I K A L A B I N G - T A T L O N G L A R O

5.9K 303 57
                                    


"Oh diba, dahil sa'kin, malapit ka nang magkalovelife!" Humagikhik si Kenny at hinila ang manggas ng damit ko. "Una pa lang, may kutob na talaga akong si Vanessa mo 'yong Vanessa'ng owner ng bar, eh. Kaya hindi ako sumipot."

"Sabi na nga ba at sinadya mo 'yun!" Bagama't naiinis ay hindi ko rin maitago ang ngiti ko. Tama naman siya, hindi ko makakausap si Vanessa kung di rin dahil sa kaniya.

"Pero Rie, dahan-dahan lang, ah." Biglang sumeryoso ang mukha ni Kenny. "Hindi ko gustong husgahan si Vanessa pero diba, nasaktan ka na niya noon?"

"Oo, pero-" Hindi ako nakapagsalita dahil pinigilan niya ang bibig ko gamit ang hintuturo niya.

"Ako muna, okay?" Tumango naman ako. "Ang akin lang Carlson, 'wag mo muna ibigay ang lahat. Ibigay mo lang kung anong kaya mo, magtira ka rin para sa sarili mo. Hindi 'yong magmamahal ka na naman nang sobra pagkatapos sa huli maiiwan ka lang."

"Naiintindihan ko," nakangiti ko siyang niyakap. "Don't worry, hindi na ako ang batang Ivrie na hahagulhol dahil lang nasaktan."

"Siguraduhin mo lang, Carlson."

"Oo na," ngumiti ako. "Hindi sa pinapaalis na kita pero parang ganun na nga. Alis ka na kasi hinahanap ka na ng mga kasama mo." Itinuro ko ang phone niya na panay ang ilaw dahil sa pagtawag ni Steph. Inirapan niya lang ako bago tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Sure ka, dika sasama sa amin?"

"Next time na lang," tanggi ko. Tiyak na magiging tagabitbit lang nila akong tatlo pag sumama ako sa gala nila.

"Sige," paalis na sana siya pero nagpahabol pa. "Carlson, may sinabi ba si Vanessa about sa cookies na ibinigay mo?"

Tumaas ang kilay ko, nagtataka sa biglaang tanong niya. "Wala naman siyang nababanggit. Bakit?"

"Wala naman." Nangigiti siyang nagpaalam, "Sige na Carlson, bye!"

°°°°

Kinakabahan at halos manginig pa ang mga kamay ko habang nagtitipa ng numero. Mayamaya'y nagring na sa kabilang linya at ilang segundo lang ay may sumagot na.

"Hello?"

"Hello, Vanessa." Automatic na sumilay ang ngiti sa aking labi. Hindi naman siya kumakanta ngunit bakit tila musika ang dating sa akin ng boses niya? Napakagat ako ng labi, ang korni mo talaga, Rie. "Kumusta?"

"Ayos naman," tipid niyang sagot. "Ikaw?"

"Masaya, k-kausap na kita, eh." Napatakip ako sa mukha. Nag-iinit rin ang dalawang tenga ko dahil sa hiya. Ang korni talaga!

"Bumabanat ka na niyan?" May himig ng panunuksong sabi niya. Ramdam ko ang lalong pag-iinit ng tenga ko. "Bakit ka nga pala napatawag?"

"Wala naman," gusto ko lang marinig ang boses mo, gusto ko sanang idagdag kaso baka maumay na siya sa kakornihan ko. "Nakakaistorbo ba ako? May ginagawa ka?"

"Actually," narinig ko ang lagaslas ng tubig sa kabilang linya. "Naliligo ako nung may narinig akong tumawag. Kinuha ko muna ang cellphone sa kwarto bago ako bumalik dito sa banyo."

"N-naliligo ka pala." Napalunok ako dahil sa hindi magandang naiisip. "M-mamaya na lang ulit ako tatawag."

"Bakit, ayaw mo na akong kausap?" Hindi ko alam kung ako lang o talagang tila nang-aakit ang boses niya. "Nagtapis nga ako ng tuwalya para lang sagutin ang tawag mo."

Nagsunod-sunod ang lunok ko, na-iimagine ko si Vanessa na basa ang katawan, nakatapis lang ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig mula sa basang buhok habang kausap ako. Napailing ako, hindi dapat! "M-mamaya na lang, m-maligo ka muna. Bye!"

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya. Gusto ko mang marinig pa ang mga tawa niya ngunit baka kung saan pa mapunta ang usapan, kaya't tinapos ko na agad ang tawag.

Mahina kong sinuntok-suntok ang dibdib at pinunasan ang namumuong pawis sa noo. Pagdating talaga sa kaniya, naaakit na ako kahit sa simpleng salita. Malala ka na Ivrie.

°°°°

"Heto ang mga bulaklak."

"Salamat ah." Kinuha ko sa kaniya ang tatlong piraso ng makukulay na bulaklak. "Magkano miss?"

Natatawa niya akong inirapan. "Dahil cute ka, sige libre na."

"Ganun ba? Nakakahiya naman miss." Ngumiti ako at iniabot ang isang brown paper bag sa kaniya. "Eto na lang bayad ko."

"Oh," nasorpresang kinuha niya iyon. "Hala! Salamat, Ate."

"Miss, ba't ka nangyayakap?" Napangiti ako, dahil siguro sa pagmamahal niya sa street foods nawala ang munting hiya niya dahil napayakap siya sa akin. "May nililigawan na ako miss, baka magalit 'yon," dagdag kong biro. Sukat doon ay bigla siyang humiwalay at sumimangot.

"Sige na ate, baka iniintay ka na niya. Salamat pala dito," itinaas niya ang brown paper bag. Hindi pa man ako nakakasagot ay tumalikod na si Vanelle at pumasok ng gate. Walang lingon itong pumasok ng bahay habang ako'y naiwang nagtataka.

Anong nangyare dun?

°°°°

Pinagpag ko ang suot na black jeans, inayos ang suot na V-neck shirt at saka humarap. "Vanessa, date tayo please?" Napailing ako, parang ang demanding naman ng dating. Ngumiti ulit ako sa salamin. "Vanessa, gusto sana kita yayaing makipag-date bukas, libre ka ba?"

"Anong ginagawa mo?" Mabilis pa kay flash na pumihit ako patalikod. May dala siyang meryenda. Lumapit ako at nagpresintang ako na ang magdadala. "Salamat. Anong ginagawa mo sa harap ng salamin?" Tanong niya nang maabutan ako sa harap ng salamin niya dito sa living room.

"A-ano lang, tinitignan ko kung may gasgas. Para kasing meron ako sa leeg," pagsisinungaling ko at alanganing ngumiti.

"Patingin nga." Hindi na ako nakaangal nang hawakan niya ako sa balikat at sapilitang pinaharap sa kaniya. Sinuri niya ang leeg ko, hinahanap ang gasgas na hindi talaga nag e-exist. Pigil naman ang hininga ko dahil halos ilang pulgada lang ang pagitan ng labi niya sa leeg ko. Ramdam ko rin ang mainit niyang hininga na lalong nagpabaliw sa sistema ko, parang gusto ko na lang tuloy siyang hatakin at halikan. Pero hindi pa pwede, hindi pa kami. "Wala naman," sa wakas ay sabi niya at lumayo ng kaunti sa akin.

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko tapos na siya ngunit hindi pa pala. Naramdaman ko na lang ang hintuturo niya sa leeg ko, marahang dinadama ang taling ko doon. "A-anong ginagawa mo?"

"Ang liit pa nito dati, at alam mo ba," pilya siyang ngumiti, patuloy pa rin sa ginagawa. Nagsisimula nang mag-init ang tenga ko lalo na nang lumapit siya sa akin at bumulong. "Ito ang paborito kong halikan noon?"

Parang napapasong lumayo ako sa kaniya at ibinaling ang tingin sa bulaklak na nasa babasaging vase. Tila naghahabulang kabayo ang tibok ng puso ko dahil sa bilis ng pintig.

Narinig ko siyang tumawa nang malakas at napasimangot ako, bakit ba lagi siyang ganyan? Halos himatayin na ako dito tapos tatawanan niya lang ako.

"Ano, u-uwi na ako," tumayo ako at pasimpleng pinahid ang pawis sa noo. "N-nakalimutan ko atang isara ang gripo sa bahay."

"Hindi mo ba muna ako tatanungin?" Nagdekwatro siya at pinagkrus ang braso. "Sayang naman ang practice mo sa salamin kanina kung di mo rin naman sasabihin," naaliw siyang pagmasdan ako habang namumula na ako sa kahihiyan. Narinig niya pala ako kanina!

"Ah, y-yun ba," napakamot ako ng kilay. It's now or never, Ivrie! Huminga ako nang malalim at lumapit sa kaniya. Hinawakan nang nanlalamig kong mga kamay ang mga kamay niya at masuyong hinalikan iyon. "Vanessa, maari ba kita yayaing makipag-date sa 'kin?"

Imbes na sagot ay naramdaman kong may malambot na labing lumapat sa pisngi ko. Gulat na tumingin ako kay Vanessa, naroon na naman ang pilyang ngiti at saka pinadaanan ng daliri ang tungki ng ilong ko. "Malalaman mo ang sagot ko, kapag naisara mo na ang gripo sa bahay mo."

Peste.

xxkalaroxx

K A L A R OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon