PROLOGUE.
Matapos ang napakalakas na ingay at ng nakakasilaw na liwanag.. wala na akong ibang matandaan.
Nang magising ako sa ospital parang ang daming nagbago.
Si Drew. Bf ko na lalong naging sweet sa akin. Siguro natakot siyang mawala ako nang tuluyan? Haha.
Anyway. 3 days daw akong tulog. Pero sa 3 days na iyon...
Si Mama may new hair style na.
Si Jham may bf na.
Si Ycka naman at si Jake break na.
Grabe. Ang weird? 3 days lang bongga na mga na-missed kong happenings sa kanila? Soooo weird!
Pero huwag ka. May mas weird pa sa mga yun.
Si Nelle. Ang guy na nasa tabi ko nang nagising ako sa kama ng ospital. Hindi ko siya kilala pero ang sabi ni mama... siya ang best best bestfriend ko.
Whaaaaat?
Best.....friend?
YOU ARE READING
My Bestfriend's Secret
Teen FictionAmnesia? Sino? Ako? Pwede ba. 3 days lang akong natulog tapos sasabihin nila sa aking may amnesia daw ako? Nakikilala ko naman si Mama, si Jham, si Ycka at boyfriend kong si Drew. Anong amnesia dun?