Kabanata 24

3.1K 66 0
                                    

Frustrated

"Naghanda pa naman ako ng baked mac!" Halatang dismayado ang tono ni Aenna dahil sa balita ko.

"Kinuwento ko naman sa'yo ang tungkol kay Mama. E alam mo naman 'yon, mapilit?" I rolled my eyes while driving. Nasa slex na ako pauwi ng Sta. Rosa. Na naman.

"I understand pero... ugh!" She's already frustrated. Pinakita niya sa akin habang kami'y naka video call kung gaano kadaming baked mac ang niluto niya para sa aming dalawa.

"Why don't you invite Ellaine?" I suggested one of her friend in college to accompany her.

"Nasa Ilo-Ilo siya." Tamad niyang sabi.

I smirked at the idea that strucked my mind.
"How about your ex?"

I took a glimpse of her reaction on what I said. She's scowling. Para niya akong papatayin sa tingin niya pa lang.

"Past is past Lala. Ayaw ko na do'n."

"Weh ba? 'Di ako naniniwala. Huwag kang ano Aenna. Marupok tayo." I laughed so hard that I almost forgot I'm driving! Geez. Malapit na ang Sta. Rosa exit kaya lumipat ako sa gilid na lane.

"Baka ikaw." Paratang niya.

"Kaya nga ang sabi ko tayo. Marupok tayong magkakaibigan." I said as-a-matter-of-fact.

"Ba't ba tayo napunta sa usapan na 'yan! Nagtatampo akong wala ka rito."

"Sorry na po. Babalik naman ako bukas kaya pagtira mo na lang ako. Mas masarap kapag pangat na."

"Whatever you say."

"Oo nga pala. Ano ng balita sa trabaho mo?" I suddenly wondered.

She's jobless the last time we saw each other. Hindi ko nga alam kung tama bang tinanong ko siya sa bagay na 'to. Though I want her to be open to me. Wala na naman siyang ibang malalapitan kundi kaming dalawa ni Cha at si Ellaine.

"May ospital na nag-o-offer sa akin sa Laguna. I think I'll apply there for the mean time."

"Saan naman sa Laguna? Sa atin?"

"Yeah. I received an email on one hospital. They'll interview me next week."

"That's good. At least may trabaho ka. Paano na yung condo mo?"

"E'di wala ka ng matatambayan." Her tone was laced with sarcasm.

I frowned. "Seryoso? Ano ba 'yan! Mas okay na palang sa Maynila ka na lang." Reklamo ko.

She laughed at my small tantrum.

"May malaking penthouse naman si Earl." I saw her smirked.

"I don't want to disturb him."

"Hindi mo na siya kailangang istorbohin. Siya na mismo ang lumalapit sa'yo 'di ba?" Pangungutya niya.

My face heat up. Hindi ko na pinakita sa kanya ang namumula kong mata at pinagtakpan na lang iyon ng galit.

Mabuti na lang at ako na ang susunod sa toll gate.

"Nasa Sta. Rosa na 'ko. End call ko na." I said to finally stop our conversation.

"O sige. Mag-ingat ka."

"Ikaw din." I said as she ended the call. Saktong pagbaba niya'y ako na ang sunod.

Kinabahan muli ako nang matantong pauwi ulit ako. Before, our house used to be my safe haven. Now, it felt like hell knowing that she's there waiting for me.

Dumaan ako sa simbahan ng saglit para magdasal. Sa likod na lang ako nagdasal para deretso alis agad. Nang lumabas na akong simbahan, sinalubong agad ako ng hangin. Kahit tirik ang tanghaling araw, malamig pa rin sa balat ang simoy ng hangin.

War of HeartsWhere stories live. Discover now