Sino sya Ayesha bakit ka nya tinatawag na anak?
Ah...ano kasi...
Ayesha Mae Salvador wag kang mag sinungaling! Sino sya?
Ah.. si aling Cora sya yung sinasabi ko sayo na tinulungan ko.
Ah ganun ba pakilala mo naman sya sakin?
Ah.. aling Cora si Athena Welson ang anak ng may ari ng pinapasokan kong University.
Hi po magandang araw ma'am athena ikinagagalak ko po kayong makilala.
Ngumiti si aling cora habang namumutla at may bahagyang luha ang kanyang mga mata.
Aling Cora ok lang po ba kayo namumutla po kayo at tsaka umiiyak ka po ba?
Hi...hin...hindi po masaya lang po ako kasi tunulungan ako ni Ma'am Ayesha kaya ko sya hinabol kasi mag papasalamat sana ako dahil sa ginawa nya sa pamilya ko.
Ganun po ba ang bait mo naman pala sa mahihirap ayesha, alam mo total mag ka klase naman tayo baka pwedi tayong maging mag kaibigan.
Talaga Athena? salamat athena.
Welcome! Sama mo ako minsan sa mga Charity events mo huh?
Huh? Ahh.. medyo busy kasi ako actually ito sana yung last visit ko sa charity event ko kasi marami akong ginagawa lalo na't may ari ang daddy ko ng Salvador financial Company alam mo naman kapag nag iisang anak.
Ganun ba sige sabihan mo nalang ako kapag di ka na busy.
Yes Sure, Athena.
Sige alis na ako may pupuntahan lang ako.
Bye Ayesha and bye aling Cora.
Bye Athena see you later.
Bye po ma'am athena.
Salamat naman! Buti nalang naka alis na si Athena!
Anak bakit mo ba ako kina kahiya? Pag tatanong ng kanyang ina habang dahan dahang napaluhod sa harapan nya at umaagos ang mga luha na kanina pa nya pinipigilan.
Mama naman alam mo naman na si Athena ang anak ng may ari ng Welson University.
Alam mo naman na pag malaman nila na mahirap lang ako. Na janitor lang at labandera ang mga magulang ko pag tatawanan nila ako at kahit kailan hindi nila ako matatangap!
Anak kahit mahirap tayo meron paring tatanggap sa atin kung maging totoo lang tayo sa sarili natin.
Kahit kailan hindi nyo naman ako na iintindihan! Nag sisisi ako na nabuhay pa ako sa mundong ito kasi puro paghihirap nalang parati ang nararanasan ko sa piling nyo! Bakit kasi kayo pa ang naging mga magulang ko pagud na pagud na ako!
Pasigaw nyang sabi sa kanyang ina habang nag dadabog.
Anak bakit ka lumaking ganyan hindi kita tinuruang maging bastos..ano ba ang pag kukulang namin sayo? Lahat ginawa namin para masunod ang gusto mo..pero wala paring halaga sayo kaming dalawa ng papa mo.
Saad ng ina ni ayesha habang Umiiyak at unti unti itong nanghihina at nawalan ng malay.
Mama? Mama anong nangyari sayo? Nako anong nangyari kai mama bakit nawalan sya ng malay at subrang namumutla na sya.
Mama? Anong gagawin ko? mama? Tulong! Tulong! Tulong! Hinimatay ang mama ko tulong! Mama gumusing ka ! Tulong!!!!
YOU ARE READING
''Nightmare''
FantasyHow can a Nightmare of truth and a tragic event change the behavior of a wicked and deceitful child? Ayesha Mae Salvador is the daughter of a janitor and a laundrywoman who lives in Aseras. She is ashamed of and disrespects her parents, abandoning t...
