picture namin noong kasal.

"Hooo shit! I can't take this.." Pinaypay niya ang mga kamay niya sa mukha niya at nakita kong may luha sa pisngi niya. Dinampot niya ang bag na nahulog sa sahig kanina at padabog na sinara ang pinto. Naaawa tuloy ako sa kanya pero hindi ko naman hahayaan na tumagal pa ito.

Tinignan ko si Val na mahimbing ang tulog na parang batang inosente. Nagtungo ako sa kwarto niya at namangha ako dahil napakaayos nito, kumuha ako ng unan at kumot tiyaka ako lumabas para kumutan at lagyan ng unan ang ulo niya.

..

Maaga pa pero gising na ako. Matutulog pa sana ako pero hindi na ako makatulog kaya bumangon nalang ako para magluto ng sopas dahil panigurado may hangover si Val.

Una kong niluto ang shell para saka nalang ilagay pag naluto ko na ang ingredients. Pagkatapos kong maluto naghiwa na ako ng mga ingredients..

"Oh shit my head!" Gising na si Val buti nalang malapit na akong matapos magluto. Kumuha ako ng gamot at tubig para ipainom sa kanya para naman mabawasan ang sakit ng ulo niya habang hinihintay yung sopas.

"Eto o inumin mo muna hindi pa kasi tapos yung sopas na niluluto ko pero sandali nalang yun." Sabi ko.

Tiningala niya ako at kumunot ang noo niya. "Didn't I told not to mind me. Did I?" Tanong niya.

Nilapag ko nalang ang gamot at tubig sa lamesa na nasa harap niya at bumalik na sa kusina.

"Hey where is Miranda?" Tanong niya. Sinundan pala niya ako.

"Hanggang kailan mo siya sasaktan?" Tanong ko habang nakatalikod sa kanya.

"What are you talking about?" Tanong niya.

"I already told her that I'm your wife."

"What the?! Diba sinabi ko na wag na wag mo akong papakialaman?" Galit na tanong niya.

"Pero sinasaktan mo siya Val!" Sigaw ko. Pinatay ko na ang stove at hinarap siya.

"Bakit Sophia gusto mo bang magpakama sakin? Diba hindi dahil-"

Hindi ko namalayan na nakalapit na ako at dumapo na ang kamay ko sa mukha niya.

"Ibang iba kana talaga. Isa pang tanong Val, ano bang problema mo?! Sabihin mo sakin kasi nasasaktan ako dahil nagkakaganyan ka."

"Sophia nasasaktan din ako para sa kanya, awang awa ako sa kanya." Sagot niya.

"Dahil ginagamit mo lang siya." Sabi ko.

Umupo siya sa upuan ng dining table. Nakatungo lang siya, makikita mong sobrang nasasaktan siya.

"I was so happy when I heard you and Brandon are ended up your relationship. I decided to win you back and then I heard that your company is on the verge of bankruptcy I thought to myself this is my time to have you, I begged my dad for pete sake we're not close but I begged him to help you and I suggest to marry you so that we can merge the company but Sophia I was so stupid, so stupid!" Sabi niya at sinuntok ang mesa. Nagulat ako at gulong gulong hindi ko alam kung bakit sinasabi niya sa'kin lahat ng 'to. Tungkol pa ba 'to kay Miranda?

"Val huwag mong sabihin yan."

"Sophia umalis kana dito." Malumanay na sabi niya.

"Val what do you mean? I'm your wife!" Sabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan.

Wala siyang imik na pumunta sa kwarto niya. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Bumalik siya at may hawak na maliit na envelope.

"Here." Binigay niya sakin ang envelope. "Basahin mo yan pag nakaalis kana dito." Sabi niya.

"Hindi talaga kita maintindihan Val."

"I want you to leave this place and go to Brandon. Sophia I know what your heart wants, it's Brandon."

"But Val.."

"He needs you now Sophia." Sympathy ang tumatak sa mukha niya. Sympathy? For what?

"What do you....

Tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko at Philippine number ang nakaregister. Number ng Pilipinas? Sino naman ang tatawag sa akin sa Pilipinas? Pinutol ko na ang koneksiyon ko kay Kitkat.

"Philippine number?" Tanong ni Val. Tumango lang ako bilang sagot.

"Answer it. It might be the answer you want know." Sabi niya. Hindi na ako nagsayang ng oras at sinagot ko na.

"Hello?" Sagot ko.

"Hello Sophia? Sophia si Vanessa 'to."

"Vanessa? How dare you to call me?!" Hindi ko na napigilan ang galit ko.

"Sophia pakinggan mo muna ako. Brandon is sick. Sophia please umuwi kana." Sabi niya habang humahagulgol.

"W-what?"

"May brain tumor si Brandon. Sophia please umuwi kana kumbinsihin mo siyang magpaopera. Please Sophia hindi ko na kayo guguluhin pangako. Pinagsisihan ko na rin lahat ng ginawa ko. Sophia isipin mo nalang ang anak niyo walang kasalanan si Brandon at wala ding nangyari samin nahimatay siya noon at pinagsamantalahan ko yun para palabasin na may nangyari samin para magselos ka at hiwalayan siya. Sophia umuwi kana.." Sabi niya umiiyak. Nanlamig ang buong katawan ko. Pinagsisihan ko na hindi ko pinakinggan si Brandon noon. Edi sana masaya pa kami. Ang tanga ko. Hindi na pwede dahil kasal na ako.

"Sorry wala na akong karapatan na gawin yan. Kasal na ako." Sabi ko at binaba na ang tawag. Napaupo ako sa sofa at nanginginig ang buo kong katawan. 

"Here." Nag-abot si Val ng tissue. Pinunas ko ang pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Umiyak kalang Sophia." Sabi ni Val at niyakap ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na humagulgol. Bumalik na si Val na bestfriend ko, ang kaibigan ko na laging nandiyan pag kailangan ko nang masasandalan at masasabihan ng problema.

Pero bakit? Bakit nangyari yun kay Brandon? Wala siyang kasalanan, sana ako nalang, sana pinakinggan ko siya noon. Ang tanga ko!

"Sophia I'm sorry kung nahirapan ka dahil sa mga pinakita at pinaramdam kong hindi maganda sayo. Ginawa ko lang yun kasi I want you to give up on me pero hindi kasi nagtiyaga ka sakin. Sophia magiging selfish ako kong sasabihin kong dito kana lang sa tabi ko but Sophia I want you to be happy." Sabi niya habang yakap pa rin niya ako.

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya. "Val kasal na tayo wala na akong karapatan sa kanya."

"Sophia our marriage is not legal."

"W-what? No, you're just telling me that para paalisin ako right?" Sabi ko na hindi naniniwala dahil alam kong sinasabi lang niya yan para paalisin ako at puntahan si Brandon.

Nasasaktan ako dahil ganyan ang nangyari kay Brandon pero wala na akong karapatan sa kanya. Gustuhin ko mang puntahan siya hindi na pwede kasal na ako.

*******

Zup everyone? Watch out for the next update :)

Comment||Vote||Share

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm All Yours BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon