I K A D A L A W A M P U N G L A R O

5.7K 296 23
                                    


Namamawis ang mga kamay ko, hindi dahil sa pasmado ako kundi dahil sa tingin na ipinupukol sa'kin ni Vanessa. Nasa kaliwang side ko siya habang nasa kanan ko naman ang walang kamalay-malay na si Odette. Panay pa ang hampas nito sa akin tuwing may nakakatawang scene sa pinapanood naming romcom movie.

Hindi ko alam kung bakit ganun na lang makatingin si Vanessa. Naiinis ba siya dahil hindi ko agad sinabing may bisita rin ako bukod sa kaniya, o dahil pinakilala ko siya kay Odette bilang kaibigan?

Habang tutok si Odette sa tv, pasimple kong hinawakan ang isang kamay ni Vanessa. Iniiwas niya ang kamay ngunit nagtagumpay akong hawakan. Pinanlakihan niya ako ng mata, kinurot ang kamay ko para iiwas ang sariling kamay. Napangiwi naman ako at napasinghap dahil sa pinong kurot. Sakit. Hinipan-hipan ko ang parteng 'yon, halos bumaon kasi ang mga kuko ni Vanessa. Gigil na gigil.

"Napano ka?" Nahuli ako ni Odette na hinihipan ang parteng kinurot ni Vanessa. "Patingin nga," kinuha nito ang kamay ko at sinuri.

"Kinilig kasi ako sa kissing scene kaya nakurot ko si Rie," inosente itong ngumiti sa akin na tila di sinasadya ang ginawa. "Sorry ah." Taliwas ang sinasabi niya sa binibigay niyang tingin. Sa klase ng tingin ni Vanessa, parang sinasabi niya pang, "dapat lang 'yan sa'yo".

"Grabe ka pala kiligin, Vanessa," humagikhik si Odette.

"Oo eh, lalo na siguro kapag 'yong favorite kong love team ang napanood ko. Baka makapatay ako ng katabi dahil sa sobrang kilig." Tumingin si Vanessa kay Odette. "Kaya ikaw 'wag kang tatabi sa akin. Baka kung anong magawa ko sa'yo." Muling napahagikhik si Odette sa pag-aakalang nagbibiro si Vanessa. Habang ako naman pilit na nakitawa kahit ang totoo ay kinakabahan na ako dahil hindi biro ang dating sa akin nun kundi banta.

"Guys, kailangan ko na umuwi. Emergency lang," biglang sumulpot si Kenny mula sa kusina. Pinanlakihan ko siya ng mata, alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo. Excuse niya lang 'yon para maiwan ako dito kasama ang dalawang babae. Hindi naman ako nito pinansin at nagpaalam na kay Vanessa bago nagbaling kay Odette. "Sorry Odette ah, urgent kasi. Si Rie na lang maghahatid sa'yo pauwi, or kung gusto mo, dito ka muna magpalipas ng gabi."

Muli kong sinamaan ng tingin si Kenny. Binigyan ko siya ng subukan-mong-umalis-at-patay-ka-sa -kin look pero mapang-asar lang itong ngumiti bago tuluyang magpaalam.

Lalong hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong masolo si Vanessa, na hindi man lang ako matapunan ng tingin ngayon, pero hindi ko naman maaaring paalisin ang engrossed sa pinapanuod na si Odette.

Matapos ang halos isang dekada ay natapos na rin ang movie. Kami lang mostly ni Odette ang nag-uusap tungkol sa mga nangyari habang si Vanessa naman ay tahimik lang na kinakalikot ang cellphone niya.

"Vanessa," pagpansin ni Odette kay Vanessa at nag-angat naman ng tingin ang huli. "May boyfriend ka ba?"

Lihim akong napalunok. Tinignan ko si Vanessa na halatang hindi rin inaasahan ang tanong ni Odette ngunit hindi niya 'yon pinahalata. "Wala."

"Totoo?" Nagtatanong ang mga mata sa akin ni Odette at nagkibit-balikat lang ako.

Mayamaya'y nagpaalam saglit si Odette na gagamit ng powder room. Sinamahan ko lang siya saglit para ituro ang direksyon at malawak ang ngiti ko nang magbalik sa sala. "Vanessa," pag-agaw ko ng atensyon niya. Tinaasan lang ako nito ng kilay. Ang sungit naman. "Galit ka ba?"

"Hindi," tipid nitong sagot bago tumayo. "Uwi na ako. Para may alone time kayo ni Odette."

"Vanessa naman," pinigilan ko siya nang akmang aalis na. Niyakap ko siya mula sa likod. "Dito ka lang. Ikaw lang ang gusto kong kasama." Nanatili lang siyang tahimik. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin at binigyan ko ng mumunting halik ang nakakaakit niyang batok.

"Rie, a-anong ginagawa mo?" Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi dahil naramdaman kong naapektuhan siya sa ginawa ko. "Ano ba, baka makita tayo ni Odette!"

Itinigil ko ang paghalik at ipinatong ang baba sa kaniyang balikat. "Ano naman kung makita niya tayo?"

Umalis siya mula sa pagkakayakap ko at tinignan ako nang masama. "Nalimutan mo yatang pinakilala mo akong bilang kaibigan mo lang." Lang? Ah, kaya pala. Bigla akong natawa at lalong sumama ang tingin ni Vanessa. "Anong tinatawa-tawa mo?"

"Wala," pinisil ko ang kaniyang pisngi. "Ang cute mo lang pag naiinis." Sa klase ng tingin ni Vanessa ay parang gusto na niya akong sunugin para maging abo na lang. Parang konti na lang kasi bubuga na siya ng apoy. Pero minsan ko lang maasar si Vanessa kaya lulubusin ko na. "Dito yata magpapalipas ng gabi si Odette. Paano na kita masosolo niyan?" Lumabi ako at nagkunwaring malungkot.

"Na-engkanto ka ba?" Pinaningkitan niya ako ng mata. Siguro nawiwirduhan na sa mga kinikilos at sinasabi ko. Kahit ako nawiwirduhan sa sarili, kung paanong nagagawa ko nang asarin si Vanessa. "Tantanan mo ako Rie, hindi ako natutuwa."

"Talaga?" Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa bewang. "Ayaw mo na ganito ako?" Hinalikan ko ang leeg niya at rinig kong napasinghap siya. Mas pinagbuti ko ang paghalik nang marinig ko ang mahinang pag-ungol ni Vanessa. Tantanan pala ah.

Nang maramdaman kong parang nadadala na siya ay bigla akong tumigil. Nagtatanong ang mga mata niya at the same time ay parang naiinis. Nabitin siguro. "Naririnig ko na ang footsteps ni Odette. Alam mo na, baka makita tayo."

Hindi makapaniwalang tinignan niya ako. Ramdam ko nang nagdilim ang kaniyang aura kaya bigla akong kinabahan. Lagot. Napasobra ata.

Bumalik si Odette sa sala na may panunukso akong tinignan. Nakita niya yata kami ni Vanessa. Bigla tuloy akong tinamaan ng hiya. Kaunting kwentuhan lang ulit bago ito nagpasyang umuwi na. May susundo raw sa kaniya kaya hindi ko na siya kailangan pang ihatid.

"Next time na lang ulit, Ivrie." Bago tuluyang magpaalam si Odette ay bumulong muna ito sa akin. "Enjoy kayo!" Kinindatan pa ako nito kaya hindi ko maiwasang pamulahan. Baka akalain niyang nananabik akong masolo si Vanessa. Sa bagay, tama siya pero di ko 'yon aaminin.

Nang kami na lang ni Vanessa ay biglang tumahimik ang paligid. Kulang na lang ay mag-ingay ang mga kulisap sa labas dahil wala talagang nagsasalita ni isa man sa amin.

Hanggang sa lumipas na ang ilang minuto na walang umiimik kaya hindi na rin ako nakatiis. "Uhm, ano, g-gutom ka na ba?" Sa halip na sumagot ay ngumisi lang ito. Lagot na talaga.

"At ngayon, nahihiya ka na ulit?" Unti-unti siyang lumapit sa akin hanggang sa nasa harap ko na siya. Nakaupo ako sa sofa habang nakatayo siya ngunit nakayuko sa akin. Nakasandal ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid dahilan para ma-korner ako. Halos pigil ang hininga ko dahil pulgada na lang ang lapit ng mga labi niya sa akin. Hindi rin nakatulong ang kaniyang pabango na lalong nagpatindi ng nararamdaman ko. "Ano pang iniintay mo? Wala na si Odette, masosolo mo na ako."

Wala na akong sinayang na oras. Kinabig ko sa batok si Vanessa at sabik na hinalikan. Hanggang sa itulak niya ako pahiga sa sofa. Ang akala ko ay magpapatuloy siya ngunit parang binagsakan ng malaking bato ang puson ko nang bigla itong tumayo. "B-bakit ka tumigil?"

"Mamaya na lang. Nagutom ako bigla," nang-iinis itong ngumiti bago tumingin sa kamay kong nakahawak sa puson. "Sakit? Ganti ko 'yan sa ginawa mong pambibitin sa akin kanina."

Para naman akong nalugi at napahilamos na lang ng mukha. Lesson learned. 'Wag bitinin si Vanessa, malala gumanti.

xxkalaroxx

K A L A R OWhere stories live. Discover now