Chapter 05

576 25 1
                                    

Kinabukasan, lunch time sa school. As usual magkakasama na naman kaming apat. Naikwento ko kina Jam at Ycka na naipasyal ako ni Nelle sa isang unforgettable place.

Si Nelle nakikinig lang sa usapang tatlo habang kumakain.

"Talaga? Grabe ka naman Nhima. Pati girlfriend ng best mo, hindi mo rin matandaan?" tanong ni Jam.

Natawa naman ako, "Sorry naman!"

This time sumali na sa usapan si Nelle, "Oo nga eh. Kaya nga may nililigawa ako ngayon para may maipakilala ako kay best."

Ewan ko if biro niya lang iyon or what...pero feeling ko hindi ok para sa akin na may ligawan si Nelle. I know wala akong rights na ma-hurt pero hindi ko alam bakit paprang ang bigat sa feelings ng sinabi niyang iyon. 

Dahil ba sa bestfriend ko siya't sa sobrang closeness namin is parang ayoko na siyang mapunta sa iba?

Pero mas weird ang reaction nina Jam at Ycka. Super shocked sila up to the point na kung pwedelang eh mapatayo sila sa kinauupuan nilang dalawa. Siguro...may feelings din sila for Nelle?

Hahaha.

Gwapo naman kasi si Nelle kaya hindi malayong mangyaring magkagusto sila sa kanya.

­­­­­­________________________________

December 20.

Birthday ngayon ni Nelle!!!

Gusto ko sana siyang i-surprise kaso nagyaya ng date si Drew.

Het nga't asa modern restaurant kami...pero parang may kakaiba kay Drew today? Lagi siyang naka-smile kaya lalo siyang gumagwapo.

Ang cute pa man din siya sa suot niyang blue-checkered 3/4s na binili ko para sa kanya.

Umorder na kami...but this time, mga gusto ko yung inorder  namin. Puro desserts!

Kumain pa rin si Drew kahit alam kong hindi siya mahilig sa sweets. Feeling ko nga siya ang na-torture this time eh! Hahahaha.

After naming kumain niyaya niya akong magpunta sa isang park na malapit lang sa restaurant. Umupo kami sa damuhan, maganda ang view kasi sunset.

Masaya ako kasi kasama ko si Drew. Pero kahit papaano naaalala ko pa rin ang birthday ni Nelle. Matatapos na ang araw pero hindi ko man lang siya natetext at hindi man lang siya nakita't nakakausap. Siguro itetext ko na lang mamayang gabi.

But for now, focus muna ako sa sweet kong boyfriend.

Siguro after 15 minutes na biruan lumipat ng pwesto si Drew. Umupo siya sa harapan ko, Indian seat ba. Tapos hinawakan niya kamay ko.

Ang sweet niya talaga!!!

Then napansin kong may kinuha siya from his pocket. Small box.

Inopen niya yun...isang gorgeous diamond ring!!

"HUH?" bigla akong akong napatingin sa kanya.

"Babe, masyado pang maaga para sa atin if magpo-propose na ako pero will you please accept this ring as a sign of our faithful and endless love?" napakaromantic niyang tanong sa akin.

Feeling ko proposal na rin ang ginagawa niyang iyon pero bakit ganun? Dapat masaya ako kasi nagpropose na sa akin ngayon ang lalaking mahal ko pero..

Bakit parang may mali?

Bakit parang may pumipigil sa aking sagutin ang tanong niya?

___________________________________-

Around 7 na siguro ako nakarating sa gate ng bahay namin. Sinalubong ako ni mama...binuksan niya ang gate at sinabing, "Nagpropose daw si Drew sa iyo?"

Hindi ako agad nakasagot. Tinignan ko si mama sa mga mata...ang bigat ng feelings ko. Kaya natanong ko kay mama ang, "ma, bakit hindi ko magawang matanggap ang proposal ng taong mahal ko?" malungkot kong sabi.

Niyakap ako ni mama saka niya ako binulungan ng, "Nhima, hindi si Drew ang taong mahal mo."

Humalo ang pagtataka ko sa kalungkutan ko. "What do you mean ma?"

Kumawala si mama sa pagkakayakap niya at ang sabi niya'y... "Puntahan mo ang best mo, kung gusto mong maliwanagan. Sige na."

Pumunta ako sa bahay nila Nelle pero si Maddy lang ang nakita ko sa gate nila. 

"Si Kuya Nelle? Umalis po siya. Pero pwede mo siyang hintayin sa room niya. Kanina pa kasi siya umalis kaya sa tingin ko pauwi na rin niyan si Kuya."

Pumasok kami sa bahay nila at itinuro sa akin ang room ni Nelle...parang may anong kaba pa akong na-feel ng hawakan ko ang doorknob. Marahan kong pinihit iyon saka binuksan ang pinto.

Nang makita ko ang room ni Nelle ay parang kidlat na dumaan at nagsibalik ang mga memories ko...

Ang room niya. Naka-design tulad ng sa akin. Napapangiti ako kasi unti-unti nang bumabalik ang memories ko. Napansin ko sa taas ng mini table ni Nelle ang box na ibinigay ni mama sa kanya ng umuwi ako galing ng hospital.

Pero may katabi pa itong isa pang box. Binuksan ko ang unang box...yung binigay ni mama.

Guess what. Nandun ang mga strange things na nakita ko sa room ko noon. Inopen ko pa ang isang box na nasa tabi nito..isa-isang nagsibalkikan ang mga memories ko nang makita ko ang mga partners ng mga strange things ko sa box na ito.

"Oo! Naaalala ko na!" bigla kong nasabi sa sarili ko.

Umupo ako sa kama niya para maipahinga ang isip ko then may nahawakan ako sa ilalim ng unan niya.

Isang notebook.

Diary...ni best?

Binuksan ko yun agad  at binasa ang mga nakasulat dito.

My Bestfriend's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon