Doon ko napagtanto na hindi tumigil ang mundo para sa akin. Na normal lang ang takbo ng buhay para sa lahat.

It took me weeks to realize that.

Gusto kong makita si Nanay? Pupuntahan ko siya.

Wala akong pera? Magtatrabaho ako. Lalo ngayon at bakasyon na.

With a new goal in mind, nag-ayos ako ng sarili. Naglagay ako ng make-up, nagbihis nang maayos at ngumiti sa salamin. Hindi man ako masaya, at least, kayang itago ng mukha ko ang nararamdaman.

I dialed Ma'am Candy's number. Sa ikatlong ring ay sinagot niya ito.

"Hello? Sol? Is this you, hija?"

I sighed. "Yes, Ma'am..." I bit my lower lip. Nakakahiya pero kailangan ko ng trabaho. "Ma'am, kailangan niyo pa po ba ng assistant ng pastry chef?"

She gasped. "A-are you sure?"

Matagal niya nang in-offer sa akin yon ngunit ilang beses ko ring tinanggihan dahil wala akong tiwala sa sarili ko. Mas okay sa akin noon ang pagiging servant at cashier kaysa ang magtrabaho mismo sa kusina kahit pa sabihing mas malaki ang sasahurin ko.

"Yes, Ma'am..." I sighed. "I hope your offer still stands."

She screamed like a child. "Ang tagal kitang niligawan, Sol! Pumunta ka sa shop. ASAP!"

Napahinga ako nang malalim. I should trust myself more now. Wala na akong pwedeng asahang magpapakain at magpapaaral sa akin. I would see you again, Nay. Mag-iipon lang ako ng pamasahe.

Lumabas ako ng bahay namin at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nasa pinto si Duke. Mukha rin siyang nagulat nang makita ako. Mukha siyang walang tulog dahil kapansin-pansin ang itim sa ilalim ng mata niya.

"D-Duke..."

Para akong sinaksak nang makitang tumulo ang luha sa mga mata niya. Agad ang pagpula ng ilong niya dahil sa pinipigilang hikbi.

Hindi ako nakagalaw. Isang hakbang lang at ikinulong nga ako sa bisig niya. I can feel his shoulders vibrating, dahil sa iyak. I couldn't breathe because he hugged me so tightly.

"Tangina..." hikbi niya. "Sol, parang awa mo, 'wag mo nang gagawin 'to."

Namuo ang luha sa mata ko. Was he waiting for me here? Kaya ba hindi siya makatulog ay dahil sa akin?

Hinagod ko ang kanyang likod. Mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin na parang kapag binitawam niya ako ay mawawala ako. I didn't push him because I didn't want to hurt him, but also because I missed him. I missed being encircled by his arms.

"Baby, please, don't do this again," he whispered. "Papatayin mo ako sa pag-aalala."

I bit my lower lip. "I-I'm sorry, Duke..."

"Shhh, it's okay." He kissed my temple. "Did you eat?"

Umiling ako at tumingin sa mukha niya. My eyes met his, and for the first time in two weeks, I was content.

He held my hand and gently pulled me. Nagpatangay lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Hindi ako nagsasalita dahil wala akong ibang gustong sabihin.

Pinaupo niya ako sa lamesa sa kusina habang nagluluto siya ng pwede kong kainin.

While looking at him, I realized how lucky I was to have him. Parang hindi nakakatakot ang pag-iisa dahil lagi siyang nakaabang, nanonood at susuporta sa akin.

Naputol ang iniisip ko nang pumasok si Tita Gemma sa kusina.

"Sol," she called me. Lumapit siya sa akin at bahagyang hinalikan ang pisngi ko.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon