"Let's eat." Tita Laura said.

Mas lalo akong nagulat at napa atras nang sabay sabay nila akong inabutan ng pagkain. What the hell? Even Tito Ade and Kuya Red ay nagabot din ng pagkain sa akin. As in all of them!

"Ah?"

Kuya Luke coughed at siya na mismo ang nag lagay ng pagkain sa plato ko.

"Just eat. She can handle." Kuya Luke said to them at umubo ito ulit.

"Bakit ang weird niyo?"

"Nagalala lang kami sa'yo kanina. Nawalan ka kasi ng malay." Sagot ni Luther.

"Ah, 'yun ba? Okay na ako. Huwag niyo na po akong isipin. Kain na rin po kayo."

They started to eat at nabibingi ako sa katahimikan. Tumahimik nalang din ako at inubos ang mga pagkain na nilagay ni Kuya Luke sa plato ko.

"Is it delicious?" Biglang tanong niya sa akin.

"Yep. Did you cook all of these?"

I stared at the other foods at lahat sila ay mukhang masarap.

"Yes. It's good that you like it."

"I always love your food."

Sobrang sarap kasi talaga magluto ni Kuya Luke. He said that he wants to be a Chef someday pero hindi 'yun ang pinupursue niyang career. Pero kahit hindi naman siya magaral ng culinary ay sobrang sarap pa rin ng luto niya. He is like a real chef.

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso kami sa living room. Luther turned on the television at nanood kami ng movie. I'm with Kuya Luke, Kuya Raine, Kuya Red, Ritsumi, Luther and me. They are all drinking beer in can habang ako naman ay root beer lang. I can't drink because Kuya Raine doesn't want to. KJ niya!




"This movie is funny." Tumatawa na sabi ni Ritsumi.

"Anong nakakatawa riyan? Wala naman." Masungit na sabi ni Luther sakaniya.

"Malalim lang ang kaligayahan mo, Ther." Kuya Red said.

"Does the movie funny, Rej?"

I looked at Kuya Raine when he asked me. Binalik ko ulit ang paningin ko sa malaking flat screen nila Kuya Luke atsaka ako ngumiti nang bahagya.

"It's funny." Pilit na sabi ko.

It's true that the movie is funny but I can't laugh. Kanina ko pa gustong tumawa pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang may kung ano kasing mabigat ang nakadagan sa dibdib ko. I feel sad and empty. But why would I feel that, right? I am fine. Everything is fine.

I focused myself watching and forced myself to laugh. Inabutan ako ng chips ni Kuya Luke at nanlaki ang mga mata ko nang isandal niya ang ulo niya sa balikat ko. I felt my body stiffened because of his action.

Okay, he is my crush so I am affected. I've been watching movies with him before but this is the first time he did this to me. Anong meron?

Pinabayaan ko na lamang siya at kumain ng chips na binigay niya. Dinig na dinig ko ang halakhakan nilang lahat at pati ako ay natatawa na rin talaga. Hindi dahil sa pinapanood ko kung 'di dahil nakakatawa ang tawa ni Ritsumi. Para siyang kambing na ewan.

Nang matapos ang movie ay nanood pa kami ng isa pa. Titanic ang pinanood namin and I cried so hard nang manatay si Jack. Inabutan ako ng tissue ni Kuya Luke at panay pa rin ang agos ng luha sa mga mata ko.

"Are you okay?" He whispered to my ears and I felt his hand on my hand. What the hell again?!

"I-I'm fine. Nakakaiyak lang." I answered.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now