I K A A N I M N A L A R O

6.8K 298 31
                                    


"Napanaginipan mo si Vanessa?" Napatigil sa paghahalo ng niluluto si Bianca at kunot-noong tumingin sa akin. Tumango ako bilang tugon sa tanong niya. "Oh, tapos?"

"Anong tapos?"

"Ikwento mo ang nangyari," sabi niya bago tumalikod upang ipagpatuloy ang pagluluto. Napamaang ako. Bakit nga ba si Bianca ang napili kong pagsabihan? Mula bata pa kami, siya talaga itong mapilit sa lahat ng bagay. "Ano na?"

"Ano lang," napakamot ako sa kilay. "Naglalaro kami."

"Ah, 'yong laro niyong bawal sabihin sa iba?" Sarkastiko siyang tumawa, "Ang tigas naman kasi ng ulo mo, nasabihan na kitang 'wag sumama sa pokpok na 'yon."

"Bianca, matagal na 'yon." Hindi ko maintindihan pero hanggang ngayon ayoko pa ring sinasabihan nila ng ganun si Vanessa. Siguro dahil kahit papaano, naging mabuti naman siya sa akin.

"Matagal na pero hanggang ngayon ginugulo ka pa rin ng mga ala-ala niya."

"Hindi naman na ako naaapektuhan," sabi ko na lang kahit ang totoo ay hindi ako pinatulog ng panaginip ko. "Sabi ko naman sa'yo, matagal na 'yon, kinalimutan ko na."

"Sige, sabi mo, eh." Sumandok siya ng kaunti sa niluluto at sinenyasan akong lumapit. "Tikman mo nga."

Natigilan ako, naalala ko ang huling sinabi ni Vanessa sa panaginip ko.

"Tikim na, Rie."

"Rie?" Nagtatakang tinignan ako ni Bianca. "Tikman mo na."

"Ah, s-sige." Iwinaksi ko ang iniisip at tinikman ang niluto ni Bianca.

"Ano, masarap?"

"Masarap? Nabusog ka ba?"

Napamura ako sa isip. Vanessa, tantanan mo na'ko!

Napapitlag ako nang may kamay na dumampi sa noo ko. Nag-aalalang tumingin sa akin si Bianca. "Bakit namumutla ka? Pinagpapawisan ka rin, okay ka lang?"

Mabilis akong tumango, "Okay lang ako, m-medyo mainit lang."

Napakunot ang noo niya, "hindi naman, ah." Kumuha siya ng mga pinggan at kubyertos. "Kumain na lang tayo."

"S-sige." Umupo ako paharap sa kaniya.

"Wait, gusto mong gatas?"

"Sige, dahil good girl ka naman, patitikimin ulit kita ng milk. Gusto mo ba yun?"

"Rie, ano na? Gusto mo?"

Napakagat ako ng labi. Oh, please. "Ayoko!"

Mukhang nagulat siya sa pagsigaw ko kaya't tumawa ako kunyari. "Sorry Biancs, sobrang gutom na'ko, eh," sabi ko nalang at tumawa na rin siya.

"Patay-gutom ka talaga."

°°°°

"Sige na, saglit lang naman tayo!" Kumapit sa akin si Kenny. "Rie, please, please, please!"

"Ano ba, para kang bata," inis na tinabig ko ang braso niya. "Nasaan ba ang boyfriend mo? Dun ka magpasama." Nakakainis kasi itong si Kenny, tanghaling tapat nagpapasama mag-shopping. Sure na gusto niya lang na may tagabuhat, at ako ang malas na napili niya.

"Wala na nga kami nung gagong 'yon!" Sumimangot siya at nagtatampong inalis ang kapit sa braso ko. "Sige na, ako na lang mag-isa."

Napailing ako. "Nagtatampo ka na niyan?" Hindi niya ako kinibo. Napabuntong-hininga nalang ako. "Sige na nga, tara na."

Halos matumba ako nang yakapin niya ako. Hindi pa nakuntento at hinalikan ako sa pisngi. Pabirong pinahid ko 'yon at nakatanggap naman ako nang mahinang hampas sa braso.

"Beh, pabitbit pa nito." Nagpacute pa si Kenny pero inirapan ko lang. Sabi na nga ba't hindi kasama ang gusto niya kundi alalay. "Last na 'yan, promise."

"Dapat lang, sa susunod maghanap ka na ng jowa para may tagabitbit ka."

"Oo na," tumawa siya at humarap sa akin. "Humanap ka na rin ng jowa para hindi ka na masungit."

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy na lang sa paglalakad. Matapos rin ang ilang oras na pag-iikot at pagbili ay nagpasya na rin kaming umuwi. Pero bago 'yon ay humirit pa si Kenny na magrestroom muna.

"Pahawak na rin nito at nito." Isinukbit ni Kenny ang mga dalang paperbags sa braso ko bago pumasok sa isa sa mga cubicles. Inip na nakasandal ako sa pader nang biglang bumukas ang pinto ng isang cubicle at iniluwa ang taong hindi ko aakalaing makikita kong muli.

Lumakas ang tibok ng puso ko at halos hindi ako makahinga. Hindi makapaniwalang nakatingin sa babaeng sampung taon ko nang di nakita ngunit kahit kaila'y hindi ko nakalimutan. Ang babaeng unang nagparanas sa akin kung paano magmahal at masaktan. Ang babaeng nagturo sa akin ng kakaibang laro.

"Vanessa.."

Nabaling ang tingin niya sa akin at nagulat nang makita ako. Lalapitan ko na sana siya ngunit mabilis siyang naglakad palabas ng restroom.

"Vanessa, saglit lang!" Hinabol ko siya, halos tumakbo na rin ako para masigurado na hindi siya mawawala sa pangingin ko. Halos itulak ko na ang mga taong nakakasalabong ko para lang maabutan siya. "Vanessa!"

"Aray!"

Napatigil ako nang may mabangga ako. Napasalampak ito sa sahig kaya't bumalik ako para tulungan siyang tumayo. "Sorry miss, okay ka lang?"

Nag-angat ito ng tingin. Pareho kaming nagulat nang mapagsino ang isat-isa. "Ate Ivrie?"

"Vanelle, tama?" Nahihiya siyang tumango. Nakita kong may mantsa ang suot niyang damit dahil natapunan ng dalang ice cream. "Sorry, di ko sinasadya. Halika, palitan natin 'yang damit mo."

"Okay lang po ako, mukang nagmamadali po kayo, eh. Habulin niyo na po."

Umiling ako. "Wala lang 'yon. Sige na, palitan natin 'yang damit mo. Pati na rin ang ice cream mo, sayang eh, mukhang masarap." Ngumiti ako at tumango naman siya.

Tinignan kong muli kung saan ko huling nakita si Vanessa at gaya ng inaasahan, wala na siya doon. Napabuntong-hininga nalang ako bago muling naglakad upang bilhan ng ice cream at bagong damit ang kaibigan ni Shannen.

xxkalaroxx

K A L A R OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon