Chapter 06

643 26 2
                                    

Umiiyak ako habang binabasa ang diary ni Nelle. Every page na matapos ko lalong dumadagdag ang sakit. At nang makarating ako sa last page... ito ang nakasulat:

Dec.20 - "Masaya na ang best ko sa buhay niya ngayon and for today, gusto ko ring maging masaya kaya dadalhin ko si Claire sa restaurant para mag-propose."

Parang sumikip ang dibdib ko nang mabasa ko yun. Kinabahan ako. Agad akong lumabas ng room ni Nelle at patakbong lumabas ng bahay nila.

____________________________

Kahit pa madilim na ay tandang-tanda ko pa ang itinurong daan sa akin ni Nelle.

Pagkadating ko sa magical wall ay inopen ko agad ang mailbox dahil ayokong magsayang ng oras. Hindi ko alam kung nakapagpro-pose na ba si Nelle kay Claire o hindi pa!

Pumasok ako sa gate...patakbong lumapit sa big old house. Nagulat pa ang ilang matatandang nagde-date nang biglaan kong binuksan ang pinto. Inikot ko ang paningin ko sa buong restaurant.

"Nelle!" sigaw ko. Wala akong pakialam kung pagtitinginan nila ako pero hindi ako tumigil sa kakatawag sa kanya hanggang sa napagod ako.

"Tapos na ba?" maluha-luha kong natanong sa sarili ko.

Naalala ko tuloy ng magbiro ako kay Nelle noon.

*flashback*

Me: Talaga? Birthday mo na sa 20? Pano ba yan feeling ko medyo bumabalik na memories ko!

Nelle: hay naku! Feeling ko late na para bumalik ang memories mo.

Umiiyak akong pumunta sa may fountain. Masakit man pero sa tingin ko tama nga si Nelle.

Huli na.

Tumayo ako sa gilid ng fountain at pagtingin ko sa tubig ay crystal clear kong nakita ang picture ni Nelle at ng gf niya.

This time totally bumalik ang mga memories ko.

Pero huli na.

Wala na si Nelle.

Inilabas ko na lahat ng sakit na nararamdaman ko habang nakatayo sa gilid ng fountain. Nung medyo okay na ako ay bumalik na ako sa loob ng restaurant para lumabas at makauwi na.

Pero kakalabas ko pa lang ng pinto ay nakasalubong ko si Nelle na papasok. Nakangiti siya.

"Uy, best! Anong ginagawa mo dito?" naka-smile niyang tanong.

Hindi ako agad nakasagot. Na-feel ko kasi na na-hurt ako nang makita ko siyang nakangiti after niyang magpropose kay Claire.

Kaya naisip ko rin na hindu ako magpapahalata sa kanya na bumalik na memories ko. "Ah wala. Napapasyal lang."

Super smile kong sinabi iyon sa kanya kahit deep inside parang mamamatay na ako sa sakit.

_____________________________

Niyaya niya ako ng kwentuhan sa garden ng restaurant. Umupo siya sa may damuhan pero ako, mas pnili kong tumayo sa likuran niya para just in case madaanan sa usapan ang gf niya, eh hindi niya ako makikitang mag-react ng sobra sa sakit.

Actually siya rin hindi ko nakikita facial reaction niya. Likod lang niya.

Siguro 5 mins kaming di nagkikibuan. Ang awkward sa feelin. Mag-oopen na sana ako ng topiv nang bigla siyang nagsabing, "birthday ko ngayon. Hindi mo ba ako babatiin?" ...sa medyo masayang tono.

My Bestfriend's SecretWhere stories live. Discover now