18.

5.3K 85 3
                                    

Nandito na kami ni Val sa bahay. Gusto ko kasi siyang makausap.

"Sophie aattend ka ba sa kasal nila?" Tanong niya sakin. Magkaharap naman kaming nakaupo.

I shooked my head.

"Ako din." He said.

"Val kasi aalis na ako. Pupunta na ako sa States." Nawala ang ngiti niya.

"Are you sure?"

I nodded.

"Nextweek ang alis ko Val." Nakayuko kong sabi.

"I'll go with you." Napaangat naman ako ng tingin sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

"Seryoso Val?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes. May bahay kami sa States and besides balak ko ding bumisita dun..Sabay nalang tayo" He said. May choice pa ba ako.? Alangan naman pigilan ko siya?

"S-sige." Hindi ko alam kung anong kahahantungan ng pagsasama namin ni Val dun. Sana maging maayos ang lahat.

"Sophia.."Hinawakan niya ang kamay ko. I looked at him quizzically..Seryoso siya. "Nung sinabi kung gusto kita. Totoo yun..Gusto kita."

"Pero..." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero masaya ako kasi may isang taong nagmamahal at nag-aalala sakin at si Val yun.

"Oo Sophia. Alam ko si Brandon ang mahal mo pero hindi ako naghahangad na magustuhan mo din ako." He said seriously.

"Gusto naman kita ehh as a friend Val. I'm very thankful because I have you as a friend." I bit my lip to stop my tears from falling.

"Yun lang sapat na sakin Sophia." Lumapit siya sakin at niyakap ako. Ang swerte ko dahil may isang Val na nag-aalala sakin. May isang Val na nag-aalaga sakin. Ang swerte ko sa kanya. Sana siya nalang.

Dumating na ang araw ng flight namin. Nasa labas na ako ng gate namin para hintayin si Val. Hindi na ako maihahatid ni Kitkat kasi ngayon din yung araw ng kasal ng pinsan niya. Sana sa pag-alis ko matanggal lahat ng sakit dito sa puso ko. Sana makalimutan ko na siya. Hinawakan ko ang impis ko pang tiyan.

"Baby say bye bye to Daddy..Wag kang mag-alala anak mamahalin ka ni Mommy."

------
After 5 years.

Nag-eempake ako ng gamit namin. Why? Uuwi kami ng Pilipinas para asikasuhin ang branch ng Alvarez Company doon. Ayuko man na umuwi kailangan eh. Aaminin ko hindi ko pa siya nakalimutan. After 5 years siya pa rin ang laman ng puso ko. Siya pa rin ang sinisigaw nito.

Kahit na magkita kami at sabihin sa kanya na mahal ko pa rin siya wala na kasal na siya 5 years ago.

"Mommy Mommy where are you going?" Tanong ng anak ko. Yes! Anak ko, anak ni Brandon.

"Baby Brent uuwi tayo ng Pilipinas." Nagliwanag naman ang mukha niya.

"You mean..Yes!! I'm going to meet my daddy." sigaw niya na nagtatatalon. Oo sinabi ko sa kanya na naiwan ang daddy niya sa Pilipinas. Hindi ako nagsinungaling sa kanya. Ngumiti nalang ako sa paulit ulit niyang sinisigaw.

"Brent.." Lumingon kami pareho ng anak ko. Si Val.

"Daddy Val!" Sigaw ng bata at patakbo papunta sa kanya. Niyakap naman siya ni Val.

Siguro nagtataka kayo kung bakit Daddy ang tawag ng anak ko kay Val. Oo daddy ang tawag niya kasi nagpumilit siya na tawagin siyang daddy nito.

Habang tinitignan ko ang anak ko naaalala ko si Brandon. Kamukhang kamukha niya kasi eh...ang alam ku namang pinaglihian ko nun eh si Val pero malakas lang talaga ang dugo ni Brandon.

"Daddy Lets play."

"Okay baby." Narinig kong pag-uusap nila. Ang saya lang kasi tinuring ni Val si Brent na tunay na anak.

You right through me
How do you do that shit
How do you do that shit
How do you do that shit

How do you
How do you
How do you
How do you
How do you

"Hello mommy?"

[Anak mag-ingat nalang kayo sa flight niyo anak tell to Val.]

"Yes Mommy."

*toot toot*

Wala sila Mommy dito sa States. Nasa Japan sila para asikasuhin ang branch ng company doon. Mula noong nalaman nilang buntis ako..Masayang masaya sila kasi daw magkakaapo na sila at nalulungkot din kasi hindi ko kasama ang ama ng anak ko.

"Lets go Sophia?" Tanong ni Val. Oo ngayon din ang flight namin. Binuhat niya si Brent at binuhat din niya ang isang maleta.

Masaya ako kasi kahit hanggang kaibigan lang ang pagtingin ko kay Val hindi niya kami iniwan. Ang swerte ko talaga sa kanya. Hindi na nga niya nagagawang makipag-girlfriend eh kasi lagi nalang kami ang inaasikaso niya.. Kung sana lang talaga natuturuan ang puso, siya nalang ang minahal ko. Wala na akong ibang mahihiling sa kanya eh.. sinamahan niya kami sa limang taon, sa mga problema ko..siya ang tumutulong sakin.. ang swerte ko talaga sa kanya.

Sana maging maayos lahat sa pagdating namin doon.

***

I'm All Yours BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon