"Please," Matt sighed. "Magpapa-"

"When the lady says no, then fuck off." Ani Josh na iritado, nakita ko ang paghawak niya sa braso ng kaibigan ko, he changed their position, ngayon ay nasa gilid na si Heart na mukhang paiyak na at ang kaharap na ni Matt ay si Josh.

"Ano ngayon? Ikaw ba ang kausap ko-"

"My cousin says no, Assuncion." I heard Atlas' cold voice, natigilan si Matt at sumulyap sa huli.

"Atlas, magpapaliwanag-"

"She doesn't want to talk to you so leave her alone," mariing sabi niya. "Isang lapit mo sa pinsan ko at ako na ang sasapak sa'yong gago ka."

Matt sighed, iritado na at napailing, bigla siyang tumalikod at padarag na hinawi ang kurtina at umalis.

I sighed, sumulyap kay Atlas na galit at kay Josh na nakatitig lang kay Heart na nagpupunas na ng luha.

"May sumapak na sa kanya?" I asked.

"Ako," Josh said coldly, nanlaki ang mata ko roon. Nang napahikbi na ang kaibigan ko ay napatayo na ako.

"Heart-"

"It's okay, Lia. Ako na bahala, dito muna kayo." Josh said, hindi na ako nakaalma nang hawakan niya ang kaibigan ko at dinala palabas sa clinic, naiwan kaming dalawa ni Atlas doon.

I know my friend wanted to be alone now, bumuntonghininga ako bago naupo pabalik. Nakita kong iritado si Atlas, kunot ang noo niya at umigting ang panga.

He looked hotter with that smug look kaso ayaw ko namang batiin na gwapo siya at galit nga kay Matt.

"It's okay, Heart is strong, kaya niya 'yan." I smiled to assure him.

"I just...it annoys me. Hinayaan ko 'yong gagong 'yon na manligaw sa pinsan ko pero ginago lang." Iritado niyang sabi at hinuli ang kamay ko.

He opened my palm, hinuli ko ang daliri niya nang haplusin niya ang palad ko at napangiti na siya.

"Sorry, Lia. I was just annoyed at that asshole and myself." He sighed.

"Bakit?"

"Kasi palagi na lang, kapag nand'yan ka para akong lutang." He said, bigla akong natawa at inabot ang pisngi niya at ngumiti. "Ikaw kasi, kumindat ka..."

"Huh?" napalunok ako at umiling. "'Di ah, napuwing lang ako! Kaya isinara ko isang mata ko!"

I saw him hid his smile but didn't say anything against it.

"Gano'n ba?" he pouted a bit. "But still, it was pretty embarrassing. You saw me like a fool again."

"Okay lang, gwapo pa rin naman." I smiled and when he smirked at me, na-realize ko kung anong lumabas sa labi ko kaya nakagat ko ang labi at unti-unting namula.

For the next days, laking pasalamat namin ba hindi na nanggulo pang muli si Matt, susubok siya pero 'di magawa dahil nilalayo namin si Heart sa kanya.

My friend is brokenhearted but she told me she'll be alright.

"Lalaki lang 'yan, 'di ko kawalan." She pushed her hair back while we're seated sa may ilalim ng puno sa may field, inaantay ang mga lalaki dahil sabay-sabay kaming magla-lunch at last day na ng clearance.

"Tama, sa ganda mong 'yan? Marami pa r'yan, Heart." Sabi ko at ngumiti siya.

"Yeah, right! Hindi ko sila kawalan, sila ang nawalan!" she said confidently at sabay kaming nagtawanan.

"Lia! Heart!" mula sa malayo ay nakarinig kami ng sigaw, sabay kaming napalingon at nakita si Josh na kumakaway sa malayo, sa likod niya ay si Atlas na may dalang plastic ata ng pagkain.

Brave HeartsWhere stories live. Discover now