Chapter 03

647 26 0
                                    

Kinabukasan, while I'm taking my breakfast ay nag-ring ang cp ko. Pagtingin ko sa screen..

1 new message.

Naku! Sigurado akong si Drew na naman iyon kaya naman agad-agad kong chineck phone ko. Kaso pagbukas ko ng message, from 'Best q' ang nakalagay.

Si Nelle.

"Good morning best!" sabi sa text.

Nireplayan ko na lang siya agad ng "good morning din best!"

Akma ko pa lang na naisubo ang isang apple fries nang mag-ring ulit ang phone ko. Bilis naman ata niyang mag-reply?!

Nang i-open ko yung text niya, hindi ko naiwasang hindi mapangiti sa nabasa ko where in sabi, "Ui! tinawag niya ulit akong best!XD"

"Haha. Syempre, back to normal dapat!"

"TamaXD. Uhm, busy ka ba today?"

"Uhm, hindi naman pero tonight magdi-dinner kami ni Drew."

"Ah talaga? Happy trip aa.XD"

"Uhm uhm, thanks.:)"

After nun, hindi na siya nag-reply. Siguro busy na naman siya sa pagbe-bake ng cakes and cookies.

"Oh, Nhima! Gising ka na pala!" super smile na bati sa akin ni Mama pagpasok niya ng kitchen.

"Maaga kasing tumawag si Drew kanina. Excited yata sa date namin mamaya," biro ko kay mama.

Natigilan si mama sa sinabi ko, umupo sa tabi ko, ngumiti saka nagtanong ng, "mahal mo na talaga si Drew?"

Nakangiti akong nagtaka tsaka ako nagsalita, "Ofcourse ma. Hindi ba, gusto mo rin naman si Drew para sa akin?"

Hindi agad sumagot si mama, tinignan muna niya ako na para bang may iniisip. Nakakapagtaka tuloy.

"Why ma? Something's wrong? Ayaw mo na ba kay Dr--" natigilan ako nang mabilis na sumingit sa mama.

"Syempre gusto ko siya para sa'yo, aking Nhima," saka super ngiti niya akong niyakap!

 ___________________________________________

*ring! ring!*

"Yes, hello?" tanong ko.

"Nhima? Nakaalis ka na ba ng bahay?" sagot naman ni mama sa kabilang linya.

"Hindi pa ma. Wala pa si Drew eh?"

"Just text me pag paalis na kayo, ah? Huwag kayong masyadong magpapagabi. Mag-iingat kayo sa daan," sunud-sunod na bilin ni mama.

"Okay ma. Easy. Sandali lang kami," nakangiti kong sagot. Pagbaba ko ng phone ay narinig ko na ang kotse ni Drew. I picked my bag then lumabas na.

Bumaba sa kotse si Drew ng nakangiti. "Ready ka na?" tanong niya.

Si Drew talaga. Kailangan pa bang tanungin iyon? Ngumiti ako saka tumango. "Yup!"

Kumain kaming dalawa sa isang floating restaurant. Kahit hindi ko masyadong type, still nag-enjoy naman ako sa mga entertainers, musicians, dancers tsaka dancing group of mermaids sa gilid ng resto. Ang ganda nga ng performance eh at syempre, lalo akong nag-enjoy kasi kasama ko boyfriend ko.

My Bestfriend's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon