''Chapter 9''

5 0 0
                                        

Ayesha pov

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Kung ganun pala kilala na nila si papa at mama dati pa. Kaya pala siguro kinaibigan nila ako.

Tinatawag ako ni papa at mama pero hindi na ako lumingun at tumakbo ako papalayu at sumakay sa kotse.

Ano bang nagyayari sa akin bakit ako nasasaktan sa nakikita ko? Bakit ako nagseselos?

Ni minsan hindi ko nakita si papa at mama na tumawa ng ganun ngayon ko lang sila nakitang naging masaya.

Hayyst ano ba ayesha bakit ka umiiyak! Kasalanan mo rin to ayesha hindi ka naging mabuting anak at mas pinili mo pang iwan sila.

Ma'am nandito na po tayo sa mansyon.

Huh? Ah sige bababa na ako.

Hindi ko namalayan naka uwi na pala ako.

Pinuntahan ko sila kasi gusto ko sanang mag labas ng sama ng loob sa kanila pero hindi ko akalaing yun ang makikita ko.

Ayesha?

Grandpa?

Bakit umalis ka nang walang paalam?

Sorry po grandpa.

Wag mo na sana tong uulitin.

Opo grandpa.

At isa pa sabi ng butler mo nakita nya sa bahay ng mga kaibigan ang papa at mama mo.

Gusto kong simula ngayon hindi kana makikipag kita sa mga kaibigan mong yun lalo na sa mga magulang mo.

Ano po? Grandpa?

Ako ang pinili mo diba? Kaya susundin mo ang lahat ng pinag uutos ko.

Nag kakaintindihan ba tayo ayesha?

Yes po grandpa.

Mabuti naman at nag ka kaintindihan tayo, Hindi ka mag sisisi Apo na ako ang pinili mo dahil ikaw ang magiging tagapag mana ng lahat ng kayaman ko at pati narin ang Salvador financial Company.

Tama ang iyong disesyon hindi katulad ng iyong pasaway na ama.

Sundin mo lang lahat ng gusto ko apo at maganda ang iyong magiging kinabukasan.

Opo grandpa. Tugon ko naman pero bakit parang may lungkot akong nararamdaman.

Hindi ko parin makalimutan ang nakita ko kanina na kahit kailan di ko pa nararanasan sa mga magulang ko.

Paano ko mararanasan lahat ng yun kapag nag lalambing sila sa akin palagi ko nalang silang sinisigawan at itinataboy.

SA WELSON UNIVERSITY

hindi ako makapaniwala subrang sikat ko na hindi pa ako pormal na ipinakilala ni lolo pero ang dami nang mga medya ang nag aabang para ma kunan ako ng larawan at ma interview buti nalang may kasama akung mga butler ni grandpa.

Ang sarap sa pakiramdam ang tingalain ka sa maraming tao hindi ako nag ka mali sa pag pili ni Grandpa dahil matagal ko na tong pangarap.

Unti unti ko naring nakakalimutan ang nakita ko kagabi dahil sa nangyari ngayon subrang saya ko.

Noon kahit sinasabi kong anak ako at apo ng may ari ng Savador financial Company marami parin ang di na niniwala pero ngayon para akong celebrity lahat ng mayayaman gustong makipag kaibigan sa akin.

Papalabas na ako ngayon sa University buti nalang wala nang masyadong taga media hayyst nakaka pagod din maging sikat grabee.

Anak ko?

Mama bakit ka nandito?

Anak gusto lang kitang makita.

Ma'am alalahanin nyo po ang sinabi ng lolo mo bawal kang makipag usap sa mga magulang mo.

Opo. Tugon ko naman doon sa butler ni grandpa.

Anak miss na miss na kita ito oh may niluto ako para sayo paborito mo adobo.

Mama pwede ba pagagalitan ako ni grandpa kaya umalis kana.

Anak.

Ano ba sabing umalis kana! Sigaw ko sabay tapon sa ibinigay nyang pagkain.

Nakita kong umiyak si mama ,lalapitan ko sana sya pero pinasakay na ako ng butler ni grandpa.

''Nightmare''Where stories live. Discover now