Chapter 3

16 1 0
                                    

Camp Wasak, here I come.

Habang iniimagine ko kung ano ang itsura ng Camp Wasak, ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako ng 8:30 am. Naligo muna ako at nagsuot ng damit bago bumaba para kumain ng breakfast.

"Manang, aalis pala ako. Baka bukas yung alis ko. " sabi ko sa katulong ko habang kumakain ako. "Ay ganun po ba Ma'am? Saan po punta nyo? " tanong nya saken. "Naalala mo yung sulat kahapon? Invitation card kase yun Manang, kailangan ko pumunta dun kase nakabook na yung name ko dun e. Hindi ko alam kung ilang araw ako dun. Depende kung magugustuhan ko yung lugar." Sagot ko sakanya. "Ay Manang, kumain ka na ba? Sabay ka na saken." Pag-aanyaya ko sakanyang kumain. "Ay opo Ma'am, kumain na po ako kanina." Sabi nya saken.

Pagkatapos kong kumain, ako na ang nagligpit ng pinagkainan ko. Syempre, kahit may katulong ako dito sa bahay, hindi ko naman inaasa ka sakanya lahat. Parang nanay ko na rin kase yun. Simula kase nung maghiwalay si Mommy at Daddy, si Manang na ang nag-alaga saken.
My parents are goods to each other naman kaya no problem na saken yun. As long as they are happy sa decision nila.

Since bukas na ang alis ko papuntang Camp Wasak, napagdesisyonan ko na bumili ng damit.
Nagdrive na ako papuntang mall. And I brought Shorts, sleeveless tops, off-shoulders na dress, a slippers. Though may pera ako, hindi ko ginagasto nang masyado. Binibili ko lang is yung kailangan ko lang talaga. Well, depende sa mood ko.

Pagkatapos kong bumili nang mga kailangan ko for tomorrow, umuwi na ako para makapagpahinga.

Nagising ako kinaumagahan nang 9:00. Dali-dali akong naligo at nag-ayos. "Shit" mura ko. "Parang gagabihin yata ako nito" sabi ko sa sarili ko. Well, di ko alam kung gaano kalayo. Maybe malayo talaga kase di ko pa narinig yan ever eh. So bahala na.

Pinababa ko na kay Manong Isko yung mga bagahe ko galing dun sa kwarto para masakay na nya sa Van.

"Manang, ikaw na po bahala dito ha. Si Sapphire po alagaan nyo. Mag-ingat po kayo dito Manang." paghahabilin ko kay Manang. "Ma'am Kyla, ikaw po ang mag-ingat dun. Mag-isa lang po kayo, kaya doble ingat po ha? Tumawag po kayo pag may kailangan kayo." paghahabilin nya rin saken. Sinuklian ko na lamang sya nang isang ngiti bago pumasok sa likod ng Van.

Si Manong Isko ang pinagdrive ko ng Van, kase nakakapagod magdrive e, nakakaantok.

Natulog ako sa byahe at nagising ako dahil nakaramdam ako nang gutom.

Huminto muna kami ni Manong Isko sa drive thru at umorder ng pagkain.

Kumain kami ni Mang Isko at nagpahinga muna sya sandali bago nagdrive ulit.

Nakarating kami sa CAMP WASAK mga dapit-hapon na. Binaba ni Manong Isko ang mga bagahe ko at nagpaalam na ito.

May dalawang lalaki at isang babae na lumapit saken.

"Welcome to CAMP WASAK, Ma'am Kyla."


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CAMP WASAKWhere stories live. Discover now