Chapter 2

12 1 0
                                    

You are invited to CAMP WASAK.

Matapos kong basahin ang sulat ay muntik ko nang maibuga ang aking iniinom na tubig. Anong kajejehan 'to? May Camp ba ganon? Ngayon ko lang ata yun narinig ah.

Pagkatapos kong kumain pinaliguan ko muna si Sapphire, yung cute kong aso. Pupunta kami sa park at maglakad-lakad.

Habang papunta kami ni Sapphire sa park, may nakita akong nagtitinda ng ice cream, paborito ko yun lalo na yung cookies and cream na flavor.

Bumili ako ng Ice cream. "Kuya, magkano po yung cookies and cream?" Tanong ko sa nagtitinda ng ice cream. Mga nasa 50's na si Kuya. Medyo may puti na yung buhok nya. Hindi naman ganun ka payat si Kuya pero payat parin. "15 isa iha" sagot nya sakin. "Sige po Kuya, isa po." Sabi ko sa kay Kuya Sorbetero. "Oh ito iha, masarap yan. Balik ka ha?" Sabi nya sakin na may kasamang ngiti. "Opo" sabay abot ko sa kanya ng isang daan. Akmang aalis na sana ako nang bigla nya akong tawagin. "Iha, yung sukli mo" tawag nya sakin. "Wag na po, dyan na po yan. Salamat po" sabi ko at ngumiti ako sakanya.

Nang andun na kami ni Sapphire sa Park, umupo muna ako sa bench at kinain yung ice cream ko.

Sobrang likot ni Sapphire parang gusto nyang tumakbo takbo sa park kaya pinakawalan ko nalang muna pero sinusundan ko ng tingin kasd baka mawala.

Habang binabantayan ko si Sapphire may tumamang bola sa ulo ko. "Aray" sigaw ko. May biglang lalaking lumapit sakin. Maputi, matangos ang ilong, chinito at matangkad. Nakajersey sya na kulay blue at nakashorts. Damn sobrang bakat yung ano yung ano basta. "Sorry miss, okay ka lang?" Tanong nya. So syempre artistahin tayo kase gwapo 'to sasabihin ko na sobrang sakit ng ulo kahit di naman masyado pero masakit parin talaga. "Ahh aray, ang sakit ng ulo ko" pag-iinarte ko. "Pasensya na po talaga miss,kung hindi po sana kayo dyan umupo edi sana di po kayo natamaan" sabi nya. Aba ba't parang kasalanan ko pa? "Hoy kuyang gwapo ngunit napakasuplado, hindi ko kasalanan na natamaan ako ng bola" sabi ko sabay irap.

Ilang sandali lang at may sumisigaw na na bata, napatingin ako dun at nakita ko si Sapphire at ang bata.
"Damn it, Sapphire!!" Sigaw ko. "Tss, tatanga-tanga" sabi ng supladong chinito.
"Babalikan kita" at tinuro ko sya. "May girlfriend na ako." Sigaw nya sakin dahil medyo nakalayo na ako. "Di ko naman tinatanong, bobo" sigaw ko rin sakanya. Ba't nya naman sasabihin yon? Pake ko kung meron? Amp. Baka dun sa sinabi ko na BABALIKAN KITA amp. Napaka bobo.

"Sapphire, stop it." Sabi ko kay Sapphire at nagmamadaling umuwi kase nakakapagod dun sa park, mas lalo lang yata akong nasstress dun e.

Pag-uwi ko sa bahay, naligo ulit ako kase pawis na pawis ako.

Habang naliligo ako, naiisip ko nanaman ulit yung mga memories namin na magkasama kami ng ex ko. Tangina nya talaga, mas pinili pa yung mukhang basurera kesa sa maganda. Ano bang meron dun sa babaeng yun na wala ako? Di hamak na mas maganda naman ako dun, maldita nga daw yun e sabi ng mga connectuions ko. Duh, magsama silang dalawa. Basura at basurera, bagay!

Tangina pagod na pagod na ako sa buhayng ito, bakit pa darating kung aalis lang din?
"Ano ba Kyla, tama na yan. Hindi sya karapat-dapat iyakan, actually dapat magsaya ka nga e kasi hindi napunta sayo yung lalaking iiwan ka sa dulo". Sabi. ko sa sarili ko habang pinupunasan ang luha ko. Hindi kase madaling kalimutan ang 3years. Marami na kaming nabuong mga ala-ala na magkasama. Ang sakit sakit lang kase akala mo sya na, pero hindi pa pala. Yung gusto mo sya na, pero hindi pwede kase di kayo itinadhana. Tanginang tadhana yan. Kung may para sakin man, pakibilisan naman, amg bagal naman dumating.

Palagi nalang ba akong ganito? Palagi na lang ba akong iiyak at magmomokmok dito sa kwarto ko? Nakakapagod na. Bakit? Bakit nya ako iniwan? Am I not enough? Ano bang kulang sakin? Hindi ba ako maganda? Bakit sya nagsawa saken? Ang daming tanong pero di ko masagot. Ang hirap na. Nahihirapan na ako. Ang sakit,sobrang sakit.

Pagkatapos kong umiyak sa bathroom ay nagbihis na ako na namumugto ang mga mata sa kaiiyak. Blinower ko nalang yung buhok ko para madaling matuyo at matutulog ako.

Ipipikit ko na sana yung mga mata ko nang biglang tumunog yung phone ko, may nagtext.

Hi Ma'am Kyla, nais lang po namin alamin kung natanggap nyo po ba yung sulat galing sa Camp Wasak? Kung natanggap nyo po. Kailangan nyo pong pumunta dito by this week po kase nakabook na po yung name nyo dito sa Camp. Thank you.

What the f?! Sinong tanginang nagbook saken dun?! Tangina naman oh. Pero maybe makakatulong 'to sa pagmomove on ko diba? Explore new things.

Camp Wasak, here I come.

CAMP WASAKWhere stories live. Discover now