"What?" tanong niya.

"B-Bakit..Bakit ganyan ang trato mo sa Papa mo?" tanong ko sa kanya.

Alam ko na wala ako sa posisyon na magtanong pero hindi ko napigilan ang sarili ko. I want to know more about him.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko nang hindi siya sumagot.

"S-Sorry naitan-"

"Because he's the reason why I'm alone."

Mabilis akong tumagilid nang higa at tinignan siya ng kunot noo..

"Y-You're not alone Zayden." naiwika ko na ikinalingon niya sa akin.

"Im alone Xena."

"Nandito kaming pamilya mo." bulong ko bago napayuko. Pamilya.

Narinig ko ang payak niyang pagtawa kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

"I dont want you to be my sister Xena. Hindi ko yon matatanggap. Kung itatanong mo bakit ganon ang trato ko sa Papa ko, isa lang ang sagot ko.... Dahil lagi niyang kinukuha sa akin ang mga taong mahal ko."

"W-What do you mean?" may kirot sa puso na tanong ko. Kita ang sakit sa mata niya at ang pangungulila.

"My Mother Died because of him. And the one I love will never be mine because of him." Aniya bago tumayo habang ako ay natitigilan.

"Pumasok na tayo sa loob."sabi niya bago naunang maglakad palayo.

"And the one I love will never be mine because of him."

"And the one I love will never be mine because of him."

Ibig sabihin ay ginagawa niya lang talaga ito dahil ayaw niya sa amin? Because he wants to get rid of us kaya naman tinutukso niya ako at inaakit.

Wala sa sariling hinawakan ko ang tapat ng dibdib ko dahil sa kirot na naramdaman ko.

Why? Bakit ganito ang nararamdaman ko?  Pumikit ako at pilit inalis sa isip ko ang sinabi niya. Wala akong karapatan masaktan.  He's my step brother, hindi ko dapat maramdaman ang ganito.

Napabuntong hininga ako bago tumayo at sumunod sa kanya. Nauuna siyang naglalakad sa akin habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

I dont understand him. Bakit isisisi niya sa Papa niya ang pagkamatay ng Mama niya.

At...At saka sino ba ang babaeng mahal niya?

Wala sa sariling pumasok ako ng bahay at nilagpasan siya. Ni hindi ko nakita si Tito Zach na nagmula sa kusina at nakatingin sa amin.

Hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa kwarto ko ang alam ko lang ay natulog ako na may kirot sa puso.


Ilang araw matapos ang tagpong iyon ay pilit kong iniwasan si Zayden. Alam ko na napapansin niya iyon at mukhang wala siyang pakialam at iniiwasan din ako. Madalas ay kasama niya si Macey at kung hindi naman ay nasa Rancho siya at nagtatrabaho.

Mula nang gabing iyon ay hindi na kami nagusap ng matagal. Ni hindi niya ako tinitignan na para bang hindi niya ako nakikita. Kung magkakasalubong kami ay diretso lang ang tingin niya. At kapag naman nagkikita kami sa kusina o kaya sa sagingan ay hindi niya ako kinakausap.

Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Iniiwasan ko siya pero bakit nasasaktan ako sa hindi niya pagpansin sa akin? Dapat ay matuwa ako na hindi na niya ako pinapansin ngunit kabaliktaran ang nangyayari. Nalulungkot ako at nasasaktan. Mali ang nararamdaman ko at talagang gusto ko itong pigilan pero habang pinipigilan ko ay mas lalong lumalalim.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Hija." napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang tinig ni Tito Zach.

"Tito." usal ko.

Ngumiti siya sa akin at lumapit. Kagaya ko ay tinignan niya ang mga trabahador na abala sa kanilang mga trabaho.

"Ang Ranchong ito ay pinagyaman at pinaunlad ng aking abuelo. Nag iisang anak lang ang aking Papa kaya naman nang mamatay ang lolo ko ay sa Papa ko napunta ang buong Rancho. Pinagyaman at pinaunlad ng Ama ko ang Ranchong ito. Dahil doon ay naging Centro ito ng Alta Tierra. Halos kalahati ng tao sa Alta Tierra ay dito kumukuha ng hanap buhay."  napabaling sa kanya ang tingin ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi niya sa akin ito ngunit nanatili akong tahimik.

Puno ng kagalakan ang mga mata niya at puno ng pagmamahal na nakatingin sa buong Rancho.

"Mas lalo naman pong umunlad ang buong Rancho dahil sa inyo." sagot ko at ngumiti.

Tumango-tango siya bago huminga ng malalim. "Dahil abala ako sa pamamalakad sa Alta Tierra at sa Rancho ay nakalimutan ko naman ang pamilya ko. Zayden is mad at me because of that. Wala ako sa tabi nila nang mamatay ang Mama niya. Sinisi niya ako dahil wala ako nang mga sandaling iyon."

Napakunot noo ako at muli siyang nilingon. "Napaunlad ko ang buong Alta Tierra ngunit hindi ko nagawang subaybayan ang paglaki ng anak ko."

"T-Tito.."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Ang buong Ranchong ito ay mapupunta sa inyong dalawa ni Zayden dahil 'magkapatid' na kayong dalawa. Mahal ko kayong dalawa at sana ay maintindihan ito ni Zayden. Kung ano man ang ginagawa ni Zayden at ang mga gagawin niya ay ikaw na sana ang umiwas. My son hate me so much and that fact alone makes me sad and guilty."

Magkapatid.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Alam niya ba ang damdamin ko kay Zayden kaya sinasabi niya ito?

"He's your older brother. I dont want you to get hurt Xena. I hope you understand." aniya bago tinapik ang balikat ko at umalis.

Bigla akong napahawak sa pisngi ko dahil sa pamamasa non. Bakit ako umiiyak?

Napailing ako at tumawa ng pagak bago ko punasan ang sunod-sunod na pag agos ng luha ko.

He wants me to distance myself from Zayden. I get it. Hindi niya directang sinabi ngunit ganon ang pinapahiwatig niya. Tama naman siya at iyon naman ang dapat. Iyon naman ang ginagawa ko pero bakit mas lalong masakit dahil sa sinabi niya.

*Please vote and comment. Be a fan and follow me.*

Heartless Society 1: If our Love is wrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon