Pinag hahampas ko ang dibdib niya. Para akong pinapatay! Ang malaman ang tunay na dahilan na pagkamatay ng mga magulang ko ay sobra sobra na para dagdagan niya pa!

"I'm sorry."

"Sorry?! 'Yan nalang ba ang sasabihin mo?! After everything, 'yan lang?! I don't deserve that!"

"Jowana didn't deserve what happened to her too! Now, get the fuck out of this house and don't you ever show yourself to me! We're done!"

Kinuha niya ang bag ko mismo kay Kuya Luke at tinapon niya sa labas. Nang makapasok siya ay hinila niya ang braso ko at kinaladkad papalabas ng gate.

"Ryoga!" Awat sakaniya ni Kuya Luke na nakasunod sa amin.

He pushed me and I fell on the floor. Umiiyak pa rin ako habang hinahabol ang hininga ko. Nilapitan ako agad ni Kuya Luke at inalalayan.

"Jayd, drive the car. Rej, let's go."

Tinayo ako ni Kuya Luke at binuhat papuntang sasakyan. Pinagbuksan kami ni Kuya Jayden at pinasok ako ni Kuya Luke sa loob at tumabi sa akin. Kuya Jayd went into the car and started to drive.

Walang humpay sa pag tulo ang mga luha ko. Naramdaman ko ang kamay ni Kuya Luke sa kamay ko and he is comforting me. Pero kahit anong pagcocomfort pa yata ang gawin niya ay hindi mababawasan ang pighati ko.

Para bang binalik ako sa bangungot na nalayasan ko na noon. Ang kaso may panibagong bangungot nanaman akong kinahaharap. At 'yun ang ipag tabuyan ako ni Kuya Ryoga at malaman ang tunay niyang nararamdaman para sa akin. He doesn't love me. He is just doing what he promised to me.

Paano niya nakayang pakisamahan ako nang may galit siya sa akin dahil sa nangyari sa girlfriend niya noon? How did he manage to get along with me all this time? Ako ang sinisi niya noon, at ako pa rin ang sinisisi niya hanggang ngayon.

Buong byahe ay para akong pinapatay habang iniisip ang lahat. Tahimik lamang akong umiiyak habang magkahawak kamay pa rin kami ni Kuya Luke. I feel so dehydrated with all the tears coming out from my eyes. They won't just stop.

"We're here."

Hindi ako gumalaw kahit pa nagsalita si Kuya Luke. Parang naparalize ang katawan ko at wala akong maramdaman na kung ano.

"Rej, nandito na tayo. Bumaba na tayo." He said again and I manage to look at the window.

It's their house. Nasa bahay nila kami. Binitawan ko ang kamay ni Kuya Luke at bumaba ako ng kotse. I walked like a dead person going inside their house.

Nang makarating ako sa living room, I immediately saw Kuya Raine sitting on the couch habang katabi si Tita Laura at Tito Ade.

"Rej." Tawag sa akin ni Luther pero hindi ko siya pinansin. Napako lamang ang paningin ko sa Kuya ko.

"Reginy." Kuya Raine said and he immediately stood up.

Lumapit siya sa akin at sinalubong ako nang mahigpit na yakap. Bumagsak ulit ang mga luha ko when I felt his warm hug. This is what I want now. He is what I need.

"K-Kuya." Umiiyak na sabi ko at yinakap ko siya pabalik nang mahigpit.

"Where have you been?!" He asked nang humiwalay siya. Pinunasan niya ang mga luha ko at pati siya ay umiiyak na rin.

I looked at Tito Ade and Tita Laura who are looking at me too. I suddenly remember my parents and how they were killed. Muli kong tinignan si Kuya Raine at mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko.

"I'm sorry for what I've said. Hindi mo lang narinig ang lahat. I love you and you are my sister. I can't let you go that easily, Rej. Mahal na mahal kita."

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now