THE SCENE CHANGED

Beginne am Anfang
                                    

Kinuha ni Jaxton ang chalk sa kamay ni Claire, at easy'ng sinagutan ang math problem sa board.


"Correct! You may now sit." utos ng teacher sa dalawa. Nagkahiyaan pa ang dalawa bago bumalik sa mga pwesto nila.



Pagdating kay Claire, bakit nahihiya ka Jaxton?



*STAGE ENDS*


Nag-ring na ang bell, hudyat na ng break time namin. Nasa labas kami sa mga tents, at doon kumain. Matamlay din ako, dahil naiinggit ako kay Claire.

I bet she will have a happy ending at the end of the story, habang ako ay nagsa-suffer sa heart disease ko at sa sampung taon kong pagkakagusto kay Trevor.

Habang kumakain kami nina Becky at Karl, ay sumakit na naman ang ulo ko. Nakita ko na naman ang story board sa isip ko, and guess what? This about me now! A very bad scene.


*Clicking sound*


Ngayon naman ay nasa may staircase kami sa loob ng school, at naka-apron at naka cleaning gloves.


It's happening!


Isang iglap lang ay nandito na kami agad, pati ang mga uniform namin ay naka-apron na agad.


"Masakit ba mabalian ng paa?" tanong ko kay Becky.


Ang  story board ay tungkol ulit kay Claire, pero ako ang mapapahamak. I should change the scene, no matter what!


"Hmm? Oo, masakit." sagot ni Becky habang may hawak na basahan.


"One to ten? Gaano kasakit? Please sagutin mo." pakiusap ko kay Becky.


"9?" Hindi niya siguradong sagot. "Ay mali, mga 9.5? I remember when I'm accidentally fell into a horse, tatlong araw ata ako sa hospital nu'n e."


9.5? Gano'n kasakit?


*STAGE BEGINS*


Oh my goodness! It's happenning for real. Hindi ako makakilos, gusto ko nang umalis pero hindi ko magawa.

May hawak akong mop, at naglalampaso ng hagdan. Bigla namang pumwesto sina Yuna, Mia, at Ella malapit sa pwesto ko. At nandoon pa si Becky, na naiinis din kay Claire. Naka-crossed arms sila at maarteng inabangan na baba si Claire.



"Nakakainis talaga si Claire, 'diba Alora? Dapat sa kanya tinuturuan ng leksyon. Who is she, para pansinin ni Jaxton? Hmmp!" Becky exclaimed.


"Tama! Deserve mo din na mapansin ni Jaxton, I'll support you." I answered, at nginitian pa si Becky as confirmation.


What? What the heck, Alora? Anong sinasabi mo?


Inosenteng bumababa papalapit sa amin si Claire, at wala siyang kamalay-malay sa gagawin nina Becky, Yuna, Ella at Mia. Iko-corner siya ng apat, at doon magsisimula ang trahedya para sa'kin!


Sa storyboard ay lalabas naman si Trevor, para bitbitin ako papuntang clinic. But I know, that will cause another hate from Trevor dahil ayaw niya na ganu'ng mga bagay.


"Hoy!" bulyaw ni Mia ng makababa si Claire, at dumaan na sa pwesto namin. Isang baitang lang ang layo sa'ken ni Claire, at mangyayari na ang nakita ko sa story board.


Napatigil si Claire, at napalingon sa kanila. Hindi rin siya nagsalita, at hinintay ang gagawin nila.


Bumaba ka na please? I'll be in trouble after because of you.


"Baka nakakalimutan mong utusan ka lang ni Jaxton? Don't be so closed to him, Claire." maarteng ani Becky kay Claire, at saka lumapit dito.



"H-hindi naman kami close ni Jaxton, at wala rin akong balak na makipag-close. Pag nabayaran ko na siya, lalayo na 'ko sa kanya." sagot ni Claire sa kanilang apat.


Matalim pa rin ang tingin nila kay Claire, nagkatinginan din silang apat at saka tinulak ni Becky si Claire pababa ng hagdan.


Shocks! What to do?

Sinalo ko ng braso si Claire, dahilan para ako lang ang mahulog. Pakiramdam ko tumigil ang paligid, at nag-slow motion ang pag-dire-diretso  paghulog ko sa hagdan. Talagang trabaho ko ang iligtas ang bida sa oras ng kapahamakan, pero paano naman ako?

Napapikit ako ng maramdaman kong ilang baitang nalang at babagsak na ako ng tuluyan sa sahig.

Someone got my back. Naramdaman kong may sumal sa akin gamit ang likod niya, at inagapan niya ng braso nila ang pagtama ng ulo ko sa sahig. Kapwa kaming nasa sahig at nakahiga.

Pagkatapos no'n ay biglang tumunog ang health watch ko kahit hindi sumasakit ang dibdib ko, I felt something weird about him. I felt his warmth presence, at hindi ko na iyon mapaliwanag pa.

Hindi ko makilala kung sino iyon dahil nakatalikod ako sa kanya at tanging braso at kamay lang niya ang nakita ko. Mayroon  itong scar na pabahaba na parang naging balat na, pagkatapos noon ay wala na akong ibang nakita. He save me from being a trouble. I want to know who it was.

*THE STAGE ENDS*

Nasa classroom na kami, at nagka-klase, tapos na ang stage. Tiningnan ko ang paligid, baka sakaling isa sa mga kaklase ko ang tumulong sa akin.

I can't believe it! The stage changed, because of that man. I need to figured it out kung paano 'yun nangyari, at kung sino ang lalaking 'yun.

TO BE CONTINUED..

Look, I found you (UNDER REVISION)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt