Chapter 02

718 32 0
                                    

2 days after, nakalabas na ako ng hospital. Wuh!

Si Mama at si Nelle ang sumundo sakin. Si Drew medyo busy siya sa studies niya kaya hindi na siya nakasama sa pagsundo.

Pagdating sa bahay inalalayan ako ni Nelle sa kwarto ko. Pagpasok namin sa kwarto ko parang lahat ng designs, mga gamit, pati posters sa wall ko ay kakaiba. KAKAIBA TALAGA. Though nagustuhan ko ang piano and guitar idea ng pagkakadesign ng mga gamit ko pero feeling ko di ako ang nagdesign. Hindi ko matandaan na inayos ko ang room ko ng ganito.

"May problema ba?" tanong ni Nelle. Napansin niya sigurong nanibago ako sa sarili kong kwarto.

"Ahm...wala. Feeling ko lang bago ang room ko. Pinalitan ba nila mama itong design ng room ko nung nasa hospital pa ako?"

Natigilan si Nelle sa pagtatali ng mga kurtina ng bintana. "Ah! oo nga pala. Baka sakaling makatulong sa recovery mo," sabi niya.

Umupo ako sa kama ko at pinagmasdang muli ang buong kwarto, "oo, sa tingin ko nga. Ang ganda ng design. Siguro si Drew ang nag-suggest kay Mama."

"Oo, siya nga. Lagi nga siya nangangamusta nung asa hospital ka."

*knock! knock! sabay bukas ng pinto*

"Nhima, nasa baba sina Jam at Ycka," sabi ni mama.

"Ok, ma. Magbibihis lang ako," mabilis na sagot ko. Tumayo ako at lumapit sa wardrobe ko para kumuha ng damit.

"Best, lalabas na ako ah. Ireready ko lang mga cookies na binake ko. Tumawag ka lang kung may kailangan ka a," paalam niya.

"Sige," nakangiti kong sagot. Cookies! Nagutom tuloy ako bigla.

Paglabas ni Nelle sa room ko ay binuksan ko na ang wardrobe ko. Mula sa loob ng wardrobe ay kumawala sa buong room ko ang kakaibang amoy ng perfume.

Mabango't malambot sa pang-amoy.

Pero teka..

Pamilyar siya eh.

Saan ko kasi naamoy ito?

____________________

Sa kitchen, nakita kong nagkukwentuhan sina Jam at Ycka habang si Nelle at mama ay busyng-busy sa harapan ng oven.

My Bestfriend's SecretWhere stories live. Discover now