Ayesha POV
Papasok na ako ng bahay narinig kong sinabi ni papa na di ko raw dapat malaman.
Nung tinanong ko naman sa kanila di sila halos makapag salita na parang subrang laking secreto ang di ko dapat malaman.
Di na ako nakatiis ng tinanong ko sila ayaw naman sumagot kaya padabog naman akong umalis sa bahay mag lakad lakad na muna ako sana naman makita ko yung tropa ko mayayaman sila pero di sila katulad ng iba mas gusto nilang makipag kaibigan sa tulad ko kaya masaya ako kapag kasama ko sila subrang galanti pa sa kanila galing lahat ng mga mamahaling mga gamit ko buti sana doon din sila nag aaral sa Welson University para di na ako mag papanggap kasi kilala nila kung sino ako pero di rin naman nila sinasabi sa iba na mahirap lang ako sakatunayan pa nga tinuturing nila akong Prinsesa.
Prensesa Ayesha!
Hoy! Jasmine kumusta kana ba.
Mabuti naman at nakita ko ang katropa kong si jasmine Lee subrang magandang babae kaso subrang lakas kung tumawa daig pa nito ang lalaki kung tumawa grabe.
Prencess Ayesha bakit parang subrang badtrip ka ngayon? Anong nang yari?
Hayyst! Nakakainis kasi sila mama at papa alam mo bang may pinag usapan sila tapos narinig kong sinabi ni papa na di ko raw dapat malaman tapos tinanong ko sila kung anong pinag uusapan ni isa walang sumagot sa kanila kaya subrang nakakainis!
Ayesha wag kang masyadong worst sa mga magulang mo tandaan mo sila parin ang dahilan kaya ka nabuhay sa mundong ito kaya kung pwede wag kang ganyan nakaka stress ka naman.
Jasmine pinag tatanggol mo ba sila? Ako kaya ang katropa mo rito.
Oo nga pero mali naman kasi yang ginagawa mo di ka ba naaawa sa kanila ginagawa nila lahat para sayo tapos ganyan ka lang sa kanila.
Hayysst badtrip naman oh pinagalitan mo naman ako! Mas lalo tuloy akong naiinis.
Nako tumigil ka dyan alam ko naman kung anong makakapag pangiti sayo.
Nung sinabi ni jasmine unti unti nang nawala ang pag ka inis ko dahil alam ko na kung anong ibig nyang sabihin.
Oh ito regalo ko sa birthday mo diba ito yung gustong gusto mo limited edition pa ang scarf na yan sigurado ka iinggitan ka ng mga kaklase mo nyan kaya wag mo nang susungitan yung parents mo huh..
Oo na sige gagawin ko thank you talaga sa regalo mo jasmine the best ka talaga muahhh.x
Yakks! Ewwss! Bakit mo ba ako hinalikan kadiri ka talaga.
Hahaha masaya lang ako kasi binigyan mo ako ng limited edition na scarf subrang saya ko talaga.
Hi Ayesha!
Oi... Raffy! Buti naman pumunta ka dito sa tambayan natin buti naman naalala mo ang kaarawan ko.
Oo naman hindi ko ma kakalimutan ang birthday nang crush ko.
Sya si Raffy ang kapatid ni jasmine gwapo matanggad at super bolero kung di ko lang alam na maraming jowa tong si Raffy sigurado nasama narin ako sa mga naging babae nito.
Ito gift ko sayo.
Oh my God! Oh my God susi ito ba yung kotse na pinapangarap ko?
Oo ano masaya kana? Para di kana nanghihiram sakin ng sasakyan bagong labas yan buti nalang tinuruan kana naming mag drive para di mo na sasabihing driver mo lang ang papa mo.
Raffy naman alam mo naman ang situation ko diba?
Oo pero di ko parin gusto na ikakahiya mo sya sa maraming tao mabuting tao naman ang papa mo.
Paano mo naman na laman diba ayaw nyo ngang ipakilala ko kayo sa papa ko?
Ahh! Ano kasi sa mga keno kwento mo doon ko nakilala na mabait ang mga magulang mo.
Kayo lang ang nababaitan.
Tumigil na nga kayo wag na kayong mag away.
Alexa?
Yes! Im back!
Alexa Norm ang pinaka kikay sa tropa namin subrang galanti wagas kong mag bigay kaso palaging may kapalit.
Hi ayesha happy birthday! Here's my gift for you. I hope you like it.
Ano to? Wow! Ang ganda ng kwentas nato at may diamond pa sa gitna subrang ganda.
Mahal yan at totoo yan ingatan mo yan dahil ang halaga nyan ay isang milyon.
Ano isang milyon?
Oo subrang mahalaga yan dahil galing yan sa mga Royal family kong meron ka nyan titingalain ka ng lahat ng mayayamang ka klase mo.
Hindi ako makapaniwala kung ganun pala ito ka halaga bakit mo ito binibigay?
Dahil birthday mo at dahil may kumausap sakin iniimbitahan ka nya gusto ka nyang personal na makausap.
Sino?
Makikilala mo sya pag sumama ka sakin.
Parang kinakabahan ako na sinabi ni Alexa di ko maipaliwanag ! sino kaya ang gustong kumausap sakin?
JE LEEST
''Nightmare''
FantasyHow can a Nightmare of truth and a tragic event change the behavior of a wicked and deceitful child? Ayesha Mae Salvador is the daughter of a janitor and a laundrywoman who lives in Aseras. She is ashamed of and disrespects her parents, abandoning t...
