I K A D A L A W A M P U T - T A T L O N G L A R O

5.2K 264 85
                                    

Hi, enjoy kayo. Mwehehe.

----
"Bakit narito ka?" Tanong sa akin ni Vanessa nang makita ako sa labas ng unit niya. Naisip ko kasi siyang dalawin. "Hindi ka nagsabing dadalaw ka."

Napakunot ang noo ko. Sa tono niya kasi parang ayaw niya akong makita. "Pasensya na. Gusto lang kitang kumustahin," sabi ko na lang at iniabot ang bulaklak. "Para sa'yo."

"Salamat," sambit nito bago ako senyasang pumasok. "Nagtanghalian ka na ba?"

"Hindi pa." Atat kasi akong puntahan ka. "Anong niluluto mo?" Nalanghap ko kasi bigla ang nakakatakam na amoy galing sa kusina.

"Adobo. Saglit lang." Nagtungo siya sa kusina habang naiwan ako sa sala. Ako na rin ang naglagay ng bulaklak sa babasaging vase. Napakunot ang noo ko nang may makitang relo sa center table. Mukha itong mamahalin ngunit sigurado akong hindi ito kay Vanessa dahil panlalaki ang relo. Nawala bigla ito sa paningin ko dahil kinuha ito ni Vanessa.

"Kanino 'yan?"

"Sa kaibigan ko." Itinago niya ito sa kaniyang bulsa. "Dito ka na magtanghalian. Saluhan mo ako."

Tahimik kaming kumain ni Vanessa. Pansin kong wala siya sa mood kaya hindi na rin ako nagsalita dahil baka may masabi lang ako na lalong ika- badtrip niya. "Gusto mong apple?"

"Sure," sagot ko bago nagsalin ng juice sa baso. "Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Ayos na—" hindi pa man nito tapos ang sasabihin ay dali-dali na itong nagpunta sa kitchen sink at nagsuka.

"Ano ba kasing nangyayari sa'yo?" Lumapit ako sa kaniya at hinagod-hagod ang kaniyang likod. "Magpacheck-up ka na kaya."

"Hindi ako buntis," malamig na sabi nito na ikinagulat ko. "Kung iyon ang iniisip mo," nagmumog ito pagkatapos.

"H-hindi naman," napakamot ako sa kilay. "Magpahinga ka na muna. Ako na bahala dito."

"Rie, gusto mo ng kwento?"

"H-ha?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Vanessa. Ang random kasi. "Sige, pero magpahinga ka muna."

"Okay lang ako," hinilamusan nito ang mukha bago kumuha ng malinis na towel. "Ako nang bahala dito. Dun ka na sa sala."

"Sige," napahinga ako ng malalim. Ang tigas talaga ng ulo.

°°°°

Busy ako sa panonood ng isang variety show nang biglang namatay ang tv. Akala ko pa ay nawalan ng power ngunit nang makita kong buhay naman ang ilaw at ang nakangising si Vanessa ay napailing na lang ako. "Bakit mo pinatay?"

"May ikukwento nga ako," inilapag niya ang remote sa sofa bago tumabi sa akin. "Ayaw ko ring mahahati ang atensyon mo, gusto kong sa akin ka lang nakatingin."

Napalunok ako bigla. 'Yong titig niya kasi at paraan ng pagkakasabi nun eh parang.. nang-aakit. O ako lang talaga? "Sige," tumikhim ako. "Tungkol saan ba 'yan?"

"Nabasa ko sa isang facebook page. Confession. Gusto ko lang i-share sa'yo."

Napangiti ako. "Sure."

Nagsimulang magkwento si Vanessa, "Mahal ni sender 'yong karelasyon niya pero," naging malamlam ang mga mata niya. "Pero may natuklasan siyang isang bagay tungkol dito. Dahil sa natuklasan niya, hindi niya alam kung magpapatuloy pa ba siyang mahalin ito o i-iwasan na lang."

"Ano ba 'yong natuklasan niya?" Tanong ko at nagkibit-balikat si Vanessa.

"Hindi sinabi. Basta malaki ang naging epekto nito sa kaniya. Sa tingin mo, ano ang dapat niyang gawin?"

Napaisip naman ako bigla. "Kapag mahal mo kasi ang isang tao, kahit anong malaman mo na tungkol sa kaniya, maganda man o masama, tatanggapin mo pa rin siya ng buong-buo." Ngumiti ako nang matamis kay Vanessa bago nagpatuloy. "Normal lang siguro na magkaroon siya ng alinlangan sa una dahil sa nalaman niya, pero makakaya ba niya na dahil lang sa isang bagay na 'yon, tuluyang matuldukan ang kanilang pagmamahalan? Kung mas nangingibabaw ang pagmamahal niya sa karelasyon niya, hindi niya 'yon dapat iwan."

"Kahit may masasaktan?"

Napakunot ako ng noo pero mayamaya'y natawa rin. Masyado ata siyang nadadala kay sender. "Kapag may masasaktan, ibang usapan 'yon siyempre. Pero minsan kasi, kahit hindi mo intensyong makasakit, may masasaktan at masasaktan pa rin. Kapag siguro ganun, ang piliin mo na lang ay kung saan ka talaga magiging masaya."

"Hindi mo naiintindihan Rie." Nagbuntong-hininga si Vanessa.

"Ha? Anong hindi ko maintindihan?"

"I mean, hindi natin siya maintindihan kasi wala naman tayo sa posisyon niya," sagot nito at nag-iwas ng tingin.

Tumango ako. "Sa bagay."

"Manood na lang tayo," kinuha nito ang remote at binuhay ang tv. "Anong gusto mong panoorin?"

"Ikaw ang bahala," ngumiti ako sa kaniya ngunit isang pilyang ngiti ang natanggap ko. Bigla akong natawa, knowing Vanessa, may iniisip na naman siyang kapilyahan. "Basta 'yong wholesome na movie," natatawang sagot ko at isang irap ang natanggap ko mula sa kaniya.

°°°°

Nakatitig ako sa maamong mukha ni Vanessa. Mahimbing na ang tulog niya matapos naming.. maglaro. Matapos naming manood ng movie, natagpuan ko na lang ang sariling tumutugon sa mga halik niya.

Hipokrita ako kung sasabihin kong hindi ko gusto kada may mangyayari sa amin. Gusto ko. Pero hindi ko maiwasang hindi malungkot. Hanggang kailan kami magiging ganito? May nangyayari sa amin kahit hindi naman kami. Anong tawag sa amin, fvck buddies?

Bumangon ako at dinampot isa-isa ang nagkalat naming damit. Pagkatapos ay nagpunta ako sa banyo para sana maligo pero para akong binuhusan ng yelo sa ulo nang may makita ako malapit sa basurahan. Lumapit ako at pinakatitigan 'yon.

Nanlalambot ang mga tuhod ko ngunit pinilit ko pa ring tumayo at pulutin 'yon. Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang makita ang dalawang pulang guhit doon. Positive.

Napahigpit ang hawak ko sa bagay na 'yon. Bago ko pa komprontahin si Vanessa ay namalayan ko na lang na nasa harap ko siya at umiiyak. Pinilit ko siyang harapin, gusto kong palakpakan ang sarili dahil nagawa ko pang ngumiti. "Hindi 'to sa'yo diba? S-sa kaibigan mo 'to?" Hindi umimik si Vanessa. "Hindi diba? Imposible... imposibleng sa iyo 'to," pagak akong tumawa habang pilit ko ring kinukumbinsi ang sarili.

Please Vanessa, sabihin mo hindi.

Naramdaman kong yumakap sa akin si Vanessa. Hindi ko alam kung bakit umiiyak siya. May masakit ba sa kaniya? Natatakot ba siyang magalit ako dahil akala ko siya ang buntis? "Rie, patawarin mo ako."

"B-bakit? Hindi naman sa'yo 'to diba? Sabihin mong hindi sa'yo 'to..."

Puno ng luha ang mga mga mata at pisngi ni Vanessa. Lumalarawan ang sakit sa kaniyang mga mata habang parang awang-awa na nakatitig sa akin. "I'm sorry," tuluyang humagulhol si Vanessa. "Akin 'yan Rie."

Hindi agad ako nakakibo. Kusang naglandas ang mga luha sa aking pisngi. May kutob na ako nitong mga nakaraang araw pero hindi ko pa rin matanggap ang kaniyang sinabi. "Hindi yan totoo."

"Totoo, Rie. Buntis ako."

"Sinong ama?"

Tuluyang nadurog ang puso ko nang sambitin niya ang pangalan ng lalaking minsang kinamuhian ko.

"Winston."

xxkalaroxx

K A L A R OWhere stories live. Discover now