Bakit siya aalis bigla? Nagkalakas na nga ako ng loob para umamin, e! Tapos ayaw niyang pakinggan? Saan ba 'yon pupunta?


"Hoy bawal umalis! Madaya, hindi ka pa natatapatan ng bote!" Sigaw ni Justin pero tuloy tuloy pa rin ang paglalakad ni Ken papasok sa loob ng bahay.


"Hayaan na nga natin, baka magba-banyo," natatawang sabi ni Josh. "Ano ulit 'yung sinasabi mo, Athina?"


Tumayo ako at tumingin kay Stell. "Oo, Stell. Ikaw ang bias ko simula pa 'nung una. At oo nagkagusto ako sa'yo 'nung una lalo pa noong nakilala ko kayo ng ayos. Napalapit ako sa inyo, e."


"Pero narealize ko rin lately na si Ken pala talaga 'yung gusto. Kaya diyan na muna kayo, sundan ko muna 'yon." Huli kong sinabi bago umalis doon at sumunod kay Ken. Napansin ko pa ngang hindi makapaniwala 'yung reaction ni Sejun. Akala niya siguro ay si Stell pa rin ang gusto ko hanggang ngayon.


Hinanap ko si Ken sa loob ng bahay. Kinatok ko muna 'yung pinto ng kwarto niya bago 'yon binuksan pero wala namang tao.


"Nasa pool area siguro," sambit ko sa sarili.


At tama nga ako. Nando'n siya sa may kubo. Nakaupo lang siya sa upuan doon at nakasandal. Bumuntong hininga muna ako bago naisipang lumapit na sa kaniya. Kailangan ko ng lakas ng loob!


Oo aaminin ko na sa kaniya. Hindi pwedeng palagpasin ko pa ang pagkakataong 'to.


Umupo ako sa tabi. Nakapikit pa rin siya.


"Ken," kinulbit ko siya.


Hindi niya 'ko pinansin kaya tinawag ko ulit ang pangalan niya.


"Bakit ka ba nandito? Tapos na ba kayong maglaro doon?" Bigla niyang sabi.


"Hindi pa," sagot ko.


"Oh balik ka na doon. Alam ko namang mas gusto mong makasama 'yung bias mo." May kakaiba sa pagkakasabi niya no'n. Don't tell me nagseselos siya? Assuming na naman yata ako. 


"At sigurado naman akong mas gusto mong kasama 'yung taong gusto mo," dagdag niya pa.


Hala, akala niya ba ay si Stell ang taong gusto ko? You're wrong! Hindi mo kasi pinakinggan ang sinabi ko. Bakit kasi umalis kaagad, e!


Instead of telling him the truth, tumawa lang ako. Nakuha ko ang atensiyon niya kaya nakatingin lang siya sa'kin ngayon. Sure na ako, nagseselos siya talaga.


"Ikaw ang gusto ko."


Nakita ko naman ang pagkagulat niya. Halatang hindi makapaniwala sa narinig.


"I like you, Ken." Nilakasan ko ang loob ko para masabi 'to sa kaniya. "Si Stell ang bias ko pero ikaw ang gusto ko. Halos lately ko lang din narealize 'yon. Gusto ko nalang din aminin sa'yo kasi aalis na kayo, iiwan niyo na ako." A tear escaped from my eye.


"'Nung tinanong mo 'ko kung ayos lang sa'kin na maiiwan ako dito, s'yempre hindi. Kaya umamin na rin ako sayo ngayon para wala akong regrets. Ang mahalaga nalang ngayon ay nasabi ko sayo 'yung nararamdaman ko." Tuloy tuloy kong sabi.


Pinunasan niya 'yung mga luha ko. "Don't cry."


"Gusto din kita, Athina. Noon pa. Na-love at first sight nga yata ako sa'yo e," natawa siya. "Hindi ko lang alam kung paanong approach ba 'yung ipapakita ko sayo kaya hindi ko nalang pinahalata."


Oh my god! May gusto rin siya sa'kin? Totoo ba 'to?


Ang bilis ng pangyayari. He was about to kiss me, then everything went black.

__________


Hiiii~


So ayan malapit na pong matapos ang story na ito. Please keep on supporting me, thank you so much! 💙

Living With SB19Where stories live. Discover now