''Chapter 8''

7 0 0
                                        

Grandpa wag! Hayaan nyong ako ang kakausap sa kanila.

Papa! Mama! Umalis na kayo! Hayaan nyo na ako! Mas masaya ako dito.

Mas gusto kong tumira dito! Intindihin nyo naman ako matagal ko nang pangarap ang ganitong buhay kaya please umalis na kayo.

Anak hindi mo ba talaga kami mahal ng papa mo? Pagtatanong ni mama habang umiiyak.

Hindi ako nakasagot hindi ko alam ang sasabihin ko.

Kung yan ang makakapag pasaya sayo anak.... hahayaan ka namin sa gusto mo.

Lage mong tatandaan mahal na mahal ka namin ng papa mo.

Umalis na sila papa at mama habang umiiyak.

Hindi ko napigilang napaluha parang na gi guilty ako pero mas gusto ko parin ang buhay ko kasama si grandpa.

Raffy POV

Nasaksihan ko lahat ng pangyayari hindi ko akalaing magagawa to lahat ni Ayeszha sa kanyang mga magulang.

Ayesha Mae Salvador, mahal kita kaya binibigay ko lahat ng gusto mo pero hindi ko akalaing ganyan ka sa mga magulang mo.

Subrang naaawa ako kay tito Robert at tita Cora, hindi alam ni Ayesha na kilala ko ang kanyang mga magulang.

Si tito Robert ang bestfriend ng daddy ko, si tito Robert ang tumulong sa amin na maipagamot si daddy noong time na naghihirap pa kami.

Bago namatay si daddy dahil sa  Cancer binigyan kami ni tito Robert ng Pera para makapagpatayo kami ng negosyo.

Subrang bait ni tito robert tinulungan parin nya kami kahit yun lang din ang perang dala nya nong tumakas sila sa poder Ni Mr. Benjamin Salvador ang ama ni Tito Robert.

Dalawang taon na ako noun at si ayesha naman ay isang taon hindi ko nakakalimutan si tito Robert dahil parati syang kinukwento ni papa at ipinapakita nya sa amin ang larawan nito kasama si daddy.

Hindi ko namalayan ay nalagpasan na pala ako ni tito Robert at tita Cora.

Nagmamadali akong lumabas sa kotse at tinawag ko si tito.

Tito Robert! Pagmamadaling tawag ko sa kanila.

Napalingun sila at halatang umiiyak.

Subrang naaawa ako sa mga magulang mo ayesha bakit di mo makita ang halaga nila.

Ako po ba ang tinawag mo? Pagtatanong ni Tito Robert Habang pinupunasan ang mga luha nya na patuloy paring umaagos.

Opo, ako po si Raffy anak po ako ng matalik mo pong kaibigan si Danny Lee.

Raffy? Ikaw na ba yan ang laki laki mo na. Masayang tugon ni tito Robert habang yumakap sa akin.

Kumusta na si Danny? Pagtatanong ni tito.

Bigla akong nalungkot sa tinanong ni tito.

Wala na po si daddy tito. Tugon ko na may halong pagkalungkot.

Im Sorry Raffy kong wala ako sa tabi nyo para damayan ang daddy mo.

Wala po kayong kasalanan dahil po sa ibinigay nyong tulong kaya po nakabawi po kami nag patayo po ng negosyo si mommy isang Restaurant at subrang laki ng kinikita namin at dahil po yun sayo tito maraming salamat po.

Walang anuman Raffy, para ko naring kapatid ang daddy mo.

Tito Robert at tita Cora sumama po kayo sa akin bukas po ang bahay para sa inyo kung anong meron sa amin ay dahil po yun sa inyo kaya ang pagmamay ari namin ay sa inyo rin po.

Ituring nyo rin po akong tunay na anak kaming dalawa po ng kapatid ko si jasmine.

Maraming salamat Raffy pero hindi na kailangan. Pagtatangi ni tito.

Hayaan nyo po sana akong masuklian ang mga kabutihan nyo sa amin tito wala rin naman kaming kasama ni jasmine sa bahay dahil naka pag asawa si mommy ng isang mayamang negosyante at sa Canada na po sila nakatira.

Please po kayo narin ang nag sabi para nyo naring kapatid si daddy kaya sana po hayaan nyo pong maging anak ako ninyo at maging magulang ko po kayo matagal ko na pong inaasam ang magkroon ng mga magulang na kasing bait nyo.

Ang swerte po ni ayesha sa inyo pero hindi ko po alam kung bakit hindi nya kayo pinapahalagahan.

Please po pumayag na po kayo sa alok ko.

Dahil mahalaga sa akin ang daddy mo sige pagbibigyan kita raffy at syanga pala nakalimutan mo na ba tito daddy ang tawag mo sa akin noun dahil inaanak kita.

Ganun po ba sige po simula ngayon tito daddy at tita mommy na ang itatawag ko sa inyo.

Tumango nalang sila at tumawa, buti nalang at napasaya ko sila kahit alam kong sa puso nila nasasaktan sila ng dahil sa mahal nilang anak.

SA BAHAY NILA RAFFY AT JASMINE

Welcome po Tita Cora at tito Robert ako po si jasmine kaibigan rin po ako ni ayesha.

Maraming salamat sa inyo hindi namin akalain na ang anak ng matalik naming kaibigan ay kaibigan din ng nag iisang anak namin.

Feel at home po tita mommy at tito daddy, welcome po sa bahay natin.

Maraming salamat Raffy.

Tamang tama po tita at tito kakain na po tayo nag luto po ako first time ko pong mag luto ngayon.

Nako nag abala ka pa pwede naman ako mag luto talaga po sige po sa susunod mag papaturo po ako sa inyo tita.

Talaga bang nag luto ka jasmine?pag tatanong ko.

Oo naman ni research ko pa yan raffy bwahahaha.

Nako ikaw talaga ang lakas mo talagang tumawa para kang di babae.

Tita mommy oh si raffy tinutukso ako para daw akong di babae.

Nako pano ka naman di magiging babae ang ganda mo kaya. Tugon ni tita.

Sabay kaming tumatawa ng may biglang narinig kaming kalampag sa pintuan si ayesha?

Ano kaya ang ginagawa nya rito halata sa mukha nya ang pag tataka.

Ayesha? Sabay naming bangit sa pangalan nya.

Mama? Papa? Tugon ni ayesha at bigla syang tumakbo papaalis.

Ayesha? Anak!

''Nightmare''Where stories live. Discover now