14.

6.5K 79 0
                                    

Binuhat ko na ang traveling bag at lumabas na ng bahay. Bahagya pang masakit ang anu ko pero kaya ko 'to.

Pumara na ako ng taxi papunta sa terminal ng bus papunta sa Bulacan. Kailangan kung gawin 'to alang ala sa pagmamahal ko kay Brandon. Kailangan namin ng space..Sinagot niya ang sinabi ko kagabe pero hindi sapat yun para manatili ako dito.

I dialled my cousin's number. Para inform sakanila na pupunta ako dun. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dun. Siguro kapag nakapag isip isp na ako.

[Hello Sophia?]

"Hello Junjun? Nasa biyahe na ako."

[Talaga? Nasa biyahe na daw si insan...opo lola..]

*Toot toot*

Aba tignan mu yun! Excited lang?

Nakarating na ako sa wakas. Natulog lang ako buong biyahe. Napagod siguro. alam niyo na! HAHA.

"Insan!!"

"Junjun!!" Sigaw ko. Siya lang ang sumundo sakin.

"What? Sasakay ako diyan?" Eh kasi naman motor lang ang gamit niya. Single lang walang sidecar.

"Oo naman kesa magtricycle ka. Mahal ang pambayad ng tricycle." sagot niya. Pwede naman eh.

"May pera naman ako eh." Tinignan ko yung wallet ko. Walang barya. Tiyaka ATM cards lang ang meron ako. No choice..

"Sige na nga.. Basta ha Junjun..dahan dahanin mo! Malilintikan ka sakin pag hindi." Tiyaka masakit pa. Dagdag ko pa sana pero wag na baka ako ang mabatukan eh.

Nasa bahay na kami ni lola. Kanina pa tawa ng tawa si Junjun.

"HAHAHAHA. Grabe..HAHA.----Aray naman insan!" binatukan ko nga. Kanina pa kasi tawa ng tawa.

"Eh kasi makasigaw ka wagas. Haha! Halos lahat ng madaanan natin eh napapatingin saten." Tatawa tawang sabi niya.

"ambilis mo kaya!" I frowned. Kainis.

"Apo?" Lumingon ako.

"Lola!!!" Tumakbo ako at niyakap siya. "Namiss ko kayo lola!" hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.

Humiwalay ako ng yakap.

"Namiss din kita apo. Oh siya kain na tayo. Tsaka magpahinga kana. Gumagabi na din."

Lumakad na kami papasok. Namiss ko din ang bahay sobra. Dito ako lumaki mula noong iniwan ako nila mama at papa. Tsaka lang ako napadpad sa Manila ng mag-aral na ako ng college. At ng natayo na namin ang Shop hindi na ako nakakabisita dito.

Tapos na kaming kumain. Nasa labas ako ngayon ng bahay. Hindi pa ako inaantok. Kumusta na kaya si Brandon? Namimiss ko na siya eh..

"Apo." Lumingon ako si Lola.

"Lola bakit gising pa kayo?" Tinulungan ko siyang umupo sa tabi ko.

"Hindi pa ako inaantok apo." Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit.

"Apo may problema ba?" Tanong niya.

"Wala po lola."Pagsisinungaling ko at iniwas ang tingin sa kanya.

"Apo kilala kita. Sa akin ka lumaki.."

"Lola.." I sobbed. Hindi ko na napigilan ang umiyak.

"Tell me Apo." Sa ngayon, kay lola ko lang masasabi ang lahat ng problema ko.

"Lola kasi may mahal ako pero hindi ko po alam kung mahal din po niya ako." Yumakap ako kay lola. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Apo kaya ba agad agad kang pumunta dito para makalimut? Alam mo hindi solusyon ang paglayo apo.. Puntahan mu siya kausapin mo siya." Humiwalay ako sa kanya at tumango siya sakin.

"Thank you po Lola." Hinalikan ko siya at agad pumasok sa loob para kunin ang mga gamit ko. Ilang oras lang naman ang biyahe papuntang Manila. Naabutan ko pa si Lola sa labas ng bahay.

"Lola pasok na po kayo. Ingat po kayo lage dito lola. I love you po." Hinalikan ko siya.

"Mag-ingat ka din lage apo."

Naglakad na ako papunta sa gate para pumara ng tricycle..

****

I'm All Yours BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon