Chapter 1 - Rain

17 0 0
                                    

Malakas ang buhos ng ulan sa labas, diretso lamang ang titig ko dito nawawala ulit sa aking isipan na tila ba tinatangay ako papalayo ng aking isipan. Huminga ako ng malalim nang marinig ko ang rigntone na nag mumula sa aking cellphone na nakapatong lamang sa kama ko lumapit ako dito at tinignan ko kung sino man iyong nagpadala ng mensahe sa akin. Oh, it's one of my friends

"Malakas ang ulan Nance, papasok ka ba?" huminga muli ako ng malalim nang mapagtanto ko muli ang malakas na buhos ng ulan. Mag titipa na muli sana ako ng panibagong message nang tinawag na ako ng aking ina

Dali dali akong bumaba at dumiretso sa kusina tumambad sa akin ang mga nakahain na pagkain sa hapag kainan

"Kumain ka muna Nancy para diretso diretso ka nalang," paanyaya sa akin ni mama, hindi ko nalang tinugon ang kanyang sinabi basta kumain na lamang ako

Tahimik lamang ang paligid habang tuloy tuloy pa din ang buhos ng ulan sa labas na tila ba hindi na matatapos itong malakas na ulan

"Malakas ang ulan Nancy, gusto mo bang ihatid kita papunta sa eskwelahan mo?" tanong sa akin ni mama at sa puntong iyon napatingin ako sa kanya diretso sa mga mata niya

"Sure, malakas ang ulan baka kung anong mangyari sa akin sa labas" sambit ko na lamang saka ko itinuon nalang ang pansin sa aking kinakain

Matapos kumain ay dire diretso na pumunta sa aking kwarto para kumuha ng damit na susuotin ko at para makaligo na din ako. Nang makuha ko na ang damit na susuotin ko pumasok na ako sa loob ng banyo, hinubad ko na lahat ng damit ko and I made sure the temperature of the water is cold even though it's already a cold weather because of the hevay rain, gagawin ang lahat para sa kaligtasan ko kahit sobrang ginaw talaga. Dahan dahan kong binuksan ang shower at dahan dahan ko din nilapit ang balat ko sa tubig, ramdam ko ang lamig ng tubig kaya tiniis ko na lamang at sinama ko na din ang buong katawan ko. Binilisan ko nalang ang pag ligo ko baka kung ano pa mangyari sa akin kapag nag tagal pa ako sa tubig. Hindi rin nag tagal ay lumabas na din ang allergy reaction ko sa tubig, ramdam ko ang hapdi sa balat ko at ang pamamantal, sabay pa nito pamumula ng mga pantal na nag kalat sa buong katawan ko

Kinuha ko ang aking gamot at nilagay ko ito sa aking balat para agad na mawala ang pamamantal at hapdi nito sa aking balat, after 30 minutes of applying it on my skin at natuyo na ang balat ko nawala na ang pamamantal at hapdi ng balat ko saka doon na ako nag bihis ng aking damit, inihanda ang sarili sa pag pasok ng eskwelahan. Matapos ang lahat na pag iingat na ginawa ko na involve ang tubig bumaba na ako at doon ko na inayos ang mga gamit ko na

"Nancy anak, sigurado ka bang hindi ka lilipat sa dorm ng University niyo?" tanong muli sa akin ni mama kaya napatingin nalang ako sa kanya

"Sigurado na ako at saka isa pa sino mag dadala sa akin sa ospital kung sakaling lumala yung kundisyon ko" katwiran ko at saka binalik ko ang atensyon ko sa pag aayos ng aking nga gamit

Bumuntong hininga si mama bago pa man siya makapag salita, "nandyan naman mga kaibigan mo. Si Gwyniera, alam naman yata niya tungkol sa kundisyon mo sigurado ako na madadala ka niya sa ospital kapag nangyari iyon,"

"Pero hindi niya alam kung nasaan ang ospital na iyon at hindi niya kilala ang doktor na tumitingin sa akin. So that explains why I can't leave this house and besides I can't leave you too because you're going to be alone here, kuya Raven wasn't here and ate Vittoria is in Italy studying" sambit ko na lang saka sinuot ang kapote ko, kahit naka turtleneck ako ay kailangan ko ng doble proteksyon mula sa tubig ulan dahil mas sensitive ako dito kesa sa ibang uri ng tubig

"Wag mo na ako alalahanin pa Nancy, isipin mo naman ang iyon sarili. Isipin mo nalang mas mapapadali ang pag punta mo sa University niyo lalo na kapag naulan, nandyan din sina Gwyniera para tulungan ka" sabi ng aking ina kaya napabuntong hininga muli ako

Rain On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon