Kabanata 38

3.9K 75 4
                                    

Wings

"Ano ba nangyari?"

Bigla na lang tumahimik nang tanungin ko si Ate at Keith. 

I arched my left brow at them. Nagkatinginan pa si Ate at Keith tila nagdadalawang isip kung sasabihin sa akin ang totoo o hindi. 

Lumingon si Ate kay Earl, hindi komportable na naandito siya para sabihin ang kung ano man ang sikreto nila. 

"I'll just go outside." Tumango ako sa sinabi niya at iniwan na kami sa loob. Naupo si Keith sa upuan niya habang si Ate'y nakatayo lang. 

Pabalik balik ang tingin ko dalawa, inoobserbahan ang bawat galaw. Si Keith ay hindi na mapakali sa kinauupuan at parang natatae na 'di malaman. Si Ate Gladys naman ay mukhang walang pakealam sa mundo at pinagpapatuloy ang paghihiwa ng mansanas.

Nilapag ni Ate ang hiniwang mansanas at naupo sa dati niyang puwesto. Inayos ni Keith ang kanyang pagkakaupo at sinilip si Ate.

Napatitig ako sa mata ni Ate na ngayon ay sinusuri ako.

"Wala man lang bang welcome back?" Sumimangot ako nang iyon agad ang unang sinabi ni Ate.

"Ano ba kasing meron? Biglaan ang pag-uwi mo 'te at tsaka nakakakuryoso iyong tawag ni Keith sakin. And why the heck did Papa filed a case against Tito Dan? And what is that case all about?" Sunod-sunod ang naging tanong ko.

"Ano ba talaga gusto mong itanong?"

"Bakit nag-file si Papa ng kaso laban kay Tito?"

"Wow ah, 'di mo man lang itatanong kung bakit ako umuwi agad." Pagtatampo ni Ate.

Bahagya akong nainis doon at nang matanto ni Ate na pikon na ako, malapad siyang ngumisi.

"I think that has something to do with what's currently happening in the family?"

Napawi ang ngisi sa labi ni Ate at naging seryoso ito. She cleared her throat grabbed something in her pocket. Nilabas niya ang isang puting envelope na pamilyar ang itsura. She flipped the envelope to open it and saw the familiar handwriting of Mama even though I only see the back of it.

Ate Gladys handed me the paper. Nagdadalawang-isip akong kunin iyon dahil una, liham iyon ni Mama kay Ate at sa tingin ko'y eksklusibong mambabasa noon ay si Ate.

"You sure?"

Tumango ito bilang tugon bago ko kinuha ang sulat sa kanyang kamay.

The moment I opened the letter, my heart suddenly tightened. I didn't read the letter she wrote to me a few years ago after reading it. Ang sakit lang isipin na mayroon akong pagkakamali noon na ngayon ay ayoko ng balikan pa.

Now that I am seeing her handwriting, parang sinasaksak ang puso ko.

I carefully read each line of her letter.

To: Ate

The moment you took the responsibility of taking care of your siblings, not a single moment passed that I didn't felt the pride and joy of having you as my daughter. I am happy you understood why I left. I am happy you stayed silent despite of your siblings asking you what happened to me. I'm sorry I burdened you.

I know you saw what your Tito Dan did to me. It may look unfair to my side but know that I don't want to meddle with your father's family. Ayoko rin maapektuhan ang credibilidad ng Papa mo sa pamilya at sa paglilingkod bilang Pulis. I chose to distance myself because I wouldn't be at peace when I always see your Tito.

Ayoko na ng gulo kaya lumayo ako. I thank you for understanding what I've been through. It wasn't an easy journey of healing. Palagi akong sinasamahan ni Pablo sa pag-the-therapy sa Australia. Hindi naging madali ang pinagdadaanan ko pero mas lalong hindi ko masikmuraan ang ginawa ko para sa inyo. Lumaki kayong walang ina. Gustuhin ko mang bumalik na lang sa dati at hindi na pinahalagahan ang sarili ko'y hindi kayo magdurusa ng ganto.

War of HeartsWhere stories live. Discover now