Chapter 4: De Grande University

Magsimula sa umpisa
                                    

Inirapan ko siya. Sweet niya talaga, grabe.

"Hi," bati niya kay Trev at agad na lumapad ang ngiti ni Trev no'ng halikan siya ni Feem sa pisngi. My God. Bakit ba kay Trev lang siya sweet? Hello? Nakalimutan niya na bang bestfriend niya ako at kambal ako ni Trev?

"Aga yata natapos ng klase mo?" tanong ni Trev kay Feem at saka niya kinuha 'yong bag ni Feem.

"Walang prof kaya dumiretso na ako dito," kibit-balikat na sagot ni Feem at saka siya lumingon kay Gonz. "Bakit mo dinala dito si Rara? Gusto ko sana ng tahimik na araw, mukhang hindi mangyayari," kunot-noong sabi niya kaya irita ko siyang tiningnan.

"Grabe. Grabe talaga. Ang sama ng ugali!" reklamo ko kaya sabay na tumawa sina Trev at Gonz.

Nagkuwentuhan lang kaming apat at maya-maya lang ay nagsimula na ang training nila Trev kaya naiwan muna kami sa bleachers ni Feem.

"Wala kayong training?" tanong ko kay Feem at kunotnoo niya na naman akong tiningnan.

"May iba bang mga babae dito bukod sa 'ting dalawa, Ra?" masungit na sagot niya kaya napasimangot ako. Grabe talaga lagi niya akong hindi sinasagot nang maayos. Kaunti na lang, sasakalin ko na talaga siya.

Iginala ko ang mata ko sa buong gymnasium at napagtanto kong wala ngang ibang babae bukod sa 'min. So, ibig sabihin wala ngang training 'yong girls nila.

"Kailan start ng physical therapy mo?" she suddenly asked, staring at my crutches and knee brace.

Agad na nagbago ang timpla ng mukha ko nang maalala kong kailangan kong um-attend ng physical therapy at kumpletuhin lahat ng session kung gusto kong makalaro ulit. Pero dahil natatakot na 'kong tumalon ulit dahil baka maulit na naman sa 'kin 'yong nangyari, nagdadalawang isip talaga ako kung itutuloy ko pa ba 'yong proper rehab para makapaglaro ako ulit.

"This Saturday 'yong first session," sagot ko.

Agad siyang tumango. "Saan ba 'yon? Gusto mo samahan kita?" alok niya pero umiling agad ako. Nagdadalawang isip pa nga ako kung pupunta ako, eh. Syempre kapag nalaman niyang nagdadalawang isip ako, talagang pipilitin niyang samahan ako para masigurado niyang a-attend ako.

"Sasamahan ako ni Gonz," sagot ko kahit hindi ko pa naman sinasabi kay Gonz na sa Saturday na 'yong start ng physical therapy ko.

"Mmm, okay."

"Anyway, bakit 'di mo 'ko sinabihan na hiningi ni Bellamy sa 'yo 'yong sched ko, huh?" reklamo ko sa kanya.

She pressed her lips together before talking. "Sabi niya 'wag ko raw sabihin, eh."

"At kailan mo pa kinampihan si Bell over me?!" hindi makapaniwalang sabi ko.

Natawa siya nang mahina.

"He's my brother, Ra. You should get used to that," nakangiting sabi niya kaya napasimangot lang ulit ako.

"Bakit wala ka pa ring boyfriend, Ra? 'Di maka-move on kay Denver?" pang-aasar niya sa 'kin kaya inirapan ko siya.

"Hindi ah. Wala na nga akong balita do'n."

"Pero alam mo, si Gonz talaga gusto ko para sa 'yo kahit noon pa," dagdag niya pa kaya natawa ako nang mahina. Iyan ang paulit-ulit niyang sinasabi sa 'kin kahit no'ng high school pa lang kami.

"Aren't you getting tired of saying that?" I asked, shaking my head.

"Bestfriend ko si Gonz, Feem. Bata pa lang kami magkaibigan na kami. Kung may gusto man kami sa isa't isa eh 'di sana noon pa lang naging kami na, 'di ba?"

"Baka kasi 'di lang kayo aware na may gusto kayo sa isa't isa kasi nasanay kayo na magkaibigan lang talaga kayo."

"Ugh. Stop it already, Feem," reklamo ko dahil mukhang hindi na naman siya titigil kakapilit sa 'kin na dapat kami na lang ni Gonz.

To Pay The Price (Belle Ville Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon